CHAPTER 26
DALISAY's POV
Maaga pa lang ay gumising na ako para ipaggayak nang umagahan si Danzel. Alam ko namang hindi siya magana sa breakfast pero ayoko pa rin namang wala siyang datnan sa mesa. Halos seven o'clock na noon nang lumabas siya ng kwarto at kakapaligo pa lang. Wala siyang suot pang itaas at nakalitaw ang naghuhumiyaw niyang abs pati na rin pasilip sa korteng V pababa sa kanyang harapan. Hindi ko naiwasang mapalunok dahil sobrang sarap nang tanawing iyon sa aking mga mata.
"Um, kape?" bungad ko pa sa kanya pero tanging tango lang ang kanyang isinagot. Ang suplado naman!
Nagdiretso siya sa may medicine cabinet at kumuha ng gamot. Halos ilang dipa ang layo namin pero amoy na amoy ko ang bango niya.
"Um, galit ka ba?" Hindi ko na rin napigil magtanong at bahagyang pumaling ang kanyang mukha sa akin.
"No," malamig niyang sagot at mabilis na nagdiretso sa dining table.
Iginayak ko ang kanyang kape at hindi ko maiwasan ang kabahan. Nakakapanibago masyado kapag ganito na naman siya kaseryoso.
"K-umusta na ang pakiramdam mo?" tanong ko pa matapos na mailagay ang kape sa kanyang harapan.
"I'm cool, thanks," malamig pa rin niyang sagot pero kung saan nakatingin. Ni hindi man lang ako tiningnan.
"Nagsangag ako ng kanin na nilagyan ko bagoong. Ipaghain kita?"
"Sa office na lang ako kakain later," seryosong sagot pa niya at nagsimula nang inumin ang kanyang kape.
Bumalik ako sa may stove at pinatay ang apoy. Parang nawalan na rin ako nang ganang kumain ng umagahan. Nasasaktan ako kapag masyado siyang malamig sa akin. Hindi ko tuloy malaman kung saan ko ilalagay ang sarili ko. At hindi ko na lang namalayan ang pagtulo ng luha ko.
"I'm done here," sabi pa niya at nang lingunin ko nga siya ay nakatalikod na siya. Ni hindi man lang din nagawang ubusin ang kape.
Bumuntong-hininga ako at nagpunas ng luha. Bakit ba ngayon pa ako naduwag? Wala ako sa sariling napatitig sa pintuan ng kanyang kwarto at tahimik na umiyak.
Hindi naman nagtagal ay lumabas siya ng kwarto na nakapang-opisina na.
"I'm going first," malamig pang sabi niya at 'di man lang ngumingiti.
"Danzel," tawag ko pa at saglit siyang huminto para titigan ako. Halos dumagundong ang puso ko sa kaba habang naglalakad palapit sa kanya.
"What?" Kumunot ang kanyang noo at pakiramdam ko ay sisigawan na lang niya ako kapag may pangit akong sinabi.
"I-ingat ka." Nahihintatakutan ko pang sabi at lakas loob akong tumingkayad para halikan siya sa labi.
Medyo lumamlam ang kanyang mga mata at bumuntong-hininga.
"You too," sabi pa niya at nagdiretso na ulit nang lakad palapit sa pinto. "And, by the way," huminto siya sa may pinto. "I'm sorry about the girls I brought here last night. They mean nothing to me."
Mariin kong kinagat ang labi ko at agad na nagtubig ang aking mga mata. Masaya akong marinig sa kanya 'yun kahit na hindi ko naman hinihingi ang paliwanag niya.
"I'll see you later," sabi pa niya bago tuluyang isara ang pinto.
********
DANZEL ERSHAD's POV
Last night was a complete realization for me. After that drag race at uminom nang sobrang dami ay nananatili ang isang bagay na sobrang linaw sa akin. I'm jealous of Harold. And, it's all because I am in love with Isay. The girl who used to be my stalker and stole my heart that easy. Of all the girls, bakit nga ba si Isay pa?
At dahil wala pa rin ako sa kundisyon nang magdeliver siya ng lunch ay hindi ko pa rin siya nilabas. But damn, I missed her.
"Sir Danz." Halos mapaigtad ako sa gulat dahil sa pagsulpot ni Janella sa harapan ko. Fuck! Am I that spaced-out?!
"I-I'm sorry..." Dumiretso ako nang upo at inalis ang bara sa aking lalamunan. Jeez...
"Sabihin mo na kasi," natatawang sabi pa niya at wala ako sa sariling kumunot.
"What are you saying?"
"Sabihin mo na ang totoo kay Isay. Para 'di ka natutulala nang ganyan."
"What?" Umiling ako at hindi ko alam kung papaano niya nasabi ang ganoong bagay. "I don't know what you're saying."
"Sus! Deny pa 'to." Ngumuso siya at bahagyang umirap.
"Hey..." 'Di ko napigil ang mangiti at hindi ako makapaniwalang tinutukso talaga niya ako. "I can't believe you, Janella."
"Wala namang mawawala if i-admit mo feelings mo. Kaya mo 'yan."
"Jeez, Janella." Umiling-iling ako at kinuha na ang folder na hawak niya.
"Pero bagay kayo. Ang ganda naman din kasi ni Isay."
"Yeah. She is," wala pa sa sariling sagot ko. Ibig kong magsisi dahil masyado akong naging harsh sa kanya dahil sa sobrang pagseselos ko kay Harold.
"Ang lungkot nga kanina n'ung hindi mo nilabas," tila nanenermon pa niyang sabi.
Sa halip na magsalita ay nagsawalang kibo lang ako. I didn't know what to say either.
"Tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka pa." Bahagya siyang naglakad nang paatras na para bang pinapanood ang reaction ko.
"Oh, yeah, thank you." Tumango ako at sinundan siya nang tingin hanggang sa makalabas ng pinto. Obviously, burado na talaga kung ano mang feelings mayroon ako noon para kay Janella. Isay completely stole my heart. At mukhang wala na siyang itinira para sa akin. She totally occupied my whole being.
Kaya naman pagdating nang hapon ay dumaan ako sa isang flower shop at ibinili si Isay nang iba't-ibang klaseng bulaklak. I owe her an apology and I've been an asshole. I was planning to tell her about my feelings too. Siguro nga, 'yun ang makakabuti para sa aming dalawa. What we felt for each other was mutual. But hell, I'm nervous!
Pero gan'un na lang din ang pagkadismaya ko nang hindi ko siya abutan sa suite. At noon ko na lang napansin na may note pala siya sa may pinto.
Dear Babe Danz,
Nakipagkita lang ako kay Odik kasama si Harold. Pipilitin kong makauwi nang maaga. Pero mauna ka na kumain sa akin kung mauuwi ka man nang maaga. See you later.
Isay
I couldn't believe this! Inis kong ibinato ang kanyang note kung saan. Mas pinili pa niyang magpasama sa Harold na 'yun? Seriously?!
Kaya naman sa halip na magmukmok sa loob ng suite ay nagdesisyon na lang akong lumabas at mangarera. Alam kong wala akong karapatang magreklamo dahil wala naman siyang alam sa feelings ko. But I just couldn't help it. I wanted Isay to be mine. All mine.
Pagdating ko sa Greene's Stadium ay halos wala ng mga tao. Nakakadismaya dahil gusto ko talagang mangarera ngayon. Pero dahil wala din naman akong makakalaro ay sa bar na pag-aari ko na lang ako tumuloy.
Hindi pa masyadong karamihan ang mga tao sa mga oras na 'yun dahil masyado pang maaga. Naupo ako sa may bar at agad naman akong pinagsilbihan ng mga tauhan ko. Sa totoo lang ay hindi ako masyadong mahilig uminom kaya ang bilis ko ring malasing. But I knew that this was the only way para makatulog ako nang mahimbing tonight.
BINABASA MO ANG
MY WRONG KIND OF GIRL (Self-Published)
Ficción GeneralIsang Montenegro ang magpapabago sa apelyido ni Dalisay Capekpek. Nakaplano ang lahat kay Isay. Matindi ang kagustuhan niyang mapa-ibig ni Danzel kaya't ginagawa niya ang lahat makuha lamang ito. Ang pag-ibig niya'y isang patibong. Patibong...