CHAPTER 7
DALISAY's POV
Halos dalawang araw ko ring hindi naipagtinda si Nana Claring. Nakakahinayang man ay wala akong magawa. Hindi kaya ng katawan ko.
Pagtapak ng mga paa ko sa building ng Montenegro ay may parte sa aking biglang namiss si Danzel. Ang magaganda niyang mga mata. Ang kanyang pamatay na ngiti. Pero mabilis ko ring inalog ang aking ulo dahil hindi tamang makaramdam nang ganoon para kay Danzel. Alam kong palagi akong mumultuhin nang alaala ng aking ama.
Nang makarating ako sa floor ni Danzel ay halos pagkaguluhan ako ng mga empleyado roon. Hindi dahil namiss nila ako kung 'di dahil hindi rin pala nagawang magtinda ng ulam ni Nana Claring.
"Isay, ipinapatawag ka ni Sir Danzel," nakangiting sabi pa ni Janella at kagulat-gulat talaga ang paghahanap niyang iyon. Kumalabog ang puso ko at hindi ko maikakailang natuwa ako sa sinabi niyang iyon.
"Dadalhan ko po ba siya ng ulam, Ma'am Janella?"
"Hindi. Dali ka." Sinenyasan pa niya ako at wala akong nagawa kundi ang sumunod.
Wala pa ako sa sariling hinawi-hawi ang aking buhok lalo pa nga't sobrang lakas nang hangin sa labas.
Hindi na pumasok si Janella at sa halip ay pinagbuksan lang niya ako ng pinto. Tumango ako sa kanya at matamis na ngiti pa rin ang isinukli niya sa akin.
"Sir Danzel," mahinang tawag ko pa at agad naman siyang nag-angat nang tingin.
"Isay," matamis pa siyang ngumiti sabay sarado sa laptop na nasa kanyang harapan. "How are you feeling?"
"M-maayos naman, Sir." Lumapit ako sa kanyang kinalalagyan at sinenyasan niya akong maupo.
"Good. Galing ka na talaga?" Mataman pa siyang tumitig at ibig ko yatang matunaw sa mga pagkakataong iyon. Bakit ba gan'un siya kagwapo?
"Opo. Ipinapatawag n'yo raw po ako?" pag-iiba ko pa at parang hindi ako mapakali na ewan.
"Yep." Tumango pa siya at may kung anong dinukot sa ilalim ng table. "I cooked just this morning at naalala kong baka makapagtinda ka na. So, naisip kong ipatikim naman sa'yo ang niluto ko."
"Ikaw nagluto?" Tumingin ako sa paper bag na hindi ko alam kung anong pagkain ang laman. Pero tama ba ako nang narinig? Ipapatikim niya sa akin? Sa akin?
"Yes, Isay," nakangiting sagot pa niya at bahagya pang itinulak palapit ang paper bag sa akin.
"P-para sa akin talaga? Seryoso?" Hindi pa rin makapaniwala kong tanong. Ang hirap naman din kasi talaga paniwalaan. Bakit ako?
"Yes, Isay," naiiling pang sabi niya. "Para sa'yo nga. Don't you like it?"
"H-hindi sa gan'un, pero bakit?" Kumunot ako at hinagilap ang sagot sa kanyang mga mata.
"You helped me twice, Isay. Hindi naman kita napamerienda the last time dahil ayaw mo. Kaya iyan, naalala kong dalhan ka na lang." Humalukipkip pa siya at matamis na ngumiti. Kumalabog ang puso ko dahil masyadong nakakaakit ang ganda ng kanyang mga mata.
"Hindi n'yo naman kailangan gawin 'to, Sir Danzel. Sa totoo lang, alam ko namang ayaw mo sa makulay masyado," biro ko pa at malakas naman siyang napahalakhak.
"Honestly, yes." Isinandig niya ang kanyang dalawang braso sa table at bahagyang umiling. "Pero alam kong hindi ko malulusutan si Patty hangga't wala akong girlfriend na naipapakilala. She's a stalker."
"Ako yata 'yun." Ngumuso ako at natawa na naman siya nang malakas.
"That was before... I guess... Tama ba, Isay?"
BINABASA MO ANG
MY WRONG KIND OF GIRL (Self-Published)
Genel KurguIsang Montenegro ang magpapabago sa apelyido ni Dalisay Capekpek. Nakaplano ang lahat kay Isay. Matindi ang kagustuhan niyang mapa-ibig ni Danzel kaya't ginagawa niya ang lahat makuha lamang ito. Ang pag-ibig niya'y isang patibong. Patibong...