♥Chapter VII

24 1 0
                                    

"Di kita dapat ginugusto pero natutukso! Anu man ang sabihin nila, hindi kita ipag kakaila pagkat ikaw lang ang minamahal ko oh aking diwata ah ah!"

"HUY! TUMAHIMIK NGA KAYO. MAY NAGLALABA! HAHAHA"

"HAHAHAHAHAHAAHA!!"

"Kyaahh! oo te, nakita ko sila kanina."

"Waahh.. kainis to! di ako tinawag. haha"

Ganyan kagulo dito sa section namin, Hahaha pero masaya. kanya kanyang ginagawa, may nagkakantahan, nag babasagan ng trip, Nag kukwentuhan ng kung anu-anu, meron ding maya't maya ang pag lalagay ng powder. haha :)

Nung una di ako sanay, pero may magagawa ba ko? haha Sila na ang bago kong makakasama sa buong taon kaya dapat lang na makisama ako.

Minsan nga ako pa ang nagpapasimula ng ingay eh! haha Ako pa ba? papatalo sa kabaliwan? No way! :D

Masaya sila kasama. Akala ko nga dati pag nasa lower section puro mga sira ulo. I mean yung mga studyante na patapun. alam nyo yun?

Pero nagkamali ako. "Don't judge the book by its cover" nga diba?

"Huy! Ang tahimik mo jan! Mag ingay ka naman! haha"

"Baliw! masama bang tumahimik kahit minsan? haha" Adik talaga to si Fred. Bago kong tropa, Maliit yan pero wag kang magkamaling hamunin yan ng suntukan. HAHA

"Anu ba pre iniisip mo? kanina ka pa jan mukang tanga eh." sabi ni Aljun. naka palibot na pala sakin mga kaklase kong lalake.

"Wala naman. haha Dun na nga kayo! Magkantahan na lang ulit kayo!" pag tatabuy ko sa kanila. wala pa kasing teacher. kaya magulo talaga.

"MAHAL KITA! PERO DI MO LANG ALAM!" Hahaha! biglang banat ni Fred.

Nakisabay na rin kami."MAHAL KITA! PERO DI MO LANG ALAM! MAHAL KITA! TANANANANA.. HMMM" HAHAHA Di na namin alam ang kasunod na lyrics. Epic ang putek!

Pero tuloy pa rin kami sa pagkanta na parang mga baliw. :D

kasu naputol ang kasiyahan namin ng pumasuk na Science teacher namin.

"QUIET CLASS!" nag sipag tahimikan naman kami. Aba! Mahirap na. mejo terror pa naman to, Pero sa lahat ng teacher ito ang pinaka masaya magturo. haha gulo ba? ganun eh.

"Kamusta naman class ang First Periodical exam? madali ba?"

Oo nga pala. katatapus lang last week ng exam namin. Monday ngayun so it means. ngayun malalaman ang results.

"Ma'am! Pahirap ka naman eh. haha sabi mo madali lang" sagut ni Zarene.

"Oo nga ma'am. Pero keri lang. hihi" pag sang-ayun naman ni Azel.

"I know right! Haha.. keri lang Ma'am." isa pa to si Joy.

Yan ang Tres Marias dito sa section namin. haha para kasing mga kambal. laging magkakasama tapus ang lakas din ng trip ng mga yan.

"Mahirap daw. eh may muntik na ngang maka perfect, nahiya pa sa isa. haha" sabi ni Ma'am Revellame.

"oh? talaga ma'am? sino po?" takang tanung ng mga kaklase ko.

"Panigurado si Insan na yan! Haha" sigaw ni Asther.

"Gagi. Hindi no! nahirapan nga ko." pa humble kong sabi. pero ang totoo di talaga ako nahirapan. ^^,

"Congrats Ezekiel, You got the Highest score sa Exam." sabi ni Ma'am.

"Oh? ako talaga ma'am?"

"Wag ka ngang pa innocent effect jan Eze." nakangiting sabi ni Zarene.

FRIENDZONE Feels♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon