Chapter Seventeen

8.2K 200 17
                                    

**RAW & UNEDITED. BEAR WITH THE ERRORS.


"TRINA, please? Naka-oo na ako sa kliyente e at ikaw mismo ang ni-request nilang mamuno nang stag party noong ikakasal?" pinamungay pa ni Sugar ang mga mata. At kahit siya pa ang manager ng club na ito, si Trina pa rin ang kanilang star of the The Gentlemen's Club at ito rin ang nagaakyat ng salapi sa club na ito.

Nilingon siya ni Trina, at katulad ng dati, wala itong reaction. Tila sa dingding lang ito nakikipag-usap mula pa noong una itong namasukan dito. Pero tinanggap niya ito dahil sa angkin nitong ganda na hindi maikikumpara sa kahit kaninong dancers na mayroon siya. Trina is his best asset...his gold mine, kaya naman ayaw niyang bigyan ito ng anumang dahilan para lisanin ang club na ito.

"It'll be tonight. And since off mo naman the following two nights, ibinigay ko ang buong gabi mo for that group," ibinigay niya ang matamis niyang ngiti rito.

"I told you I don't accept outside activities," Walang gana nitong tanong at saka siya tinalikuran.

Hinabol niya ito at saka hinaplos-haplos ang maputi at makinis nitong braso. Kahit siya na bakla ay naaakit ng kaunti sa napakagandang babaeng ito. "Trina, baby please? Iyong service fee lang naman ang papasok sa club pero kung anuman iyong activities na gagawin mo after the job, sa iyo na ang lahat ng iyon. Kahit gaano pa iyon kalaki, it'll be all yours." Ngiti pa niya. "And I know...you need more cash to look for your lost son."

Doon na nalisik ang mga mata nito at saka siya marahas na tinitigan. Alam niyang iyon ang Achilles heel nito, ang mapag-usapan ang anak nitong nawawala. Doon lahat nawawala ang pagiging matigas nito, at iyon ang kahinaan na alam niyang mapanghahawakan niya para hindi ito mawala sa club. She needs lots of money and this is the only place where she can get it from.

"Sugar...isa pa, banggitin mo pa uli ang anak ko sa usapang ito, pagsisisihan mo." Matigas nitong sabi.

"I'm sorry." Pagkukunwari niya pero alam niyang nahuli na niya ang loob nito.

"Sige. Sino ang mga kasama ko?" muli itong humakbang patungo sa dressing room at sumunod naman siya rito.

"Sina Lilac at Rose, alam na nila ang gagawin nila. Sila na ang mag-aayos ng lahat, all you have to do is give your best performance at the end of the party. Ikaw ang regalo ng mga kaibigan noong lalaki sa kaibigan nila."

"Sige. Ako na ang bahala." At saka nito isinara ang pinto sa mukha niya nang makapasok na ito sa loob ng dressing room.

Sanay na si Sugar sa ugali ni Trina kaya naman hindi na bago sa kanya ang pagiging rude nito. Basta masaya siya na napapayag na niya ito. Malaking pera kasi ang involved sa stag party event na ito. Biruin mo nga namang halos isandaang libo ang ibinayad sa kanya no'ng Rex Javier na iyon para sa kaibigan nito? Sapat na iyon para hindi makihati sa kung anumang kikitain pa nito pagkatapos.


***

Julian is heading to Hotel Pacific, isa sa mga negosyong pag-aari nilang magkakaibigan. Doon siya pinapupunta ni Rex para raw sa isang business meeting nila with the foreign investors. Madalas na nilang gamitin ito para sa mga importanteng meetings kaya naman kampanteng pinuntahan niya ang kuwartong nasa top floor which is the 50th floor. De-salamin ang elevator kaya naman see-through ang 'di kalayuang beach sa hotel na iyon. Marami siyang nakitang turista sa paligid, business is going well for this year again, natutuwa niyang sabi sa sarili

BETRAYALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon