Chapter 4.1.2

77.1K 2.2K 46
                                    

CHAPTER 4

DALISAY's POV

Sa totoo lang ay parang gusto ko na sukuan ang pagpapa-cute kay Danzel. Kahit naman kasi hindi ko siya habul-habulin ay obvious na wala siya ni katiting na gusto sa akin. Alam kong maganda ako pero kamalasan lang, hindi nga siguro niya type ang beauty ko. Pang libro lang ang mga kuwentong isang mayamang lalaki ang magkakagusto sa isang mahirap na babae.

"Uy, Isay... ang lalim yata nang iniisip natin, a," si Ma'am Lianne. Halos katatapos lang nilang magbilihan ng lunch at hindi na rin ako makapasok pa sa opisina ni Danzel. Si Janella na lang palagi ang kumukuha ng lunch niya.

"Wala naman po, Ms. Lianne." Pinilit kong ngumiti kahit na sa totoo lang ay napakahirap. Sa ginagawang pag-iwas ni Danzel ay gumuho lahat ng pag-asa ko. Impossible nga sigurong makalapit ako. Puro kasi kabundulan ang nalalaman ni Odik. At hawang-hawa naman ako.

"If I know nalulungkot ka lang kasi 'di mo na makita nang madalas si Sir Danz, 'no?" nanunukso pang sabi niya at mapakla na lang akong ngumiti.

"Oo nga, e," wala sa loob kong pagsang-ayon na lang. "Sige po, mauuna na po ako. Masarap ang lunch ulit bukas, sana 'wag kayo magsasawa umorder."

"Walang problema, Isay. Basta palagi mong daragdagan 'yung sa akin, a." Kumindat pa siya at napatango na lang ako sa request niya. Mahilig talaga siyang humingi nang dagdag.

"Sige po, Ma'am." Tumango ako at binitbit ang basket na wala nang laman.

"Ingat, Isay." Kumakaway pa siyang lumayo at naglakad na ako papunta sa may elevator.

Pinindot ko ang button pababa at hindi naman nagtagal ay agad na ring bumukas ang elevator. Isasara ko na sana iyon nang may kung sinong humahangos ang humabol makasakay.

"S-Sir Danzel?" Nalaglag ang panga ko lalo pa nga't hindi ko naman inaasahang siya pala 'yun.

"I-isay..." Bakas din sa mukha niya ang pagkagulat at para bang alanganin pa siyang pumasok. Sino bang hindi maiilang? Dito mismo sa elevator na 'to ko siya hinalikan! Agad na nag-init ang pisngi ko at sariwa pa rin sa alaala ko ang pangyayaring iyon.

Pero gayon pa man ay napilitan pa rin siyang sumakay at agad na pinindot ang button pasara.

"Nakaubos ka na?" tanong pa niya at wala sa loob kong napatango. Shit, sobrang bango niya. "Good for you." nakangiting sabi pa niya at agad na isinuot ang kanyang coat. Nangangarap ka talaga Isay! Papaanong mapapaibig mo ang isang kagaya ni Danzel?

Matapos noon ay hindi na ulit siya nagsalita. Kung hindi ako nagkakamali ay parang narinig ko rin siyang napabuntong-hininga. Marahil nga ay awkward din para sa kanya ang alaala ng elevator.

Hindi naman nagtagal ay narating namin ang lobby at pinauna na niya akong lumabas.

"Danzel!" Sabay pa kaming napalingon sa pinanggalingan nang boses at kulang na lang ay sumakit ang mga mata ko sa sobrang makulay na suot n'ung babae. Kung hindi ako nagkakamali ay siya 'yung babae n'ung nakaraan.

"Oh, shit..." Narinig ko pang mura ni Danzel. "Oh, hi..." alanganing bati pa niya.

"I've been calling you. Buti na lang pala at naabutan kita," ngiting-ngiti pang sabi niya at bahagya pa siyang kumunot nang mapagawi ang tingin sa akin.

"Sir, una na po ako," paalam ko pa kay Danzel.

"Isay, stay please," halos pabulong pa niyang sabi sabay hawak sa braso ko.

Kumalabog ang puso ko at hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong naapektuhan sa paghawak niya.

"I forgot my phone at h-home," sagot pa ni Danzel at makahulugan pang tumingin sa akin.

MY WRONG KIND OF GIRL (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon