Chapter 15

79.1K 2.3K 91
                                    

CHAPTER 15

DALISAY's POV

Halos buong maghapon akong hindi mapakali dahil sabik na akong dumating ang gabi. Pupuntahan daw ako ni Danzel at hindi ko kayang itago ang pag-asang tutuparin niya ang kanyang sinabi.

"Okay ka lang ba?" taka pang tanong ni Odik at kasaluyan siyang nagwawalis nang nagupit na buhok sa sahig ng parlor.

"O-oo naman. Bakit?" Saglit ko siyang sinulyapan bago kunwari ay itinuon ulit ang atensyon sa panonood.

"Sinungaling!" Umirap siya at ngumuso. "Ano talagang score ninyo ni Danzel?" Namaywang siya at nagtaas ng kilay.

"Anong score ang pinagsasabi mo?" maang-maangan ko pa. Hindi pa rin naman ako handang ipaalam sa kanya ang nararamdaman ko para kay Danzel.

"Kilala kita, Isay."

"Wala nga," deny ko pa rin.

"Oh..." Nagdudumilat pa ang mga mata niyang bumaling sa pinto at parang nahuhulaan ko na kung sino ang kanyang nakita. "May bisita ka." Pagkasabi niya noon ay kumalabog ang puso ko at pinigilan ko ang mangiti.

Dali-dali akong tumayo mula sa pagkakaupo at agad na sinilip ang sinasabi niyang bisita. Pero gayon na lang din ang pagkadismaya ko nang makita kung sino ang bisitang tinutukoy niya. Si Harold pala.

"Magandang gabi, Isay," masayang bungad pa niya bitbit ang isang dosenang red roses.

"Uy..." Wala pa ako sa sariling nilingon ang wallclock at halos nine o'clock na noon. "Ginagabi ka yata," puna ko pa at nakangising sumenyas sa akin si Odik at itinuturo ang roses na hawak ni Harold.

"Para nga pala sa'yo, Isay." Nahihiya pa niyang iniabot sa akin ang roses at mukhang itutuloy na niya ang panliligaw sa akin.

"S-salamat. Pasok ka." Wala pa ako sa sariling tumingin sa labas pero wala pa ring bakas ni Danzel.

Dali-daling tinapos ni Odik ang kanyang pagwawalis para bigyan kami privacy.

"Oy, Harold! Nasaan na ang chocolate ko?!" sita pa ni Odik kay Harold na kakamut-kamot pa ng ulo.

"Bukas, promise. Nakalimutan ko kasi kuhanin sa ref kakamadali," sagot naman ni Harold na pinagdaop pa ang palad.

"Siguraduhin mo 'yan or else, ipapabasted kita kay Isay!" nagbabanta pang tono niya.

"'Wag naman! Bukas talaga promise!" Nagtaas pa siya ng kanang kamay at tila kumbinsido namang tumangu-tango si Odik.

"Hihintayin ko 'yan bukas. Pagbutihin mo," mahigpit na bilin pa niya sabay kindat sa akin bago tuluyang umakyat sa ikalawang palapag.

Naiwan kaming nagsosolo ni Harold at noon ko na lang siya pinaupo. Sa totoo lang ay parang gusto ko na siyang pauwiin agad at ayoko namang mag-abot pa sila ni Danzel.

"Okay ka lang, Isay?" alalang tanong niya. Halata bang tense ako?

"Oo naman," pagsisinungaling ko pa. "Anong ibig sabihin ng roses na 'to? Liligawan mo ba ako? Seryoso?" dire-diretso ko pang tanong at nahihiya pa siyang nagkamot ng ulo bago marahang tumango.

"Direct to the point talaga, Isay, ha," sabi pa niya at sinulyapan pa ang roses na nasa kamay ko. "Hindi mo ba nagustuhan?" malungkot pang naitanong niya.

"Gusto. Maganda nga, e." Mapakla akong ngumiti at wala na naman sa loob kong tumingin sa wallclock. Bakit wala pa si Danzel? Darating pa kaya siya?

"May hinihintay ka pa bang bisita, Isay?"

"Huh?" Gulat pa akong bumaling ulit sa kanya at nakasimangot na siya. "W-wala naman... Um, kasi medyo pagod na kasi ako kaya parang gusto ko na magpahinga."

MY WRONG KIND OF GIRL (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon