Chapter 39

67.4K 2.1K 244
                                    

CHAPTER 39

DALISAY's POV

Sa totoo lang ay nagpapamukha lang akong cool para hindi mahalatang kinakabahan ako. Hindi kasi ako sanay sa ganitong kasosyalan lalo pa nga't sa iskwater lang ako lumaki. Salat sa karangyaan at walang mga gamit na pang sosyal. Kaya nga nang nabihisan ako ni Rosel, pakiramdam ko ay naging ibang tao ako. At parang hindi Capekpek ang apelyido ko.

At kahit pa ilang beses akong halikan ni Danzel ngayon ay hindi pa rin mawawala ang kaba. Naiilang kasi ako sa mga pagtitig ng ibang tao sa akin. Dagdag pa ang mga irap n'ung malanding Scarlette na 'yun. At kahit pa alam kong mahal ako ni Danzel, nand'un pa rin ang selos. Sino ba namang hindi magseselos sa kagandahan na 'yun ni Scarlette? At baka nga higit pa sa langit ang narating nila noon. At naiisip ko pa lang kung paano sila maghubaran ay gusto ko na maiyak. Ganito pala ang pakiramdam. Nand'un 'yung paghahangad na sana ako lang din ang una niya.

Lumagay kami ni Danzel sa may unahan malapit sa stage habang kung sinu-sinong business partners daw nila ang kinakausap niya. May mga times na gustong dumugo ng ilong ko sa sobrang bibilis nilang magsalita ng English. At kahit pa medyo matalino naman ako ay hindi pa rin sakop ng pinag-aralan ko ang ibang salita sa ingles.

Saglit na naputol ang pagku-kwentuhan nila nang magsalita si Rosel sa stage at binati ang kanyang mommy. Nang matapos ay si Danzel naman ang bumati at wala ako sa sariling napatanga sa sobrang kagwapuhan niya. Kahit pa palagi ko naman siyang nakikitang naka-suit ay para pa ring bago iyon sa paningin ko.

Umakyat ang kanyang mga magulang sa stage matapos ang kanyang simpleng mensahe at nagkuhanan ng picture sa stage. Hindi ko naiwasan ang makaramdam nang inggit dahil kahit kailan ang pagkakaroon ng buong pamilya ang hindi ko naranasan.

"Isay, come here." Sinenyasan ako ni Danzel na umakyat sa stage pero mabilis akong umiling.

"Ate, come here!" Pati si Rosel ay nakitawag na rin pero umiling lang ako at mapaklang ngumiti.

Sumenyas din sa akin ang mag-asawang Montenegro at halos lahat ng mga mata ay napako sa akin. At kulang na lang talaga ay lumubog ako sa kinakatayuan ko. Nakakahiya naman kasi sa kanila. Bisita lang ako d'un at hindi ko pa rin maituring na parte ako ng kanilang pamilya.

Umiling sa akin si Danzel na parang nadismaya at may kung anong ibinulong kina Rosel at sa magulang nito. Lumawak ang kanilang mga ngiti at makahulugan pang tumingin sa akin. Bumaba sila sa stage at naiwan si Danzel sa stage.

"Okay, bawal akong mag-English ngayon at baka magalit ang minamahal kong girlfriend dito." Kumindat siya sa akin at mariin kong kinagat ang labi ko sa sobrang kilig. Kakaiba pa rin kasi ang pakiramdam na ipinapaalam niya sa lahat ang pagmamahal niya sa akin. Masyadong nakakalusaw ng puso.

"Wala kong masyadong talent sa pagkanta so, may inimbitahan akong tao na kakanta para sa'yo. At alam ko kung gaano mo kagusto ang song na 'to. I am not really fond of tagalog songs pero ang lakas nang impluwensya mo, babe. Kaya please..." May kung sino siyang sinenyasang umakyat sa stage at umakyat doon ang isang lalaki. Bumaba si Danzel sa stage at kinausap ang banda sa isang sulok. Hindi naman din nagtagal ay nagsimulang tumugtog ang banda at hindi ko naiwasang magluha dahil agad kong nakuha ang kanta.

♫♪ Sa tuwing tayo'y magkakalayo

Hindi matahimik ang puso ko

Bawat sandali'y hanap kita

'di mapakali hanggang muling kapiling ka ♪♫

♫♪ Dahil kung ika'y makita na

Labis labis ang tuwang nadarama

MY WRONG KIND OF GIRL (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon