34 - Too Much Heaven

6.6K 149 10
                                    

Person On The Phone: People who truly loved once are far more likely to love again. Sam, do you think there's someone out there you could love as much as your wife?

Lead Actor: Well, Dr. Marcia Fieldstone, that's hard to imagine.

Person On The Phone: What are you going to do?

Lead Actor: Well, I'm gonna get out of bed every morning... breathe in and out all day long. Then, after a while I won't have to remind myself to get out of bed every morning and breathe in and out... and, then after a while, I won't have to think about how I had it great and perfect for a while.

Person On The Phone: Tell me what was so special about your wife?

Lead Actor: Well, how long is your program? Well, it was a million tiny little things that, when you added them all up, they meant we were supposed to be together... and I knew it. I knew it the very first time I touched her. It was like coming home... only to no home I'd ever known... I was just taking her hand to help her out of a car and I knew. It was like... magic...."

Clark?

Hmmmnn?

Are you awake?

Oo naman! Bakit?

Ang tahimik mo kasi. Akala ko nakatulog ka na.

No, I'm watching. Ssshhh....

Hinayaan na ni Dennise sa panonood ang nobya. Nakahiga ito nang patagilid sa sofa habang nakabaling ang tingin sa pinapanood. Siya naman ay padapang nakayakap lang dito at nakabling sa kabilang direksyon.

Ilang beses na niyang napanood ang palabas, memorize na nga niya ang ibang linya doon, pinagbigyan na lang niya si Ysay dahil gusto nito ang lalakeng karakter sa pelikula.  At hindi rin naman ito nagrereklamo na ganoon ang posisyon nila kahit may ilang oras na rin silang nakahiga doon.

It was her off day at sa halip na mamasyal sila sa labas, nag-stay na lang sila sa bahay. Hindi na rin pumasok sa opisina niya si Ysay.

All throughout the day, they did nothing but cuddle, make-out, eat, cuddle, make-out, watch cable, make-out, eat, make-out and watch cable again.

At literal na napagod siya sa pagtatambay nila sa bahay.

But she's not complaining at all. No. Ito ang pangarap niya, ang makasama si Ysay nang ganito, masaya sila at wala nang iniisip pang iba.

Totoo Dennise? Okay ka nang talaga? Okay na kayong dalawa ni Alyssa? giit ng konsensya niya.

Meron pang isang bagay na gusto niya sanang maayos na.

Iyon ay ang tungkol sa kanilang mag-ina.

Love, okay ka lang? maya-maya ay narinig niyang boses ni Ysay.

Oo naman! Bakit mo naitanong?

Wala naman, naramdaman ko lang. At mas hinigpitan ni Ysay ang pagkakayakap sa kanya.

Isiniksik pa niya lalo ang katawan niya dito.

Paano niya sasabihin kay Ysay na gusto na niyang makipagbati sa mommy niya? Paano niya ipaiintindi dito na gusto na niyang bumalik sa natitirang magulang niya nang hindi na nito mararamdaman ang takot na baka muling paghiwalayin silang dalawa nito?

AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon