Mabilis na lumipas ang mga araw.
December na ngayun, Bukas na ang birthday ko.
I smiled bitterly.
Dati, Excited na ko kapag december na lalo na kapag malapit na talaga ang birthday ko.
Sila kasi yung mas Excited sakin. akala mo sila yung may birthday.
Ngayun pa lang, nandito na yung mga yun para guluhin ako.
Nag tatalo na sila kung anong pagkain ang ipapaluto kay mommy.
Sama-sama kaming mag go-grocery para bumili lang ng mga chocolates, junk foods at drinks. Nag i-sleep over kasi sila dito sa bahay para sabay-sabay namin sasalubungin ang birthday ko.
Parang mga sira. tsk haha akala mo new year lang eh.
"Psst"
Tapus magkukwentuhan kami ng mga nakakatakut para hindi antukin.
Ang lakas nga ng loob ni Jerk na manakot pero sya pinaka malakas tumili pag nagkakatakutan na.HAHA talo pa sila Ninay eh.
Pagkatapus namin mag kwentuhan, maglalaro naman kami.
Alam nyo yung taguan sa kumot? yung magtatalukbong ng kumot tapus huhulaan nung taya kung sino yung kinakapa nya. Basta yun yun.
Ang ginagawa namin kapag si aliza ang taya. nag tatakip kami ng unan para hindi kami mahulaan. hahaha
"Pst! huy"
I sighted.
haayyyy... ang saya lang! nakakailang buntong hininga na ba ko?
Di ko talaga mapigilang malungkot pag naaalala ko yung mga araw na masaya kaming magkakasama.
Naalala ko yung nabasa kong quotation ni Lisa whelchel.
There's something about childhood friends that you just can't replace.
Oo nga naman, Kahit na hindi kami friends ngayun. Still, The memories will remain.
Kahit pagbalik-baliktarin man ang mundo, hindi matatanggi na naging parte sila ng kalahati ng buhay ko. Baka nga hanggang ngayun parte pa rin sila.
"Ouch!" Sambit ko ng may pumitik sa tenga ko.
"Ouch mo muka mo lil' bro! kanina pa kita tinatawag!" nakapamewang nitong sabi. " Sabog ka ba? umamin ka nga. tumitira ka no--"
"Ate, pwede ba? wag ako, iba na lang" kainis talaga to si ate. tsk!
"Aba! Huy. kung ayaw mong pag-isipan kita ng kung anu-anu, ayusin mo yang pamumuhay mo! lagi ka na lang tulala, nakakunot ang Noo, para ka laging mangangain. Busted ka ba?" Tumabi na sakin si ate dito sa couch.
Nasa sala kasi kami ngayun.
Napahilamus ako sa muka.
"Ate naman! tsk." sabi ko na naiinis.
"Anung ate ate! Yun na nga eh. I' m your sister. You can tell me your Problems. "
"Haayyyy...No need ate. I can handle" sabi ko na lang.
"You sure lil' bro?" concern na sabi ni ate.
"Yea, Ako pa." saka ko nginitian si ate.
Makulit lang talaga to si ate pero pag alam nyang problemado ako o malungkot. She's always there to comfor me, to make me feel happy again. Di ako nyan titigilan hanggat hindi ako ngumingiti..
"Ok then, But promise me na hindi ka magbibigti ha! nakuu.. ako pa mismo magtatali sayo sa puno. tsk tsk"
Napatawa ako sa sinabi ni ate.
BINABASA MO ANG
FRIENDZONE Feels♥
RandomHey' guys! Kindly support this story :) This story is not just about Love Story. It's also about Friendship. Mga makatutuhanang nangyayari sa mga magkakaibigan. hindi man sa lahat pero karamihan lalo na sa mga lalake't babaeng magkaibigan. Sa mga...