CHAPTER 17
DALISAY's POV
Halos mag alas nueve na noon nang makatanggap ako ng text galing kay Danzel. Iiling-iling na ngumiti sa akin si Odik pero bakas ang tila pag-aalala sa kanyang mga mata. Walang kasiguraduhan ang pinapasok ko kay Danzel. Dahil bukod sa magkaibang mundo na aming ginagalawan ay isang malungkot na nakaraan ang patuloy na nagmumulto sa akin.
Naabala ako sa aking pag-iisip nang may biglang kumatok sa nakabukas na pinto. Masaya pa akong pumaling doon pero gan'un na lang din ang pagkadismaya ko ng si Harold ang makita ko.
"Good evening, Isay," nakangiting bati pa niya bitbit ang isang dosenang red roses.
"Good evening, Harold." Tipid naman akong ngumiti at sinenyasan siyang pumasok.
Nahihiya pa niyang iniabot sa akin ang roses at nagkamot ng ulo.
"Salamat. Hindi ka na sana nag-abala."
"Nanliligaw ako, Isay. Hindi puwedeng hindi ako mag-abala." Nagkamot na naman siya ng ulo at 'di ko na nagawang magkomento sa kanyang sinabi. Sinenyasan ko siyang umupo at si Odik naman ay nakita ko pang sumilip sa may hagdan. Isip siguro niya ay si Danzel na ang bisita ko. "Oo nga pala, ang aga mo naman kanina. Hindi tuloy kita nasamahan magdala ng ulam sa Montenegro building."
"N-naku, kahit hindi naman." At hindi ko tuloy malaman kung paano ko ba sasabihin sa kanyang 'wag na manligaw.
"Gusto kitang samahan Isay, habang 'di pa ako bumabalik sa Dubai."
Ngumiti lang ako at nangangapa pa rin ako sa dapat na sabihin.
"Pinapakamusta ka nga pala ni Verni," sabi pa niya.
"Si Verni?"
"Oo. Sana makalabas naman daw tayong tatlo one of these days."
"Oo nga." Tumango ako at wala pa sa loob kong tumingin sa may pinto.
"May hinihintay ka bang bisita, Isay?" Kumunot ang kanyang noo at nakisilip din sa may pinto.
"Huh, e..." At hindi ko pa rin alam kung paano ko ba sasabihin. Ang hirap naman nito!
"Babe..." Halos sabay kaming lumingon sa pinanggalingan ng boses at literal na tumigil ang mundo ko sa pagkakita sa gwapong mukha ni Danzel na nakatayo na sa may pinto.
Pormal ang kanyang mukha at bitbit ang ilang dosenang red and white roses. Nagmukhang kawawa ang bigay na roses ni Harold!
"Um, uy!" Taranta pa akong tumayo habang kunot ang noo ni Harold.
"What's wrong, Babe?" Nakakaloko pang ngumisi si Danzel at ibig nang magwala ng puso ko sa simpleng pagtawag niyang iyon. "Didn't you miss me?" Nagtaas siya ng kilay at kuhang-kuha kong hindi niya gusto ang presensya ni Harold doon.
"Um..." Tumingin ako kay Harold na salubong na ang kilay at igting ang panga.
"S-si Harold nga pala, 'yung kaibigan ko... Naalala mo?" Pasimple kong dinilatan si Danzel na parang walang balak na magpaawat.
"Oh, yeah. I remember him." Pormal naman niyang binalingan nang tingin si Harold na malalim lang na napahugot nang buntong-hininga. "What's up, dude?"
Hindi pa man nakukuhang sumagot ni Harold nang mapabaling kami sa humahangos na si Odik pababa ng hagdan.
"Hoy, Harold!" Malakas ang boses ni Odik at makahulugan pang kumindat sa akin. "Tara muna, dalawin natin si Verni!" Dali-daling lumapit si Odik sa kinalalagyan ni Harold na naguguluhan pa rin sa mga nangyayari.
BINABASA MO ANG
MY WRONG KIND OF GIRL (Self-Published)
General FictionIsang Montenegro ang magpapabago sa apelyido ni Dalisay Capekpek. Nakaplano ang lahat kay Isay. Matindi ang kagustuhan niyang mapa-ibig ni Danzel kaya't ginagawa niya ang lahat makuha lamang ito. Ang pag-ibig niya'y isang patibong. Patibong...