Chapter Twelve

8.3K 235 22
                                    

***Para kay CarlyDominate, salamat partner


HINDI magkamayaw sa katuwaan si Katrina sa ibinalita ni Julian noong nakaraang linggo. Natuwa sa isiping ganoon siya kamahal nito, ultimong balak siya nitong isama sa Maynila. Aaminin niyang natatakot siya sa desisyon nito pero kasama naman niya si Julian, kaya magtitiwala siya rito.

Hindi niya sinabi iyon sa ina, aalis siyang walang paalam dahil siguradong hindi siya nito papayagan. Kay Lucy lang niya sinabi at natutuwa naman ang kaibigan niya sa kanya. Masaya ang kaloobang bitbit niya ang ilang damit sa kanyang lumang backpack na pumunta siya sa bayan para pumasok.

Nagpaalam na siya sa pinapasukan at sinabing ito ang huling araw niya rito para makuha na rin niya ang kanyang huling sahod. Masaya naman siyang pinayagan ng employer niya and even wished her good luck.

Sinabi ni Julian na hihintayin siya nito sa bahay nila. Gabi ang biyahe nila kaya kay Lucy na muna siya magpapalipas ng oras bago gumabi.


"Uy, sulatan mo ako ha? O kaya text-text kapag nakabili kayo ni Julian ng cellphone sa Maynila. Huwag kang makakalimot bruha ka." Kunwa'y iyak ni Lucy.

Tinawanan lang niya ang kaibigan. "Ano ka ba, para namang mangingibang bansa kami niyan eh. Para Maynila lang."

"Maynila pa rin iyon, 'no. Ang layo pa rin no'n at hindi kita basta-basta mahahagilap kapag gusto kitang makausap o kapag kailanganin mo ako." Nasa kalsada sila para mag-abang ng jeep papunta sa kanilang baryo.

Ika-anim na ng gabi. Ika-siyam ng gabi ang biyahe nila pa-Maynila. Dadaan naman ang bus sa kanilang baryo kaya roon na sila mag-aabang ng bus ni Julian.

"Ito naman, para namang sasaktan ako ni Julian. Hindi 'no. Mahal ako no'n. O heto na ang jeep, sasakay na ako baka kasi naghihintay na si Julian sa'kin. Ba-bye best friend. Mag-iingat ka rin ha? Mami-miss kita ng sobra." Pasakay na siya ng jeep ng sumigaw si Lucy.

"Kat! Nandito lang ako, ha?"

"Oo! I love you!" balik sigaw niya habang papa-usad na uli ang jeep paalis.

"I love you, too!" narinig pa niyang sagot nito at saka mabilis na kumaway.

Hindi niya napigilang mapaluha. Mami-miss niya talaga ito kasi ito lang ang ka-isa-isa niyang kaibigan sa buong mundo. Pinunasan niya ang luha at saka ngumiti sa sarili. Di bale, si Julian naman ang makakasama niya kaya kahit paano, magiging kaibigan din niya ang nobyo.



Huminto ang jeep sa bukana ng kanilang baryo. Bumaba siya, napansin niyang may isa pang bumaba. Ni-sino niya iyon at medyo ngaulat pa siya, si Ramon iyon.

"Mukhang sasama ka talaga kay Julian sa Maynila ah." Pansin nito, tiningnan pa ang dala niyang backpack.

Nagpatiuna siyang lumakad. "Wala kang pakialam. Lubayan mo ako." At tinalikuran niya ito, mabilis siyang naglakad, binibigyan ng distansiya ang pagitan nila.

"Katrina...hindi ka sasama sa kanya!" matigas nitong sabi.

Nakaramdam siya ng takot! Kumabog ang kanyang dibdib. Lalo niyang binilisan ang paghakbang...hanggang sa tumakbo na siya!

Lumingon siya sa kanyang likuran, nawala si Ramon. Tumigil siya para busisiin ang paligid, wala na talaga ito. Kahit paano ay nakalayo siya rito. Doon lang siya nakahinga ng maluwag. Pagkuwa'y nakangiting tinunton niya ang bahay nina Julian.

BETRAYALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon