CHAPTER 18
DANZEL ERSHAD's POV
The past few days I thought I was just attracted to Isay. But then my feelings evolved and I couldn't differentiate like and lust. Oh jeez... Why the hell I couldn't get her face out of my head? And, her sweet mouth? Even how she called me Babe, it's just-
"Hello, Kuya!" nakangiting bungad pa ni Rosel sa may pinto.
"What are you doing here, kiddo?" Kumunot ako at mataman siyang tinitigan habang palapit.
"Nakita ko sa labas si Ate Isay, a. Hindi mo ba lalabasin?" Pilya pa siyang kumindat and she sat on the edge of my table.
"I asked you first," masungit na sabi ko lang.
"Whoa! Ang sungit mo yata ngayon, Kuya?" Pinag-aralan niya ang mukha ko sabay ngumuso. "Kulang ka ba sa tulog?"
"I don't get that much sleep lately," pag-amin ko rin naman lalo pa nga't bukod sa ang daming trabaho ay hindi ko matigilan ang pag-iisip kay Isay. At mas lalong humirap ang pagtulog dahil hindi ko siya magawang alisin sa utak ko. Her soft lips... Her beautiful body... Her angelic face... Everything! Damn. "So, what are you doing here, huh?" pag-uulit ko muli nang tanong.
"Wala naman, Kuya. May binili lang sina Mommy at Daddy sa mall. Boring kasama ang oldies kaya naisipan kong puntahan ka. Tagal mo na hindi dumadalaw sa mansion. Huling punta mo kasama mo pa si Babe Isay."
"Yeah." Tumango ako at humugot nang isang malalim buntong-hininga. "Ang dami ko lang talagang trabaho."
"Hindi mo ba lalabasin si Ate Isay? Parang hinihintay ka, a?" Kumindat-kindat pa siya at umiling na lang ako.
"I can't." Nag-iwas ako nang tingin at nagkunwaring busy sa trabaho.
"You can't?" Kumunot siya at mataman akong tinitigan. So nosy...
"You need to get your ass out here, kiddo. I'm busy." Pagtataboy ko pa.
"Ang sungit mo talaga ngayon? Break na ba kayo ni Babe?" Nakakaloko pa siyang ngumiti at pinaningkitan ko naman siya ng aking mga mata.
"Fine!" Umismid siya at agad na ipinatong ang dalang paper bag sa ibabaw ng aking table. "Nagbake kami ni Mommy kanina. Naisip kong dalhan ka."
"Thank you."
"Sana makadalaw ka naman sa bahay, Kuya. Isama mo ulit si ate Isay."
"Get out," muli ay pagtataboy ko sa kanya.
"Okay, fine." She rolled her eyes and went straight to the door. "Parang nagkakamukha na kayo ni Ate Isay. Meant to be!" natatawang sabi pa niya at noon na tuluyang lumabas ng opisina.
Hinagod ko ng kamay ang aking noo at sumandal nang diretso sa swivel chair. Tumunog ang cellphone ko at nakita ang text ni Isay.
Fr: Isay
Babe Danz, 'di ka man lang ba lalabas? Busy?
Pumikit ako at inalog ang aking ulo. I really didn't know what I felt for her. I even added her prints on my suite without thinking so hard about it. I bought her flowers last night and I still didn't know why I made such effort. And, she said I love you just right before I left. Kung lust man itong nararamdaman ko for her, I will be so unfair. Mukhang wala naman siyang karanasan pa sa ganoong bagay. Jeez, Danzel! What the fuck is wrong with me?!
Saglit akong nag-isip at nagtipa ng message.
To: Isay
I'm busy. Sorry.
BINABASA MO ANG
MY WRONG KIND OF GIRL (Self-Published)
General FictionIsang Montenegro ang magpapabago sa apelyido ni Dalisay Capekpek. Nakaplano ang lahat kay Isay. Matindi ang kagustuhan niyang mapa-ibig ni Danzel kaya't ginagawa niya ang lahat makuha lamang ito. Ang pag-ibig niya'y isang patibong. Patibong...