CHAPTER 19.1.2
DALISAY's POV
May kung ilang araw na rin ang nakakaraan at nawala na naman si Danzel. Mukhang iniiwasan na naman niya ako katulad nang dati at hindi ko mapigilan ang malungkot.
"Hoy! Biernes santo na naman ang mukha mo, Isay," puna pa ni Odik sa akin na noo'y abala sa paggugupit ng buhok ng isa niyang customer.
"Ako? Bakit mo naman nasabi?" Umirap ako at dumiretso nang upo.
"Kilala kita." Umirap din siya at ngumuso. "Kahit na gabi-gabi ka dinadalaw ni Harold, wala akong makitang bituin sa mga mata mo."
Natahimik ako at hindi ko kayang magsinungaling kay Odik. Ilang araw na hindi ko man lang nakikita si Danzel at hindi rin siya nagte-text. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kwarto at bigla na lang ay nagkaganoon na siya nang pagtrato sa akin. Nagmukha ba akong pokpok noong gabing 'yun? Masyado ba akong aggressive? Haist...
"Namimiss mo si Danzel, 'no?"
"Hindi, a," pagkakaila ko pa.
"Siraulong 'yun! Paasa rin," nakasimangot pang sabi niya habang nakatuon ang atensyon sa ginugupitan.
Hindi ako kumibo at baka kung ano pa ang masabi ni Odik. Tama naman kasi siya.
"Labas lang ako. Hanap ako makakain," iwas ko na lang at hindi talaga ako komportableng mausisa pa.
"Uwian mo ako," sabi pa niya habang palabas ako ng pinto.
Tumango ako at naglakad palayo roon. Habang binabagtas ko ang masikip at maruming eskinita ay hindi ko maiwasang makaramdam nang matinding lungkot. Napakatagal na panahong wala man lang ipinagbago ang buhay ko. Nakakalungkot isipin na kahit anong pagsisikap ko ay hindi ko magawang makaahon sa putikang ito.
"Isay!" Naantala ang aking pag-iisip sa pamilyar na boses na iyon. Si Harold.
Huminto ako sa paglalakad at mapaklang ngumiti sa kanya. Kulang na lang ay sa apartment na ni Odik siya tumira dahil sa walang palya niyang pagdalaw sa akin.
"Saan ka pupunta?" nakangiting tanong pa niya.
"Maghahanap nang makakainan," simpleng sagot ko lang at sa totoo lang ay mas gusto kong mapag-isa. Pero mukhang wala akong magagawa sa kakulitan ni Harold kapag nagkataon.
"Sama ako. Sa parke tayo." Mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at hinila palapit sa sakayan ng jeep.
"Lalayo pa tayo."
"Okay lang 'yan, Isay," hindi pa paawat na sabi niya at wala akong nagawa kundi ang magpatianod sa gusto niya.
At dahil medyo padilim na ay kamangha-mangha talaga ang tanawin sa siyudad. Nang makarating kami sa parke ay nagkalat din ang mga namamasyal at mga kumakain ng street foods.
"Alanganin naman ang merienda natin, Isay," natatawang sabi pa ni Harold habang tumutuhog ng fishball.
"E, dapat kasi chitchirya na tig pipiso lang ang bibilhin ko, e, dito mo ako dinala." Umirap ako at nagsimula na ring kainin ang fishball ko.
"D'un tayo!" Itinuro niya ang malapit na stone bench at tumango naman ako.
Maraming nagde-date na nakapaligid sa amin at ibig kong mailang dahil hindi naman kami magkasintahan ni Harold.
"Ang ganda pala dito kapag gabi, Isay," sabi pa niya habang nakamasid sa mga taong nagdaraan sa aming harapan.
"Oo nga," sang-ayon ko naman at tumitig sa fountain na paiba-iba ang kulay.
BINABASA MO ANG
MY WRONG KIND OF GIRL (Self-Published)
General FictionIsang Montenegro ang magpapabago sa apelyido ni Dalisay Capekpek. Nakaplano ang lahat kay Isay. Matindi ang kagustuhan niyang mapa-ibig ni Danzel kaya't ginagawa niya ang lahat makuha lamang ito. Ang pag-ibig niya'y isang patibong. Patibong...