Chapter 11

15 0 0
                                    

"Babyyyyyyyyyyyy..." hala nagulat naman ako ng biglang may yumakap saakin.

"Mommy?? Mommy I really missed you." sabay yakap ulit sa kanya ng mahigpit. Ghaadd, ngayon nga pala ang uwi nila.

"Asan si Daddy? Whaaaaa Mommy." grabe sobrang namiss ko talaga sila.

"Ah ayon kinakausap sila tita Elizabeth at tito Albert mo. Kumusta kana? I really missed you baby" sabay kiss ng marami sa pisngi.

"Mommy naman eh.'' sabi ko kasi naman para talaga akong binababy..

"Bakit? Namiss lang naman kita eh. Halika na sa loob." sabi ni Mommy at kiniss ako sa leeg na parang inaamoy ang amoy ko. Parang baby lang.

"Mommmmmmmm!!!!" pagmamaktol ko.

"Hahahahaha fine, let's go." pumasok na kami ni Mommy sa loob.

Nakita ko na nag-uusap nga sila tito, tita at daddy sa sala habang si Nathan naman ay nakaupo sa sofa at nagtetext. Hindi alam ng parents niya at pati na rin ng parents ko na gay siya. Natatakot kasi siyang hindi matanggap at itakwil bilang anak. Siya lang kasi ang solong anak ta inaasahang siya ang magkakalat ng kanilang apelyido. Hindi rin alam sa school namin na bakla siya, tanging kami lang talaga at ang iba nya pang karelasyon. Yes, may mga karelasyon siyang lalaki pero doble doble ang ginagawa niyang pag-iingat.

"Cassandra nandiyan kana pala." napansin siguro ni Daddy na nandito na ako. Lumapit ako sa kanila at kiniss silang lahat sa cheeks.

"Good Evening po." magalang kong bati.

"Good Evening din Hija." sabi ni tita Elizabeth. Mama ni Nathan.

"Oh paano Bert at Beth, mauna na kami. Maraming salamat ulit sa pagpapatuloy dito kay Cassandra.'' nakangiting sabi ni Daddy.

"Walang anuman Louie, mag-ingat kayo nila Amanda at Cassandra. Ang pinag-usapan natin 'wag mong kalilimutan." sabi ni tito Albert.

"Wag kang mag-alala Bert." sabi ni Dad kay tito. "Sige Cassandra magpaalam kana. Mauuna na kami sa sasakyan ng Mommy mo." tumango-tango ako kay Dad bago sila lumabas.

"Tito at Tita maraming salamat po." sabay kiss ko ulit sa kanila sa cheeks. "Mauna na po ako. Nat bye, muah." sabi ko at kiniss siya sa cheeks niya. Ngumiti nalang siya ng tipid saakin. Ano kayang problema nito?

Pagdating namin sa bahay ay may maids na dalawa lang naman. Malinis ang bahay at nandito na ang mga damit ko at nila Mommy.

"Mommy bat po may maids?" nagtatakhang tanong ko.

"Baby, naging successful ang lakad namin ng Daddy mo kaya few months from now maipapatayo na rin ang sarili nating company. Marami kaming investors na nakuha. Pansamantala, kami muna ang namamahala ng kompanya ng isa nating investor para na ring training." sabi ni Mommy.

"Talaga po? Whooaaaaaaa!! Congrats Mommy." masayang sabi ko. Grabe, sobra sobrang swerte naman ang natatamasa ko nitong mga nakaraang araw.

"Kaya baby may maids dahil palagi na ulit kaming busy ng Dad mo." sabi ni Mommy.

"Ahhh." yun lang ang nasabi ko.

"Don't worry baby lahat naman ng ginagawa namin ng Dad mo ay para sayo." sabi ni mommy. Ngumiti nalang ako bilang sagot.

"Sige po akyat na muna ako sa kwarto." sabi ko at tuluyan ng umaakyat. Hayy, ano kayang mga ginawa nila Mommy sa States?

*You have a Message*
"I'll pick you up tomorrow, sleep now Princess. Your Prince loves you. Good night."
-Alex

Under The Mafia Prince [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon