CHAPTER 11.1.2
DALISAY's POV
Isang oras bago ako sunduin ni Danzel ay kinarir na ni Odik ang pag-aayos sa akin. Kailangan daw samantalahin namin ang pagkakataon na mapansin nang husto ni Danzel ang kagandahan ko. At hindi ko alam kung bakit pinapaniwalaan ko na naman ang mga sinasabi niya.
"Badessa! Ang kapal naman ng make-up! Bawasan mo nga!" inis na sabi ko pa at hindi naman din talaga ako sanay ng may make-up.
"Ano ka ba! Ayos lang 'yan!" Ngiting-ngiti pa niya akong sinipat mula ulo hanggang paa. "My God, Isay! Sinong makakaisip na laking basurahan ka?! Ang ganda mo!"
"Binola mo pa ako!" Umirap ako at matamang pinagmasdan ang aking sarili sa salamin. Maganda ako. At nakikita ng mga mata ko kung gaano ako kaganda. Pero kahit na ano pa man ang isuot ko, hindi nito mababago ang katotohanang mahirap pa rin ako sa daga. Na kapag hindi ako kumayod ay mamamatay ako sa gutom!
"Pasasaan ba at tuluyan ring mahuhumaling sa ganda mo si Danzel, Isay," medyo seryoso pa niyang sabi at malalim pang humugot nang buntong-hininga.
"Ano bang ine-emote mo? Parang wala ka sa sarili?" puna ko pa sa kanya at mapakla lang siyang ngumiti.
"Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko sa Tatay, Isay." Malungkot pa siyang umupo sa tapat ko habang hinahawi-hawi ang aking buhok. "Ngayon, garapalan na. Hihingan niya ako ng pera kapag ginusto niya at nabibirahan niya ako kapag hindi ako nagbibigay," naiiyak pang sabi niya.
"Ano kaya kung ipahuli natin sa pulis ang Tatay mo? Bigyan mo lang ng leksyon?" Hindi ko na rin napigilan ang magbigay nang suhestiyon.
"Hindi ko alam, Isay. Ang daming kakilala ni Tatay na pulis." Nag-iwas siya nang tingin at sa halip ay sa repleksyon namin sa salamin siya tumitig.
Hindi ako nakakibo at tama naman rin ang kanyang sinabi. Ang daming kakilala ng kanyang Tatay. At kung hindi pa ako nagkakamali ay isa ring pulis ang nagbibigay ng supply ng droga sa Tatay niya.
"Gawin mo ang lahat para makaalis sa ganitong buhay natin, Isay. Ipangako mo 'yan sa akin, okay?" mapait pang sabi niya at wala ako sa sariling tumango. Kitang-kita ko ang hirap ni Odik. Alam kong wala na lang din siyang magawa dahil hindi rin naman niya matitiis ang kanyang ama.
"Gusto mo bang sumama sa amin, Odik?"
"Dyahe kay Danzel, Isay," nakasimangot pang sagot niya.
"No, I really don't mind if you come." Sabay kaming napalingon ni Odik sa may pinto. Si Danzel!
"Sir Danz!" Taranta pa akong napatayo at kung tutuusin ay maaga-aga pa siya sa usapan. "Ang aga mo yata?" Sinenyasan ko siyang pumasok at tumango rin naman siya kay Odik na parang nakalimutan agad na nage-emo siya kani-kanina lang.
"Isay?"
"Danzel na nga." Ngumuso ako at tila bulateng inaasnan naman si Odik sa isang tabi.
"Come with us, Odik," muli ay invite niya kay Odik na abot-tainga na ang ngiti. At alam na alam ko na ang sagot niya hindi man siya magsalita agad.
"Wait! Magbibihis lang ako!" Nagmamadali pa siyang gumalaw at nagtatakbong umakyat sa ikalawang palapag.
Napailing lang ako kay Danzel at wala akong masabi sa kanyang kagwapuhan. Parang bagong trim ang kanyang buhok at tila ginuhit ang linya ng kanyang panga. Naka t-shirt na puti lang naman siya at black pants pero nakakapaglaway na. Ibang klase! Bakit ba may lalaking ipinanganak na ganito kagwapo?
"You look different, Isay." Mataman pa niya akong sinipat mula ulo hanggang paa. Hindi pa man ay gusto ko nang ma-concious.
"Pangit ba? Ayaw mo ba?" Mariin kong kinagat ang labi ko at pinanood ang kanyang ekspresyon. Simpleng short floral jumpsuit lang naman ang suot ko. Inutang pa nga namin ni Odik 'to sa kapitbahay naming nagtitinda sa tiangge.
BINABASA MO ANG
MY WRONG KIND OF GIRL (Self-Published)
General FictionIsang Montenegro ang magpapabago sa apelyido ni Dalisay Capekpek. Nakaplano ang lahat kay Isay. Matindi ang kagustuhan niyang mapa-ibig ni Danzel kaya't ginagawa niya ang lahat makuha lamang ito. Ang pag-ibig niya'y isang patibong. Patibong...