Need some help? tanong ni Alyssa kay Dennise.
They just finished their breakfast at bilang parusa ni Dzi sa pagtataray ni Dennise kanina, ito ang naatasan ni kapitana na maglinis ng mga ginamit nila at magluto na rin ng para sa dinner mamaya.
Hindi, okay lang ako.
Sigurado ka? Mukha kasing hindi ka sanay maghugas ng plato. Hindi mo ginagawa sa inyo yan, 'no? nakangiti niyang biro dito.
Ngumiti lang ito sa kanya bilang tugon. Ngiti, hindi pag-irap at lalong hindi pagtataray.
Nice one, Ysay!
Oo, nagagawa na niyang makipagbiruan kay Dennise ngayon.
After nang nangyari kanina sa oval at nakapag-sorry ito sa kanya, bumait na ang babae sa kanya. Nag-sorry ulit ito, pero halata pa rin niyang naiilang ito sa kanya. But compared to yesterday and earlier at the field, there was so much improvement on their treatment with each other. Tumabi pa ito sa kanya sa upuan habang kumakain, ngumingiti at nakikipagkuwentuhan.
Tulungan na kita, akto na siyang tutulong dito pero pinigilan nito ang kamay niya gamit ang basang kamay nito.
And there goes that electricity feeling again. Kanina pa niya ito nararamdaman kapag nagkakadaiti ang mga balat nila lalo na kaninang kumakain sila. And everytime it happened, her heart also won't stop fluttering inside.
Hindi siguro nito napansin, pero siya halata niya, na siniksik silang dalawa ni Gretchen at ni A kanina. Si Gretchen, sa tabi niya, at si A sa tabi ni Dennise. Nang tinaasan niya ng kilay si Gretchen, kumindat lang ito sabay ngisi nang maluwang sa kanya. Even during the group's conversation during breakfast, nakasentro sa kanya ang mga tanong, of course lead by the two, na para bang gustong ipaalam kay Dennise sa pamamagitan ng sagot niya kung anong klaseng tao siya, anong ugali niya. Mga tanong na labas sa larong volleybal, tungkol sa pamilya niya, sa studies niya, sa mga hilig niya. At siyempre, hindi mawawala ang tungkol sa lovelife niya. Naalala niya tuloy ang naging usapan nila kanina.
Talaga, wala kang boyfriend? - Fille.
Wala po, not my type.
So, girlfriend, meron? - Jem.
Wala rin po. Wala eh, walang magkamali, he he he.
Sigurado ka? Si Shiela, hindi mo girlfriend? - Dzi.
Kaibigan ko po siya, way back elementary pa.
Nililigawan? - Ella.
Ahm, wala.
Eh, liligawan? - Gretchen.
Wa...... hindi niya naituloy ang sasabihin, bagkus sumulyap siya sa gawi ni Dennise. Wa....wala pa.
Pa. Ibig sabihin may balak ka. Kelan? - Gretchen, nakangisi pa.
O.....oo sana, kung okay lang sa kanya, at kung papayag siya, nahihiya niyang tugon and this time kept her head bowed down. Ayaw na niyang lumingon kay Dennise dahil baka lalo itong ma-tense sa kinauupuan nito. She actually felt her stiffened nang sumagot siya ng oo kanina.
Well, what does she look like? - Amy.
Aly looked at Amy and then turned to Dennise. This time when she looked at her, nakatingin din pala ito sa kanya, as if waiting for her to answer. And she was mezmerized again by that chocolate brown eyes of her.
BINABASA MO ANG
Again
FanficI heard from a friend today And she said you were in town Suddenly the memories came back to me in my mind How can I be strong I've asked myself Time and time I've said That I'll never fall in love with you again A wounded heart you gave My soul you...
