Chapter Three

11.2K 277 22
                                    

HINDI umimik si Katrina. Ngayon lang kasi niya nalapitan ng ganito kalapit si Julian. Nararamdaman niya ang katawan nitong nakadikit sa kanya. At hindi pa siguro nito napapansin iyon dahil siguradong kakaripas ito ng pagtakbo kapag na-realize nitong nakadikit ito sa kanya.

Nakayakap ito sa kanyang hubad na katawan. Ang dalawang braso nito na nakapulupot sa kanyang balakang. Nakadikit ang hubad niyang dibdib sa katawan nito. Nakababa lang ang kanyang mga kamay sa kanyang tagiliran. Kahit gustung-gusto niyang haplusin ang noo nitong nakakunot ay hindi niya ginawa. Gusto niyang halikan ang labi nitong ang lapit-lapit sa kanya subalit hindi siya kumilos.

Ayaw niyang matanggihan muli. Ayaw niyang lalong manliit sa sarili kapag umatras ito uli sa kanyang haplos. Hindi na lang siya umimik. Hinihintay na lang niyang si Julian mismo ang makapansin na hawak-hawak siya nito at dikit na dikit ang kanilang mga katawan. Hindi nga nagtagal at napansin nga nito iyon dahil hindi siya umiimik.

Saglit itong natilihan. Naramdamn niyang kumilos ito para lumayo sa kanya pero natigil. Naramdaman din niya ang paghinga nito ng malalim. Napansin niyang napalunok ito dahil sa paggalaw ng Adam's apple nito. Pati ang mga kamay nitong nakayakap sa kanyang balakang ay parang hindi mapakali. Waring tinatantiya kung dapat na nga ba nitong alisin iyon doon.

Nakatingala siya rito samantalang ito ay nakayuko sa kanya. Nagtama ang kanilang mga mata. Umawang ang labi nito nang madako ang tingin nito sa kanyang labi. Napalunok uli ito.

Mapakla siyang ngumiti sa sarili. Natutukso si Julian na halikan siya. At kung mangyari man ang halik, iyon ay dahil sa sitwasyong kinasusuongan nila ngayon at hindi dahil may damdamin ito para sa kanya.

"Julian, puwede mo na akong bitawan." Mahina niyang sabi. Tila nagising naman ito sa malalim na pagkakahimbing.

Mabilis itong bumitaw at saka humakbang pabalik sa malaking bato at hinubad ang suot na uniporme. Pinilipit nito iyon para pigain ang tubig sa mga damit at saka inilapat sa ibabaw ng bato para patuyuin ng kaunti.

Hindi na ito tumitingin sa kanya. Umahon na rin siya at saka sinubukang tuyuin ang sarili sa dalang panyo. Isinuot niya ang mga damit at saka itinaas ang basang buhok at ipinusod. Lumapit siya sa batong kinaroroonan ni Julian.

"Julian. Sorry kung nagulo ko ang isip mo. Huwag kang mag-alala, hindi na uli kita gagambalain pa. At sana, huwag mo ring gawin ito para hindi ako lalo matuksong ibigin ka. Mauuna na ako. Alam mo ba ang daan pabalik?"

Tumango ito na hindi pa rin siya nililingon. "Sige. Mauuna na ako. Salamat sa pagliligtas sa 'kin kahit hindi naman talaga kailangan. Bye." At saka siya tumalikod. Tama nga ang nanay niya, lahat ng tao rito lalo't ang mga lalaki ay pare-pareho kung mag-isip.

Kahit malinis ang kanyang pagkatao at pagkababae, hindi magbabago ang bansag sa kanya dahil siya ang buntot ng ina at bawat bansag ng mga ito sa kanyang ina, nasasalo niya iyon at kasali siya roon. Iyon ang buhay na nakatadhana sa kanya.


***

Kanina pa nakauwi si Julian at nakahiga sa kamang dati ay pinagsaluhan nilang magkapatid na si Juliet pero ngayon ay sarili na niya dahil sa kuwarto na ito ng ina nakikitulog.

Hindi mawala-wala sa kanyang isip ang hubad na katawan ni Katrina, lalo ang pakiramdam na nakadikit ito sa kanyang katawan. Naaalinsangan ang kanyang pakiramdam at kahit anong gawin niyang pagpilig ng ulo, hindi iyon mawaglit. She just keeps appearing and teasing his mind.

Ang lambot ng dibdib nito. Ramdam na ramdam niya sa kanyang dibdib ang kabuuan ng hinog na nitong mga dibdib. Napadiin ang pikit niya sa mga mata at saka umiba ng puwesto sa paghiga. Nagpakawala rin siya nang malalim na hininga.

BETRAYALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon