Chapter 34

65.3K 1.8K 77
                                    

CHAPTER 34

DANZEL ERSHAD's POV

Days passed by so quickly. I may be aging each day but I am growing in love with my one and only Dalisay Capekpek. Nakumbinsi ko na rin siyang pumasok sa isang coffee shop na walking distance lang din naman ang layo sa Montenegro building.

We still live on the same roof even if she insisted on moving out. Sa totoo lang ay hindi ko na rin kasi ma-imagine ang buhay na wala siya sa aking tabi. Nasanay na nga rin ako na kasama siya at palaging nakikita. It felt like going home to my wife. Jeez, Danzel! This was really getting serious, huh? And, to think, we'd only known each other for months.

"Hi, Kuya!" nakangiting bungad pa ni Rosel sa may pinto.

"Kiddo, what are you doing here?" Kumunot ako at sinenyasan siyang pumasok.

"Wala naman, Kuya. Invite ko sana manood ng sine si Ate Isay. Puwede kaya?" mabilis pa niyang sabi habang palapit sa akin.

"May work siya. Mamaya pang five o'clock ang uwi niya." Bahagya pa akong sumilip sa aking relo bago ibalik ang tingin sa kanya.

"Okay lang if five pa. Puwede ko isama?" Kinindatan niya ako at wala akong nagawa kundi ang umiling.

"'Wag ako ang tanungin mo. Si Isay." Nag-angat ako ng kilay at ngumuso lang siya.

"Mainam na ring nagpapaalam ako sa'yo, Kuya. Ayaw mo ngang nawawala sa paningin mo si Isay mo, e," nanunukso pang sabi niya and I couldn't agree more.

"Do you have any problem with that, kiddo?" Kumunot ako at pilyang ngiti lang ang iginanti niya.

"Wala nga, diba? Sus, Kuya!" nakairap pang sabi niya at umikot sa kinalalagyan ko para halikan ako sa pisngi. "Puntahan ko lang si Ate Isay," paalam pa niya.

"Wait, I'm coming with you." Mabilis pa akong tumayo at kinuha ang cellphone sa ibabaw ng table.

"Ang clingy! Grabe!" natatawa pang sabi niya at tanging ismid lang ang ibinalik ko sa kanya. "Like seriously, Kuya? Kailan ka pa naging baliw sa babae?!" Malakas pa siyang humalakhak pero wala akong ibinigay na reaction sa kanya. Ibang klase ring manukso itong si Rosel. Jeez... "Sabi nga pala ni Mommy, pumunta kayo ni Ate Isay sa birthday niya. 'Wag mo raw 'yun kakalimutan."

"Shit," mahinang bulong ko pa dahil sa totoo lang ay muntik ko na talagang makalimutan. "Buti at pinaalala mo."

"Masyado ka talagang masaya ngayon para pati birthday ni Mommy makalimutan mo," natatawang panunukso na naman niya.

"Masyado ka ring masaya ngayon, kiddo. Don't tell me nagbo-boyfriend ka na?" Ipinilig ko patagilid ang aking mukha para titigan siya pero matalim na irap ang isinagot niya.

"Ang bata ko pa para d'yan, Kuya," nakaismid pang sagot niya sabay kapit sa aking braso. "Pero may nanliligaw na."

"Really?" Nagsalubong ang aking kilay at napahagikhik naman siya.

"Ang OA, Kuya, huh. Ligaw lang naman. Sina Papa nga walang masyadong reaction. Ikaw naman parang papatay ng tao ang reaction mo!" natatawang sabi pa niya at umiling lang ako.

"You're too young for a relationship, kiddo. Pag-aaral ang unahin mo," pasupladong sagot ko pa at hinampas naman niya ako sa braso.

"Don't worry, Kuya, binasted ko na. Sabi ko kasi aabangan mo siya kapag 'di siya tumigil."

"I'm glad you knew that, kiddo." Saglit ko siyang tinapunan nang tingin at noon ko na siya hinila palapit sa pinto.

Halos dalawang building ang pagitan ng Montenegro sa pinagta-trabahuhan ni Isay. It's only three thirty in the afternoon at sobrang nakakapaso pa rin ang mainit na singaw ng semento.

MY WRONG KIND OF GIRL (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon