Kasalukuyan kami ngayong lahat nagbababyahe pabalik ng Manila. Napaaga kami dahil sa natanggap kong phone call galing kay Mommy. Hindi ko akalain na galit na boses ang bubungad sa pagsagot ko ng telepono. Ni hindi ata nila naalala na may anak silang naiwan at kahit isang Merry Christmas manlang ay wala akong natanggap. Galit na galit ito dahil hindi raw ako nagpaalam na aalis at sa mga yaya ko lang pinaalam. Bakit sila? Sa katulong lang din naman sila nagppaalam ah.
"Baby, magiging maaayos din ang lahat. Kung gusto mo ako na ang kakusap sa Mommy at Daddy mo. Sa tingin ko naman ay dapat na nilang malaman ang tungkol dito sa relasyon nating dalawa." Mahinahong sabi ni Alex sa akin.
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo Alex? Pinapalala mo lang ang sitwasyon natin. Sa tingin mo ano ang magiging reaksyon nila pag nalaman nilang sumama ako sa boyfriend kong magbakasyon ng hindi sa kanila nagpapaalam?" may diin ang bawat salitang binibitawan ko. Ewan ko para bang yun ang gustong sabihin ng bibig ko. Narinig kong nagbuntong hininga si Alex at humarap sa ibang dereksyon ng sasakyan.
"Okay, if that's what you want." Walang gana niyang sabi.
Sunod-sunod ang mga text at tawag na natatanggap ko mula kay Mommy. Sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon at hindi ko na magawang replayin pa ang isa manlang sa text nila. Hawak ko ng mahigpit ang Phone ko habang papalapit kami ng papalapit sa bahay namin.
Unti-unti kong naramdaman ang mainit na kamay ni Alex na humawak sa kamay ko. Ewan ko ba, sa simpleng paglapat ng balat niya sakin ay nakaramdam ako ng safeness. Feeling ko safe ako sa kamay niya. Liningon ko siya at ito naman ay naka tingin din sakin na parang nangangamba.
"I know hindi mo kaya to ng mag-isa. Whatever you say, I will still go with you and talk to your parents." Determinadong sabi ni Alex at hinila ang kamay ko sa labas ng kotse. Ni hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ang bahay naming.
"Te---teka wag n—"
"No, I will fight for you and ikaw din. Sabay natin silang haharapin, we will fight for our relationship. No buts, lets go inside." Sabi sakin ni Alex at hindi na ako naka imik. Nandito na kami sa harap ng pinto ng bahay namin. Whoooo, sobrang kinakabahan ako...
"Don't be nervous baby, remember that you're not alone. I'm behind you and we will fight this together. Mahirap na kung patatagalin pa natin itong ipaalam sa magulang mo baka mas lalo tayong pag hiwalayin kung ganoon." Hinigitan niya ang hawak sa kamay ko at sa simpleng gesture niyang yun ay ipinaramdam niya sakin kung gaano siya kawilling na ipaglaban ang relasyon namin.
*MEANWHILE*
"Anong pumasok diyan sa isip mo at nagbakasyon ka ng hindi ka nagpapaalam? And who's that guy beside you? Is he your boyfriend, siya ba ang dahilan kong bakit natuto kang suwayin ang mga magulang mo ha Cassandra!?" sigaw ni Dadddy sa loob ng bahay. Galit na galit siya pati na ri si Mommy.
"Daddy, sorr---"
"Sorry? Yan lang ang sasabihin mo pagkatapos mo kaming pakabahin ng Mommy mo? Anong klase kang anak, where is Cassandra? Where's my Daughter?" galit parin na pagkasabi ni Daddy. Lord. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Excuse me Sir, I am Alexander Prince Del Castillo and I'm Cassandra's boyfriend. Sir, I am the one who asked her to go with me on a vacation and we're really sorry if hindi siya nakapagpaalam. Dapat po talagang magpapaalam siya sa inyo kaya lang nakalipad na po pala kayong dalawa sa France but in the other side she also let you're maids know. Hindi naman po kayo dapat na mag alala because me and Louise didn't do anything beyond our limitations and besides kasama po naming si Nathan. " tiningnan naman ni daddy si Alex and hindi maipinta ang mukha niya, he's really angry.
"YOU! HINDI MO ALAM KONG GAANO KAMI KINABAHAN. What kind of Boyfriend are you? You let your girlfriend go with you without her parent's permission. Ngayon palang hindi na kita gusto. I have better plans for my Daughter so stay away from her. Now, the door is widely open and I don't wanna see you're face again. Get out!" bulyaw ni Daddy kay Alex. I don't know what to say. I lost my words/ Tiningnan ko si Alex and tinanguan ko siya. That's a signal na lumabas na siya. Hindi ko kayang nakikita siyang ginaganyan ni Daddy at wala manlang akong magawa.
"If that's what you want, I'll respect you Sir but never command us to stop our relationship. I love you're daughter, I really do and I will fight for her no matter what" and with that lumabas na si Alex. A tear escape into my face, he really do love me pero ako wala manlang nagawa.
"Go to you're room Cassandra, let's talk about this tomorrow" cold na pagkasabi ni Daddy at tumuloy n ako sa room ko. I never expect Daddy will do that. Hindi niya gusto si Alex at sabi pa niya he have better plans for me.. Hindi ko na alam ang gagawin ko basta ang alam ko lang galit silang lahat sa akin.
BINABASA MO ANG
Under The Mafia Prince [ON GOING]
Teen FictionA story about two hearts that invaded with revenge and hatred but as the time passes by they met new people that serve as instrument for change and revenge.