Chapter Eleven

9.3K 182 19
                                    

TATLONG gabi na ang nakalilipas magmula nang may mangyari sa kanila ng nobya. Ngunit magpa-hanggang ngayon ay sariwa pa rin iyon sa kanyang isip at pandama. Hindi maalis sa kanyang isip kung paano ito nasaktan at kung paano rin siya nahirapan sa pag-angkin dito.

Subalit dahil marahil unang karanasan niya iyon, naging marahas siya at hindi napigilan ang sariling magpumilit na angkinin ito kahit nasasaktan na niya ang kasintahan. Wala siyang ibang magawa kung hindi ang halikan ito sa pisngi at paulit-ulit na ibinulong kung gaano niya ito kamahal.


Huminga siya ng malalim at saka umiba ng puwesto sa pagkakahiga. Hindi siya mapakali. It's been three days since then at hindi pa niya uli ito nakikita dahil tinutulungan niya ang ina sa bukid. Ikinuyom niya ang palad, God! He misses her so much! Gusto niya uling maramdaman ang kasintahan.

Julian! Oh Julian, I love you so much! Huwag mo akong iiwan, mahal na mahal kita!

Paulit-ulit niya iyong naririnig. Ramdam niya pati ang mahigpit na pagkapit nito sa kanyang likod, maging ang pagdiin at pagsugat ng mga kuko nito sa kanyang balat. Nagtagis ang kanyang mga ngipin.


Muli siyang umiba ng puwesto. Subalit hindi pa rin siya mapalagay, kaya umupo siya at tumingin sa kadilimang nakalatag sa kanyang kuwarto. Bumibilis ang pagtibok ng kanyang puso habang bumabalik sa kanyang isip ang pangyayaring iyon. Gusto niyang makita si Kat...gusto niya itong maangking muli!

Tumayo siya at maingat na lumabas ng kanyang kuwarto. Maingat niyang binuksan ang pinto sa sala at walang ingay na lumabas ng kanilang bahay. Nang makalabas, mabilis ang mga hakbang, halos patakbong tinugma ang daan patungo kina Kat.

Alam niyang lagpas hatinggabi na, magi-ikalawa ng ng madaling araw. Nadatnan niya ang madilim ng bahay nina Kat at siguradong tulog na rin ang mga nakatira roon. Tumigil siya sa paghakbang at napako sa kinatatayuan. Nagtatalo ang isip kung magpapatuloy ba o uuwi na lang.

God, hindi niya akalaing magagawa niya ang kagaguhang ito. Halos mawala ang kanyang katinuan at tinatalo ng kanyang damdamin ang matino niyang pag-iisip. Nasuklay niya ang buhok. Mabilis ang kabog ng kanyang dibdib. Gusto niyang makita nag mukha ni Kat.


Naalala niyang itinuro ni Kat sa kanya kung nasaan ang kuwarto nito. Lumapit siya roon at saka mahinang kumatok sa bintana na gawa sa manipis na plywood. "Kat?" mahina niya ring tawag.

Saglit siyang naghintay. Walang sumagot. Wala rin siyang narinig na kilos sa loob. Kinakabahang inulit niya ang ginawa. Mahinang kumatok at tumawag sa pangalan ng kasintahan. Subalit wala pa ring tugon. Laglag ang balikat na sumuko na rin siya.

Tumalikod siya para umalis na. Naroon ang kahungkagan sa pakiramdam. Hindi pa man siya nakakalayo ay may narinig siyang tumawag sa kanyang pangalan. Mabilis siyang humarap doon. "Kat?"

"Julian, anong ginagawa mo rito?" nakalapit na ito sa kanya, magulo ang buhok nitong halatang kagigising lang.

Nakasuot lang ito ng mahaba at maluwang na t-shirt at halatang wala itong suot na bra dahil sa nipples nitong bumabakat doon. Biglang nag-init ang kanyang pakiramdam. Mabilis niyang sinalubong ito at mahigpit na niyakap. Nadama niya sa katawan ang dibdid nito. "I miss you!" madamdamin niyang sabi.

"Akala ko ay nananaginip lang ako na tinatawag mo ang pangalan ko." Pagkuwa'y ngumiti ito.

Hindi na niya napigilan ang sarili, madiin niya itong siniil ng halik sa labi hanggang sa pareho na silang halos hindi makahinga. Tumigil sila at saka pinagdikit ang mga noo, taas-baba ang mga dibdib habang humuhugot ng hininga.

BETRAYALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon