Chapter 10

15 0 0
                                    

Cassandra's POV

"Hoy!!"

"Pst.."

"Ui..." *poke* *poke*

"HELLOW..."

"Hi." kumaway kaway si Nathan sa harapan ko. Kanina pa yan eh, kala mo naman di ko alam. Inirapan ko siya at tumingin ulit sa bintana, nag-iisip pa ako eh.

"Friendship you know, pwede mo naman yan ishare saakin." sabi niya ng mahinahon. Tiningnan ko siya at pilit na ngumiti.

"Kasi naman eh, tatlong araw ko na siyang di nakikita." pagmamaktol ko.

"Akala ko ba nagpaalam sayo." tanong ni Nathan.

"Kasi naman eh...... Akala ko isang araw lang. Tapos wala wala na akong nareceive ni text or tawag man lang galing sa kanya." para akong bata dito na naagawan ng kendi. Kainis kasi.

"Psh. Alam mo hindi porket magsyota na kayo eh ikaw lang ang priority niya. Think at positive sides, malay mo sobrang importante nanag inaasikaso niya kaya mas pinagtuonan niya yun ng pansin." pangungumbinsi ni Nathan.

"Alam ko naman yun eh. Ano ba naman yung padaanan niya ako ng text na 'hoy' o kaya 'humihinga ka pa ba?' Feeling ko lang tuloy sinagot ko siya wala na siyang pakialam saakin. :("

"Hays, palibhasa bago ka palang sa mga relasyon na ganyan. Your feeling is not your Boss so don't let everything depend on it because it's not always right. " oh, my point siya dun. Pero hindi naman din saakin maalis yung mga 'what if's'. Ewan! Ayoko naman siyang gukuhin. Hays, naguguluhan ako. Ito pala yung feeling. 'Bigti na ako.'!

------------------
**Dismissal**

Lutang ako habang naglalakad sa ground ng school. Iniwan kasi ako ni Nat dahil may group project sila. Bakit ba kasi ganoon siya? I mean si Alex. Gulo ng buhay niya. Sinabunotan ko ang sarili ko dahil sa frustration, para tuloy akong baliw.

"Miss para po sayo, wag na po kayong malungkot." sabi nung freshmen student na may dalang isang red rose. Napangiti tuloy ako ng binigay niya 'toh saakin.

"Thank you, kani----" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil tumakbo na siya palayo.

Inamoy ko ang rose at mat card akong nakita. Iisa lang ang nakalagay, yun ay letter "I". Anong meron sa I? May kumalabit naman saakin at napatingin ako.

"Miss mas gumaganda po kayo pagnakangiti." sabi nung lalaking freshmen student ulit. Yiieee! Inabutan niya ako ng rose. Nagulat ako, nanaman?

"Ah ka----" kinindatan niya ako at tumakbo ulet palabas ng campus. Ano bang nangyayari?

"Miss, Miss. Para sayo po." WTF? Rose na naman at ngayon may lobo pa? Anong pakulo 'toh? Kumaripas na ng takbo yung nagbigay. Binuklat ko ang card at ang tanging laman lang naman ay "You". Nagpatuloy nalang ako sa paglakad ng nakangiti. Salamat sa nagbigay.

Pagkalabas ko ng gate ay laking gulat ko ng makita ko ang lalaking MIA at nakasandal sa kotse nya. Ngumiti sya at nilabas mula sa likod nya ang isang bouquet ng bulaklak. Red roses pa, sa kanya pala galing 'toh.

"Did you miss me?" tanong niya. Habang inaabot sa akin ang bouquet. "That's for my 3-day absence." turo niya sa tatlong roses. Hala, sige nagsitakbuhan na naman ang dugo ko sa aking pisngi.

"Thanks, so ano tong cards? Joke?" sabi ko.

"Hahaha, that cards? Oh, one word is missing. Isn't it?" nakakunot noo ko lang siya tinignan.

Under The Mafia Prince [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon