17 - I'm Sorry

7.4K 142 5
                                    

Ang ganda ng araw, 'no?

Yeah, best feature of Mother Nature, sang-ayon niya sa sinabi ni Dennise.

Love, nalulungkot ka ba kapag lumulubog ang araw? tanong nito sa kanya pagkatapos ng mahabang sandaling panonood.

They were now sitting in the sand facing west and watching as the sun sets down. Nakatukod ang kamay nito sa may kanang tuhod niya at nakahimlay ang ulo doon. Siya naman ay nakasandal ang katawan sa malaking bato at malumanay na hinahaplos ang braso nito.

Minsan oo, minsan hindi. Depende sa mood, love, sagot niya.

Huh?

Kapag may mga bagay na hindi ko nagagawa sa isang araw, nalulungkot ako kapag lumulubog na ang araw kasi parang ang bilis ng oras para sa mga gusto kong gawin pa. Pero kapag naman excited ako para sa kinabukasan, tuwang-tuwa ako kapag wala na siya at gumagabi na. Ibig sabihin, malapit na ang bukas. Most of the time, I see it as a symbol of hope, that when it gets down, tomorrow it will rise again. Surely.

But what if it doesn't appear the next day? Paano kung wala nang bukas?

Why doubting? balik-tanong niya.

Hindi naman, thinking of possibilities lang.

Posible bang hindi na sumikat ang araw bukas?

Posible, bakit hindi?

I think not, sagot niya. The sun surely rises the next day. Akala lang natin hindi kasi hindi natin nakikita, but it's there. Natatabunan lang ng mga clouds. Dark and grey, nakakapagpalabo sila ng paningin natin sa araw. Just like love. We think it's gone, pero ang totoo, natatabunan lang ng mga hinanakit at sama ng loob. Like the sun, hindi naman nawawala ang pag-ibig. We were born out of love, we live because of love, and we are one because of love. Kung dumarating man tayo sa point na nagkakatampuhan or we're doubting one's feelings, yun yung time na makulimlim paligid natin, but like the days, it won't be forever dark, darating at darating ang time, sisilip si araw para lumiwanag. Darating ang time, mananaig pa rin yung love para sa isa't isa.

Umalis si Dennise sa pagkakahiga sa tuhod niya at nilingon siya.

What?

May pinagdaraanan ka ba at ang lalim ng mga sinabi mo? That's deep, Clark!

Ha ha ha ha! Ikaw talaga, Lois! Halika nga dito!

Umusod naman ito hanggang sa tuluyang makayakap sa kanya. Siya naman ay ipinilupot ang braso dito.

Is that how you see our relationship, Clark?

Oo naman, love. I'm so deeply in love with you, 'di mo ba alam yun? You are my sun to my days, my moon to my nights. The air that I breathe, the beat of my heart. The life of my soul and all the senses of my whole. In other words, who is me if not because of you?

Humigpit ang yakap sa kanya ni Dennise.

O bakit?

Natatakot ako, Clark.

Natatakot? Saan?

Paano kung hindi ko masuklian ang pagmamahal mo sa akin?

Umayos siya ng upo saka hinagilap ang mukha nito. Deny, mahal mo ba ako?

Mahal na mahal Ysay!

AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon