Chapter 6

78.4K 2.8K 293
                                    

CHAPTER 6

DANZEL ERSHAD's POV

Ngayon pa lang ako papasok sa opisina dahil kaninang umaga ay sobrang sama nang pakiramdam ko. Mabuti na lang at hindi na rin nagtuloy matapos kong mainuman ng gamot agad. Gustuhin ko man sana na 'wag na pumasok ay ang dami kong kailagang pirmahang dokumento. I am very much dedicated to my work. Hindi ako kailanman magpapatalo sa sakit.

It's lunch time. Wala pa sa loob kong napatingin sa aking relo at hindi ko alam kung bakit si Isay kaagad ang naisip ko. Nandito pa kaya siya sa building? Fuck! Why am I even thinking about her? Jeez...

Pero agad ding napawi ang pag-iisip ko nang magbukas ang elevator at tumambad ang babaeng nakahiga sa loob. Isay?!

"Isay!" Mabilis akong pumasok sa loob at binitiwan ang dala kong attaché case. Lumapit ako sa walang malay na si Isay at bahagya ko siyang niyugyog. "Isay, wake up! Isay!"

"S-Sir..." Hirap pa siyang dumilat at agad na sinalat ang kanyang noo na may maliit na bukol.

"Hey, what happened?"

"H-hinimatay po a-ako... S-sorry po." Nanghihina pa siyang tumayo kaya't inalalayan ko siya sa kanyang baywang.

"Gusto mo bang dalhin kita sa hospital?"

"N-naku hindi na po." Mabilis pa siyang umiling at namumula ang pisngi habang iginagala ang tingin.

"Nasa clinic ba si Dra. Claire?" tanong ko pa sa utility na nakikiusyoso sa aming dalawa.

"Opo, Sir. Nand'yan po," sagot naman din ng utility.

"Thank you," pormal na sabi ko at hinila si Isay palabas ng elevator.

Alanganin pa niya akong dinungaw at ramdam ko ang panghihina sa kanyang hawak sa aking kamay.

Hindi pa man kami nakakapasok sa clinic ay sumalubong na agad ang babaeng nakaputing scrub suit. It's Dra. Claire.

"Sir, ano pong nangyari?" alalang tanong pa n'ung doktora at tila minumukhaan si Isay.

"She passed out," pormal na sagot ko pa habang mahigpit kong hapit sa baywang si Isay.

Nang tuluyan kaming makapasok sa clinic ay agad kong pinahiga si Isay sa single bed. Lumagay ako sa gilid at pinanood ang ginagawang test ni Dra. Claire. She's been with the company for almost two years.

"Are you pregnant?" tanong pa ni doktora sa napatangang si Isay. Pinigilan ko ang mangiti sa kanyang reaksyon at tila alala pang hinapyawan ako nang tingin. Iniisip ba niyang magseselos ako? Jeez, Isay.

"Hindi po!" mabilis pang tanggi niya at sobrang pula ng kanyang pisngi. She's so damn cute! "Hindi pa po ako sinasagot ni Sir Danzel," dugtong na biro pa niya at natawa lang din si doktora.

"Nakukuha mo pa talagang magbiro, Isay." Umiling-iling ako at agad naman siyang nagpeace sign.

Wala naman nang ibang sinabi si Dra. Claire at sa halip ay hinipo ang balat ni Isay sa noo at leeg. May aparato din siyang itinapat sa tainga nito at nang tumunog ay tinanggal din agad iyon.

"Ang taas pala ng lagnat mo. Nakainom ka na ba ng gamot, hija?" seryosong tanong pa ni doktora at marahan lang umiling si Isay. Nahihiya pa niya akong tinapunan ulit nang tingin at mariing kinagat ang kanyang labi.

"May dinaramdam ka na pala, bakit nagdeliver ka pa ng pagkain, Isay?" may panermong himig ko. I didn't know kung bakit bigla akong nainis sa katigasan ng ulo niya.

"Kailangan lang po, Sir Danzel." Mapakla siyang ngumiti at sa tantiya ko'y masamang masama na talaga ang pakiramdam niya.

"Wait, ikukuha lang kita ng gamot. Excuse lang po, Sir," paalam pa ni doktora at tumango lang ako bilang sagot. Sinundan ko siya nang tingin bago muling balingan si Isay na nakatitig sa akin.

MY WRONG KIND OF GIRL (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon