♚Chapter 11

25 1 0
                                    


"Tara na!" Sigaw ko kay rogy na kanina pa nakaharap sa salamin.

"Oo, ito na. nag mamadali?" tss. Bagal talaga nito kahit kailan.

Parang babae kumilos eh. Hindi ata to makakalabas ng bahay ng walang powder sa muka. GGSS ang putek! haha :D Gwapong Gwapo sa sarili.

Kinuha na nya yung bag nya saka kami nagsimula ng mag lakad papuntang school. Walking Distance lang naman eh.

Pagkarating namin sa Room, Umupo na agad ako sa pwesto ko.

Di na ko masyadong nakikipag-usap sa mga kaklase ko. Di ko trip!

Wala pa yung Prof. namin kaya ang ingay sa room. ganun namn ata talaga? haha tumatahimik lang pag may professor na, minsan nga hindi pa eh. tss

Sa may unahan ako nakapwesto. ayoko kasi sa likod, magugulo mga kaklase ko na nasa likod.

Habang wala pa si sir, nag soundtrip muna ko. Boring eh. sinaksak ko na sa tenga ko yung earphone.

"Hi! wala pa si sir?" masiglang bati ni Shaira.

Tumango lang ako bilang sagut. Di ba obvious? malamang wala pa.

"Ahh.. hehe kanina ka pa?" tanung ulit nito. tsk! kulit naman. Bakit ko ba to naging seatmate? haist

Tumango na lang ulit ako. Nakapikit lang ako habang nakikinig ng music.

"Ahh.. Ok, hihi" sabi nya saka hindi na ulit umimik.

Ang rude ko ba? psh! the hell I care.

Dumating na si Sir. Villaga,

Earth Science ang subject namin.

Haayyy.. Ang Boring pa naman nito mag turo. sarap tulugan eh. tapus ang Init pa dito sa room, pang hapun kasi klase namin. may Aircon naman pero ang init pa rin.

"Good Afternoon class" bati ni sir.

"Good Afternoon sir"

At nag simula na si sir mag discuss about History of Earth. blah blah

Habang nag didiscuss si sir, ramdam ko na nilalakasan ng katabi ko yung pag paypay nya para idamay ako. Sobrang Init kase talaga. Nakita nya siguro na naiinitan na talaga ako.

kaya nilingon ko yung katabi ko.

nagulat ako kasi nakatingin din sya sakin tapus nginitian nya ko. kaya napabalik yung tingin ko sa harap.

May sira na ata tong katabi ko. tsk

Sya nga pala si Shaira Maxine, kaklase ko na yan simula first year pero di ko pinapansin, kahit laging nag papapansin. Ewan ko ba kung bakit. May naaalala kasi ako pag nakikita ko tong babaeng to.

Naaalala ko Ashlie.

The way she laugh.. katulad ng kay Ninay.

Yung muka nyang maamo na akala mo walang alam na kalokohan pero wag ka kasi halos alam nya lahat ng kalokohan...

Yung pag ngiti nya na parang nakaka-akit..

Yung pagiging masayahin nya..

katulad ng kay Ninay.

kaya siguro ayoko mapalapit sa babaeng to.

Takot ko na lang. Ayoko nang maulit!

"A-ahh E-Ezekiel may dumi ba ko sa muka?" haa?? tanung ni Shaira.

"A-ah ha? Bakit?"

"Eh k-kasi kanina ka pa nakatitig sakin eh." namumula nitong sabi.

"Ha?? Di ah' bakit naman ako tititig sayo. tsk!" medyo namula ako bigla.

FRIENDZONE Feels♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon