Chapter 44

72.4K 2K 189
                                    


CHAPTER 44

DALISAY's POV

Mabilis na lumipas ang mga araw. Ito na siguro ang pinakamahabang tatlong buwan sa buong buhay ko. Kagandahan na lang din na sa kalungkutan ko ay kasa-kasama ko ang lolo at lola ni Verni. Kahit papaano ay nagagawa nilang pagaangin ang bigat na nararamdaman ko. Sa tuwing nalulungkot ako ay palagi lang silang nasa tabi ko para alalayan at bigyan ako nang lakas ng loob.

Paminsan-minsang umuuwi si Verni galing ng Maynila para dalawin ako. Minsan din ay kasama niya si Odik at pinapasalubungan ako nang kung anu-ano para raw sa amin ng baby ko. Yes, buntis ako. Apat na buwan na akong buntis sa baby namin ni Danzel. Nasa pagpa-plano pa lang kami ng kasal noon ay nagdadalang-tao na ako pero hindi ko pa alam. Akala ko ay nadelayed lang ako.

Medyo namimilog na ang tiyan ko at hindi ko maiwasang malungkot sa tuwing maiisip kung papaanong lalaking walang ama ang aking anak.

Inamin din ni Odik sa akin ang tungkol sa perang nakuha ni Tatay Estong kay Danzel. Humingi siya nang tawad sa akin dahil ang halaga raw na nakuha ng tatay niya ay siya mismong ginamit niya upang ipadampot ang kanyang ama at ipadala sa rehab. Gustuhin man daw niyang isauli ang pera kay Danzel ay wala na siyang magawa dahil na rin sa sobrang pagkalulong ng tatay niya sa droga. Naiintindihan ko naman siya sa parteng iyon dahil kahit pagbali-baligtarin man namin ang mundo, tatay pa rin niya iyon. May mga panahon pa rin daw na pinagbabantaan siya ng kanyang ama dahil sa ginawa niya ay hindi pa rin siya sumusuko. Umaasa pa rin siyang makakatulong ang rehab para tuluyang mabago na ang kanyang ama. At gayon na lang din ang panalangin ko para kay Odik. Wala pa rin akong hangad kung 'di ang kabutihan nilang mag-ama. Kahit pa nagawan ako ng masama ni Tatay Estong, itinuturing ko pa ring utang na loob ang pagkupkop nila sa akin noong mga panahong wala akong matirahan.

Ngayon nga ay nakatanghod na naman ako sa dagat at umaasang mabilis na lilipas ang panahon sa pagtitig lang sa alon. Madalas akong tulala at wala sa sarili dahil sa nangyari. Gayon pa man, pinaglalabanan ko ang aking sarili dahil ano man ang nangyayari ngayon ay kagagawan ko pa rin naman. Ako ang may kasalanan ng lahat. Kung sana ay nasabi ko nang mas maaga kay Danzel lahat. Baka sakali ngang hindi ganoon kasakit. Baka sakaling mas madali niya akong mapatawad. Baka sakaling hindi ako nag-iisa ngayon. At may maituturing na ama sana ang anak ko.

Humugot ako nang isang malalim na buntong-hininga at mapait na ngumiti sa kawalan. Kahit ano yatang pampalubag loob ang sabihin ko sa aking sarili ay nananatili ang isang bagay na totoo. Wala na si Danzel sa buhay ko. Kinagat ko ang labi ko at hindi pa man ay nagsisimula na namang maipon ang luha sa aking mga mata.

Sa nakalipas na ilang buwan ay ngayon ko lang ulit isinuot ang aking wedding gown. Hindi ko nga alam kung bakit nga ba akong pumayag sa pangungulit nina Verni at Odik. May isa raw photographer na gustong kumuha ng picture ng buntis na nakasuot ng trahe de boda. Sayang din daw ang kita. Sa kapipilit nila pati na rin nina lolo at lola ay napapayag ako nang wala sa oras. Muntik na ngang hindi magkasya sa akin dahil sa ibinilog ng aking tiyan. Kung hindi siguro ako payat, iisiping malaki lang ang puson ko. Pero dahil payat ako ay matulis tuloy ang kurba noon. Halata talagang buntis. Hindi ko mapigilang maawa sa aking sarili dahil kahit ayaw ko man ay kailangan pang pagdaanan ng anak ko ang pinagdaanan ko noon. Ang mabuhay na 'di kumpleto ang pamilya. Kung sana ay mas naging responsible ako, 'di sana nangyari 'to.

Malalim akong napabuntong-hininga at hinagod ang aking tiyan. May naramdaman akong pagkibot doon at mapait lang akong napangiti. Alam kong ang batang nasa tiyan ko na lang ang magiging kaligayahan ko sa buhay. Kumpleto sana kung kasama ko si Danzel. Wala na sigurong mas liligaya pa sa akin.

Lumingon ako sa aking likuran pero wala pang anino nina Verni at Odik. Ginogoyo yata ako nang dalawang iyon, e. Umiling ako at muling ibinalik ang tingin sa dagat.

Wala na naman ako sa sariling paulit-ulit na isinulat ang pangalan ni Danzel sa buhangin kasama ang katagang mahal na mahal kita. Naglandas ang luha sa aking pisngi at nagsikip na naman ang aking dibdib sa sakit. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magiging ganito. Hindi nga yata ako makakamove-on.

"I waited for you." Halos lumundag ang puso ko palabas sa aking dibdib nang marinig ang boses na iyon.

Napatingala ako at agad kong nasalubong ang gwapong mukha ni Danzel. Naka-suit siya na tila kakagaling lang sa trabaho. May manipis na bigote at balbas ang palibot ng kanyang labi pero wala pa rin akong masabi sa angkin niyang kagwapuhan.

"D-danzel..?" Literal na nanigas ang katawan ko at kahit na ilang beses kong ibinuka ang bibig ko ay walang ibang salitang lumabas doon.

"I waited for you, Isay. Bakit hindi ka pumunta sa kasal natin?" Kumunot siya at nangapa ako nang sasabihin.

"A-alam ko naman kung saan ako lulugar." Yumuko ako at parang ibig kong mapaso sa titig niya. "Hindi ko gusto ang pera mo, Danz. Sorry sa lahat-lahat."

Hindi naman na siya kumibo pero naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko. Malalim lang siyang napahugot ng buntong-hininga habang nakatingin sa malayo. Dinungaw niya ako at agad naman akong nag-iwas nang tingin.

"Kumusta ka na?" tanong pa niya at noon na lang ulit ako napabaling nang tingin sa kanya. Bumaba ang kanyang tingin sa aking tiyan at agad akong nagdahilan.

"Um, nasobrahan yata ako nang kain." Mapakla akong ngumiti at napatikhim lang siya. Seryoso pa rin ang kanyang mukha at siya naman ang nag-iwas nang tingin. Yumuko ulit ako at tiningnan ang letra ng kanyang mga pangalang unti-unting nabubura ng alon. Kaunti na lang ay aabot na sa aming kinakaupuan ang hampas ng tubig.

"I miss you," bulong pa niya at mariin ko lang kinagat ang labi ko. Kung nalalaman lang niya kung gaano ko siya ka-missed. At kahit gusto kong sabihin na miss na miss ko na rin siya ay parang nakalimutan ko na rin ang magsalita. Hindi ako makapaniwalang nandito talaga siya.

"Na-trauma din ako sa nangyari na 'yun, Isay. Dinamdam ko din ang pangyayari sa araw na 'yun," malungkot pa niyang sabi. Nang dinungaw ko siya ay nakatingin pa rin siya sa malayo. "Mahirap din para sa akin ang pangyayari na 'yun. I worked my ass off, day and night just to prove that I am worthy to be a Montenegro."

Nanatili akong tahimik at 'di ko pa rin mapigil ang luha ko. I missed him so much.

"At nung mangyari 'yun, nawalan ako nang gana sa trabaho." Mapait pa niyang sabi at saglit akong napalingon sa kanya. "Palaging naglalaro sa utak ko ang mga sinabi mo at kahit na wala akong direktang kasalanan sa mga nangyari ay ako pa rin ang taong in-charge sa mga panahong 'yon. Na-trauma ako, Isay. Umalis ako ng bansa at nanirahan sa abroad para makalimot." Malalim pa ulit siyang napabuntong-hininga bago magpatuloy. "Ayoko na sana talaga bumalik dito pero pinilit ako ni daddy. Madalas na rin siyang magkasakit at hindi na daw niya kayang i-handle ang negosyo nang nag-iisa."

Saglit siyang napatigil at napatitig sa pangalan niyang isinulat ko sa buhangin. Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi pero parang hindi naman iyon umabot sa kanyang mga mata.

"Nung makilala at matutunan kitang mahalin, Isay... Binuo mo ulit ang pagkatao ko. Kaya hindi ko naiwasan ang masaktan nung ipagtapat ni mang Estong kung sino ka ba talaga."

"Sorry Danzel... Sorry talaga." Yumuko ako at tila gripo na naman ang pagtulo ng luha ko.

Iniangat niya ang aking mukha gamit ang kanyang daliri at pinunasan iyon.

"I am so in love with you, Isay." Mataman pa siyang tumitig sa akin gamit ang malamlam niyang mga mata. "Pero ang daming nabago nung magkahiwalay tayo ng ilang buwan."

Nanginig ang labi ko at mariing kinagat iyon upang pigilan ang aking emosyon.

"Ang dami kong na-realized sa mga panahong iyon." Malungkot pang sabi niya. "I think we're not really meant to be..."

Pagkarinig pa lang sa mga salitang iyon ay bumuhos pa lalo ang luha ko.

MY WRONG KIND OF GIRL (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon