36 - Madly

5K 151 7
                                    


Deny, hija! Finally, napadalaw ka ulit!

Hello po 'ma! sinalubong ni Dennise ang mommy ni Alyssa habang bumababa ito ng hagdan.

Hello baby! Mwah! Kamusta sa work? Have you started your schooling as well?

Hindi pa po 'ma. After two months pa po start ng school. Inaayos ko pa po papers ko.

That's good! Basta may kailangan ka, magsabi ka lang ha? Or tell Ysay, I'm sure gagawan nun ng paraan. Nga pala, nasaan na ang magaling kong anak? Hindi mo yata kasama ngayon?

Eh, 'ma, siya nga po sana ang ipinunta ko dito, nahihiya niyang amin sa biyenang-hilaw. Baka sakaling dito ko siya maabutan sa bahay ninyo.

O bakit? May problema na naman ba kayong dalawa?

Eh kasi po.... She tried to give her an all assuring smile but failed.

Hay naku! Teka lang, tatawagan ko lang yang magaling mong nobya!

Ma, teka lang po!

Hindi siya pinansin ng mommy ni Alyssa. Dali-dali itong pumunta kung saan naroroon ang telepono at nag-dial ng numero.

Hello.... Yes.... Transfer mo to Alyssa please.... Just tell her it's her mother and it's quite important.... Well, I don't care what she said, just do what I say...Thank you!.... Alyssa! Ano itong problema ninyo ni Dennise daw??.... Anong meeting na sinasabi mo?!.... Well, I don't care! You get out from that meeting and come here!.... No, I won't accept that! And don't give me anymore excuses, young lady! Alam kong nagdadahilan ka lang! So you better come here kung ayaw mong ako mismo pumunta dyan sa opisina mo at garutihin ka sa puwet! Don't argue with me, Alyssa!....Yes, now! Ako na bahala sa papa mo!!.... Oh yes, I'm serious! I'm expecting you in thirty minutes!!! No more, no less! Bye!

Alyssa's mother dropped the call and then suddenly, grinned at her. Sinuklian naman niya ito ng alanganing ngiti.

Done! Now you, young woman, explain to me what's going on? But before that, halika, dun tayo sa garden mag-usap habang nagmemeryenda.

Walang salitang sumunod na lang si Dennise dito.

Nang makarating sila sa garden at maupo, at maabutan ng meryenda ng katulong, hindi na siya tinantanan ng ginang. She was interrogated like she was on a trial. Nawala sa isip ni Dennise, lawyer nga pala ang nanay ni Ysay.

Since when are you two not talking to each other? unang tanong sa kanya.

Magwa-one week na po.

And the reason being?

Selos po.

Selos?

Nagseselos po siya kay Luis.

At sino si Luis?

Bestfriend ko po.

Luis is a guy I assume?

Opo.

Continue.

Hindi ko po nasabi kaagad sa kanya na magkasama kami ni Luis sa trabaho. Sasabihin ko naman po sa kanya kaso tumitiyempo pa lang ako.

And why were you hesitating?

Since school years po namin, nagseselos na si Ysay kay Luis. Kahit ano po kasing pagkumbinsi ko sa kanya na imposible kong magustuhan si Luis, hindi po makampante si Ysay. And then she learned that Luis has this thing with me. Lalo pong nagselos si Ysay. Hindi na po niya ako kinausap after that. I told her I was just grateful that Luis helped me get that job, pero hindi niya maintindihan.

AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon