SHAIRA's POV
"Good Afternoon class, Sorry kung wala ako last meeting. So how's the movie? Did you all enjoy it?" Panimula ni Sir Hernandez, Sya yung profesor talaga namin sa Programming 1.
"Yes sir! Ang sungit po pala ni Steve jobs sir. Haha" Sagot nang kaklase ko.
"Oo nga, but anyway, Sinabi ba sa inyo ni Sir Buan na ngayun ang pasahan ng review draft?" Tanung ni Sir Hernandez.
O... M... G... Nagawa kaya ni KC?
Sana lang talaga'
"Psst!" Tawag ko kay KC.
Nasa unahan ko kasi sya.
Lumingon naman to agad.
"Nagawa mo?" Bulong ko, Alam ko namang nagets na nya yun.
Tumango ito at nag thumbs up.
Napahinga ako ng malalim. Haayy salamat, maaasahan ka talaga KC.
Inabut sakin ni KC yung review draft ko. Di ko na binasa, may tiwala naman ako kay KC eh.
Pinapasa na ni Sir isa-isa and medyo nahuli ako since nasa may bandang huli yung upuan ko.
Tumayo na ko para ipasa itong akin, nakasalubong ko pa si Bebe kiel, Nginitian ko sya but as usual, Deadma lang. Haha
"Hi Sir" Bati ko habang nakangiti saka ko inabot itong akin.
Tumalikod na ko para bumalik sa upuan ko pero di pa man ako nakakalayo...
"It seems like you don't know the rules Ms.Shaira.."
Dahan-dahan akong humarap kay sir.
"P-po?" kinakabahan kong tanung.
"Let me remind you Ms.Shaira" Seryosong sabi ni Sir habang naka tingin pa rin sa Review draft k-ko.
Napalunok ako, Feeling ko natutuyuan yung lalamunan ko.
Sobrang kinakabahan ako ngayun, promise!
Ghad! KC anu ba ginawa mo? >___<
"O-ok Sir"
"Did you know that I don't tolerate any form of plagiarism for review drafts or essays?"
Nagulat ako sa sinabi ni sir. Ibig nya bang sabihin eh nag Plagiarism ako este si KC ?? Imposible!
"Oh my God' Si shaira?? haha nakakaawa naman"'
"I know right! Videohan mo dali! Tapus post mo mamaya sa Page ng school Haha"
"No way.." Tanging nabigkas ko. Hindi pa nag s-sink in sa utak ko. Panu nya nalaman yun??
"Yes way Ms.Shaira! The First paragraph is from the Review draft of the movie "JOBS" by Mr.Callaghan from his Blog. You copied it word by word, Then the rest of your review draft is from Internet. So sino ang bibigyan ko ng grade, Si Mr.GOOGLE?"
"HAHAHAHAHA! Nakakahiya.."
Hindi na ko makagalaw sa kinatatayuan ko. Sobrang kahihiyan na ang nararanasan ko ngayun.
Wala na kong lakas ng loob para tumingin kay Sir, Nakatungo lang ako habang nag sasalita si Sir.
Oh God! This is so embarassing!
"Hence you get a zero for this review draft, any objection?"
Ngayun ko pinagsisihan na nginitian ko si sir kanina.
"Nothing Sir--"
"Good, Now, Goodbye class!"
At nag tayuan na mga kaklase ko para lumabas dito sa computer laboratory.
BINABASA MO ANG
FRIENDZONE Feels♥
De TodoHey' guys! Kindly support this story :) This story is not just about Love Story. It's also about Friendship. Mga makatutuhanang nangyayari sa mga magkakaibigan. hindi man sa lahat pero karamihan lalo na sa mga lalake't babaeng magkaibigan. Sa mga...