CHAPTER 3
DANZEL ERSHAD's POV
Matapos ang confrontation namin ni Isay the other day ay naglie-low na siya sa pag-stalk sa akin which was good. Paminsan-minsan pa rin kami nagkikita pero hindi na siya katulad nang nakakaraan na parang baliw kung makahabol sa akin.
"Sir Danzel." Si Janella na bahagya pang kumaway at may dalang kape.
Sinenyasan ko siyang pumasok at hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga sa tuwing matititigan ang kanyang magandang mukha.
"May nagpapabigay po, Sir." Itinaas niya ang kape at bahagya akong napakunot-noo.
"Sino raw?"
"Si Isay po." Pilya pa siyang ngumiti at ibinaba ang kape na may nakadikit na note.
"Really?" Inilapit ko ang kape sa akin at binasa ang nakalagay doon.
Sir Danz,
Sorry po sa nagawa ko nitong nakaraan. Hindi ko na po uulitin.
Nagpapaka-Laida Magtalas,
Isay
"Laida Magtalas?" takang tanong ko kay Janella at natatawa lang siyang sumagot.
"Sa pagkakaalam ko, Sir. Movie 'yan ni Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz. Nakalimutan ko na lang ang title."
Napa-ismid lang ako at muli kong inilayo ang kape. Mahirap na. Baka may gayuma pa ang kape. Ayokong malahian nang Siraulo ang pamilya namin.
"Hindi n'yo man lang po ba titikman, Sir?" taka pang tanong niya.
"Baka kapag ininom ko 'yan, magkatotoong ma-inlove nga ako kay Isay," pabirong sagot ko pa at mahina lang siyang napahagihik.
"Hindi naman siguro, Sir. Nakita ko kung papaano niya tinimpla 'yan. Safe 'yan, Sir. Don't worry."
"Are you sure?"
"Yup." Bahagya pa siyang tumango. "Ang sarap niya magtimpla ng kape, Sir."
"Wala na sigurong mas sasarap sa kape mo, Janella," mapaklang sabi ko na lang and I really meant it. I liked her too much. Ang hirap tuloy tumingin sa iba.
"Tikman n'yo ang kape ni Isay bago n'yo po sabihin 'yan," natatawa pang sabi niya at sumenyas na inumin ko na ang kape.
At kahit pa alanganin ako ay sinunod ko na lang ang gusto niya at ang hirap tanggihan ni Janella.
Pagtikim ko sa kape ay wala sa loob kong napatango na lang. She's right.
"It's good."
"Sabi ko na sa'yo, e."
"But don't tell her that." Bahagya ko pa siyang kinindatan at iiling-iling naman siyang napangiti.
"Fine." Tumango naman siya. "Iwan ko na ulit kayo, Sir," paalam pa niya
"Um, Janella-" Pigil ko pa sa kanya at muli siyang napabaling nang tingin sa akin.
"Sir?"
"Kamusta na kayo ni DS? I mean ni Dalton?"
"Okay lang po kami," tipid pa niyang sagot. Alam kong hindi siya komportable sa tanong.
"I'm sorry for being nosy." Napailing na lang ako at mapaklang ngumiti. "You may go now."
Tumango lang naman ulit siya at noon na tuluyang lumabas ng opisina.
Napahugot ako nang isang malalim na buntong-hininga at tumitig sa note ni Isay. Buti na lang at tumigil na rin sa pag-stalk ang babaeng 'to. At kahit pa ayaw ko ay baka nga napilitan rin akong ipa-ban siya sa building ko kung nagkataon. But then, her coffee was good. Impressive.
BINABASA MO ANG
MY WRONG KIND OF GIRL (Self-Published)
General FictionIsang Montenegro ang magpapabago sa apelyido ni Dalisay Capekpek. Nakaplano ang lahat kay Isay. Matindi ang kagustuhan niyang mapa-ibig ni Danzel kaya't ginagawa niya ang lahat makuha lamang ito. Ang pag-ibig niya'y isang patibong. Patibong...