Chapter Five

9.9K 262 29
                                    

HINDI sinabayan ng nobyo si Katrina umuwi after class. Hindi rin sila nagpapahalata na may relasyon na sila. Julian wants to keep their relationship private. Okey lang din naman sa kanya, kahit ano'ng sabihin ni Julian ay okey lang sa kanya.

Mas mabuti nga siguro iyon para hindi matukso si Julian ng kanilang mga schoolmates kapag nalaman ng mga ito na sila na. Mahirap na nga sigurong makantiyawan na pinatulan siya ng pinaka-matalinong estudyante sa kanilang buong school.

Ayaw niyang bumaba ang tingin ng mga tao sa nobyo ng dahil sa kanya, ng dahil sa reputasyon ng kanyang ina. Julian is hardworking and smart. Hindi ito dapat pintasan sa baryo nila nang dahil lang sa kanya.

Sapat ng napagmamasdan niya si Julian sa tuwing makikita niya ang pagpasok nito sa entrada ng school nila. Sapat na ring sa ilog lang sila puwedeng magkita, mag-usap at magkasama. Saksi ang ilog sa kanilang pagmamahalan. Doon sa ilog nila napaparamdam ang pagkasabik nilang makasama ang isa't isa, lalo na siya.

Wala na siyang ibang nasa isip kung hindi si Julian. Sa pagtulog, pag-gising, o kahit nasa klase na siya ay si Julian pa rin ang okupado ng isip niya. Pakiramdam niya ay masaya siyang mamamatay ngayon basta alam niyang nariyan lang si Julian na mahal niya at mahal din siya. Sapat na ang lahat ng iyon. Masaya na siya.


Lulusong uli siya sa ilog katulad ng nakagawian niya. Inilibot muna niya ang paningin sa paligid para siguruhing mag-isa lang siya roon. Kahit alam niyang siya lang ang palagiang nandirito, gusto pa rin niyang makasiguro. Pagkuwa'y hinubad niya lahat ang suot na damit, pati panloob. Sanay na siyang gano'n ang ginagawa.

Ayaw ni Julian na ginagawa niya ito pero hindi kasi siya sa kumportableng may suot sa paglusong at paglubog sa tubig. Gusto niya ay malaya ang kanyang katawan at balat na nakalubog at nakikipag-isa sa ilalim ng tubig. Ang sarap kasi no'n sa pakiramdam. Parang nakakalimutan niya lahat ang suliranin niya sa buhay. Dito sa ilalim ay malaya siya. Dito niya pinapawalan ang lahat-lahat. Lalo na ang masasakit na nangyayari sa kanyang buhay.

Matapos ang tatlong minuto, iniahon niya ang ulo sa ibabaw ng tubig. Tuwang-tuwa sa record na naabot. Kaya na niyang manatili sa ilalim ng 'saktong tatlong minuto. Dati lang wala pang dalawang minuto at umaahon na siya pero ngayon ay natalo niya iyon.

Nasisiyahang iniahon na niya ang buong katawan at saka lumakad pabalik sa buhanginan subalit natigilan nang makita si Julian na nakatayo sa gilid niyon. Napako siya sa kinatatayuan. Napako rin ang paningin ni Julian sa kanya. Pagkuwan ay mabilis itong pumikit at tumalikod.

Mabilis siyang humakbang palapit sa kanyang uniporme at isinuot iyon. Hindi na nag-abala pang tuyuin ang kanyang basang katawan. Nang sa tingin niya ay okey na siya, tinawag niya ang nobyo.

"Sinabi ko nang huwag kang lulusong ng nakahubad. Paano kung may ibang tao rito at nakita kang ganyan? Hindi mo man lang ba iniisip ang puwedeng mangyari sa'yo?" May pagkayamot na sabi nito.

"S-sorry na, Juls. Hindi ko naman alam na pupunta ka ngayon dito kasi dalawang araw kang hindi nagpakita sa 'kin."

"Kahit na. Magpakita man ako sa'yo o hindi, hindi ka pa rin dapat naghuhubad ng todo-todo. It's dangerous out here, Katrina."

"Sorry. Tatandaan ko ang sinabi mo. Huwag ka ng magalit, Juls...please?" Natataranta na siya. Ayaw niyang magalit sa kanya ang nobyo. Miss na miss na niya ito dahil hindi nga niya ito nakita ng dalawang araw kahit sa school.

"Kababalik ko lang galing Maynila." Umupo ito sa paanan ng malaking bato at sumandig doon.

Napatingin siya rito. Bakit hindi niya alam? Hindi man lang nito sinabi sa kanya na aalis pala ito. Hindi siya umimik. Hindi niya maiwasang hindi masaktan sa sinabi nito. Nakaupo na rin siya sa tabi nito.

BETRAYALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon