CHAPTER 42
DANZEL ERSHAD's POV
"You made me fall in love with you? Intentionally? For your revenge?" Mataman akong tumitig sa kanya at hindi ko pa rin maisip na palabas ang lahat simula pa lang. "Please answer me!" untag ko pa sa mas galit na boses.
Nanginginig siyang tumango at lalong lumakas ang kanyang pag-iyak.
"Danzel... I'm sorry..." humahagulgol pa niyang sabi at nagtangkang hawakan ako ulit pero agad na rin akong umiwas.
Parang tinarak ng punyal ang dibdib ko sa rebelasyon niyang iyon.
"You want my money, Isay? That's why you're marrying me?" nanginig ang boses ko dahil sa sobrang bigat nang pakiramdam.
"Dati 'yun, Danz... dati pa 'yun." Niyakap niya ako at umiiyak na tumitig sa akin. "Mahal na kita... At pakakasalan kita dahil mahal kita. Please, Danzel... Paniwalaan mo ako," nagmamakaawa pa niyang sabi pero sarado na ang utak ko sa paliwanag. It hurts so fvcking bad.
"I'm sorry... I'm sorry... Patawarin mo ako. Patawarin mo ako..." humihikbi pang sumamo niya at naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Fvck! Why am I even crying?! She's not even worth it!
"Don't worry, Isay. Hindi ko hahadlangan ang pangarap mo. I will still marry you so you can get all the money you want from me." Malamig ko pang tinabig ang kanyang kamay na nakayakap sa akin at halos maglumuhod siya sa pagmamakaawa. My heart constricts with such pain. I fell in love with the wrong kind of girl all along.
"Danz, hindi!" Hinawakan pa niya ang aking braso pero tinabig ko lang din iyon. Lumapit ako sa may table kung saan nakaupo pa rin ang tatay ni Odik. Kinuha ko ang cheque sa loob ng aking coat at pumilas ng isa doon. Sinulatan ko iyon at pinirmahan sabay abot sa tahimik lang na tatay ni Odik. Alam ko namang pera lang din ang habol niya.
Pigil pa siyang napangisi nang makita ang halagang nakasulat sa cheque.
"Don't ever bother me and Isay again!" Galit ko pang sabi sabay baling kay Isay na iyak pa rin nang iyak. "See you on our wedding day, Isay." Igting ang panga kong lumayo habang patuloy siya sa paghagulgol. I still couldn't believe it. Everything was a trap from the very start.
Mabibigat ang mga paa kong lumabas sa conference room at agad na pinunasan ang luhang naglandas sa aking mga mata. Jeez, ngayon lang ako umiyak nang dahil sa babae. How could I be so stupid? Kaya pala pamilyar ang mukha ni Isay dahil siya 'yung babae sa iskwater noon.
"Danzel! Hintay!" Narinig ko pa ang boses ni Isay pero hindi na ako nag-abalang lumingon. Sarado pa ang utak ko sa paliwanag. Kung kailan malapit na ang kasal namin?
"Danzel, please..." Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking braso pero tinabig ko lang iyon at nagdiretso pa rin sa paglakad palabas ng opisina.
Hindi ko na rin alintana ang mga taong nag-uusyoso sa amin. Masyadong puno ang utak ko sa mga sinabi ng tatay ni Odik.
"Danzel, please naman, o!" Muli ay hinawakan niya ang braso ko at wala na akong nagawa kung 'di harapin siya.
"What is it that you still want from me, Isay?!" matigas na tanong ko pa at sinalubong nang titig ang kanyang mga luhaang mata. "Papakasalan na nga kita, diba? Ano pa bang gusto mo?!"
"Ikaw. Ang pagmamahal at pagpapatawad mo," humihikbi pa niyang sagot at muli akong hinawakan sa magkabilang braso. "Oo, nagkamali ako. Alam kong hindi naging maganda ang intensyon ko noong umpisa, pero Danzel, nang makilala ko kung anong klase kang tao, minahal na kita."
"And, you expect me to believe that?" Sarcastic akong ngumiti at desperadong ginulo ang aking buhok.
"Oo! Alam kong naramdaman mong mahal kita, Danzel," umiiyak pa ring sabi niya. "Mahal na mahal kita. Sobra-sobra... Nakalimutan ko lahat nang sakit sa nakaraan dahil sa pagmamahal mo."
"Should I say thank you now, Isay?" Sarcastic lang ulit akong ngumiti pero natigilan din ako nang gumuhit ang sakit sa kanyang mukha. Why am I even hurt seeing her hurting too?
"Hindi..." Umiling pa siya at nagpahid ng luha. "Mahal kita. Iyon lang ang totoong alam ko. May mga bagay na alam kong 'di ko na mababago pero totoong minahal kita. Sana kahit iyon man lang naramdaman mo."
Natahimik ako at kahit pa nasasaktan ako ay ramdam ko ang sinseridad sa mga salita niya.
"Don't worry, Isay... I will still marry you. It is what you want, right?"
"Danzel, please..."
"See you on our wedding day, Isay." Noon na ako tuluyang tumalikod at sumakay sa elevator.
*********
DALISAY's POV
Gusto ko sana ulit sundan si Danzel pero wala na akong lakas. Nasaktan ko siya at alam kong nararapat lang din sa akin ang ganito. Umpisa pa lang ay hindi ko naman sana siya pinag-isipang paghigantihan. Masyado akong nagpadala sa galit. Naging bulag ako sa katotohanang wala naman din talagang kasalanan ang kahit na sino sa araw na iyon.
Muli na namang bumuhos ang luha ko at parang wala nang katapusan ang sakit. Pansamantala akong nakituloy kina Verni, ang dati kong kaibigan sa iskwater. Gustuhin ko mang puntahan si Danzel sa suite ay tila wala rin akong sapat na lakas ng loob na gawin dahil sa totoo lang ay wala na rin naman akong mukhang maihaharap pa kay Danzel. Minahal niya ako pero sinaktan ko naman siya.
"Isay..." Hinagod ni Verni ang likod ko at mas lalo na naman tuloy akong napaiyak. Ang hirap pala nang ganito. Na kahit gustuhin ko mang ipaunawa kay Danzel ang lahat ay wala akong magawa. At hindi ko rin naman siya masisisi dahil nagsinungaling naman talaga ako sa kanya. "May pinadala si Sir Danzel..."
"Huh?" Napabaling ako sa kanya at itinuro ang puting kahon. Agad na naman akong napaiyak dahil alam ko naman kung ano ang laman n'un. Ang wedding gown ko. "Paano-"
"Pinasundan ka raw niya. Hihintayin ka raw niya sa kasal ninyo," malungkot pang sabi niya at mapait lang akong ngumiti kasabayan nang pagpatak na naman ng mga luha ko.
"Magpapakasal ka pa rin ba sa kanya, Isay?" alalang tanong pa niya at tanging iling ang naisagot ko.
"Mahal na mahal ko si Danzel, Verni... Pero alam ko naman ding hindi na niya ako gustong pakasalan pa." Mapait akong ngumiti at pinunasan ang luha sa aking pisngi. Nanghihina na ako kakaiyak pero parang wala na nang katapusan ang pagluha ko. Naiisip ko pa lang na mawawala na sa buhay ko si Danzel ay parang bibigay na rin ako. Ganitung-ganito ang pakiramdam noong mawala sa akin si tatay. Hindi ko naisip na mangyayari ulit.
"Isay!" Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses. Si Odik.
"Badessa..." Mapait akong ngumiti at mabilis siyang lumapit sa akin para yakapin ako.
"I'm sorry, Isay... 'Di ko alam. Napakawalanghiya ni Tatay... Sorry, sorry," umiiyak pang sabi niya at ang tanging nagawa ko na lang ay tapikin siya sa likod.
"'Wag ka nga. Wala ka namang kasalanan." Pinilit kong magpakasaya at malungkot na mukha ang iniharap niya sa akin.
"May kasalanan din ako, Isay..." naiiyak pang sabi niya sabay hinawi-hawi ang aking buhok. "Kasabwat ako, diba?" Ngumuso siya at muli na namang naiyak. "Sinira ni Tatay ang buhay mo... Sorry, Isay... Napakawalanghiya ni Tatay. Sana noon ko pa pinakulong 'yun. Pinerahan pa talaga niya si Danzel. Sagad na sa buto ang kasamaan niya, Isay. Sorry. Sorry."
Umiling ako dahil hindi ko rin naman alam ang dapat na sabihin. Mahirap pa ring kalimutan na muntik na akong magawan nang kahalayan ni Tatay Estong noon. At ang nangyari ngayon ay kasalanan ko rin. Kung sana ay nagkalakas loob akong magsabi nang totoo kay Danzel.
"Sorry talaga, Isay... Hindi ko na alam ang puwede kong gawin makabawi man lang sa mga kasalanan ni Tatay. Sorry, Isay," humahagulgol pang sabi niya at kung paano ang pagtulo ng luha niya ay gan'un din ako.
Nagyakapan kami ni Odik at hindi ko na alam kung magagawa ko pa bang maka-recover ngayon. Sa loob nang mahabang panahon, si Danzel lamang ang nagmahal sa akin nang higit pa sa inaasahan ko. Pero nabalewala ang lahat sa isang iglap lang. Nawala na sa akin si Danzel. At kahit pa alam kong sinabi niyang hihintayin niya ako sa kasal namin ay naiintindihan ko namang kabaligtaran ang gusto niyang mangyari.
Gusto na niya akong maglaho sa buhay niya.
BINABASA MO ANG
MY WRONG KIND OF GIRL (Self-Published)
General FictionIsang Montenegro ang magpapabago sa apelyido ni Dalisay Capekpek. Nakaplano ang lahat kay Isay. Matindi ang kagustuhan niyang mapa-ibig ni Danzel kaya't ginagawa niya ang lahat makuha lamang ito. Ang pag-ibig niya'y isang patibong. Patibong...