4 - Maybe You Should Know

8.5K 175 2
                                        

O yan, Aly. Pinagbigyan na kita ha! Wala nang second request! huling salita ni Dzi bago lumabas ng kuwarto.

Teka, kapitan! Hindi naman....

Nilayasan na agad siya nito.

Haiisst! Alyssa! Hindi ka kasi nag-iisip!

May sinasabi ka Aly? narinig niyang may nagtanong sa likod niya.

Hays, Alyssa! Eto na! Time to face Dennise!

Inihanda niya ang pamatay niyang smile bago humarap dito, pero tumiklop siya nang mabungaran ang nakataas nitong kilay at nakahalukipkip na mga braso.

Hi.....?

So, this is your idea?

Ang alin?

Bakit ka nagpalipat dito?

Hindi naman....hindi ko naman ginusto ito, tanggi niya.

For a second, she noticed the hurt in Dennise's face, pero agad bumalik ang mataray nitong hitsura bago siya sinagot. Ah, ganon? Ayaw mo pa lang kasama ako sa kuwarto? Bakit ka nagpalipat dito? Ayaw mo rin akong kasama sa team, ano?

Ha? Hindi! Hindi ganun ang ibig kong sabihin!

Then what? Bakit ka nakipagpalit ng kuwarto kay Ho? Bakit dito sa kuwarto namin? inis nitong tanong sa kanya.

Hey, Dennise, listen, inis na rin niyang sagot dito. I asked for a room switch from the captain because of ate Fille. Hindi ko naman alam na kayo palang dalawa ni ate Gretch ang magkasama. Kung alam ko lang yon, hindi ko hihilingin....

Ah ganun? So ayaw mo talaga akong kasama?

Will you listen to me?! napipikon na siya. It's not about you, okay? I'm doing a favor to a friend. At saka bakit ba ang init ng ulo mo? Ako yata ang dapat magtanong sa'yo ng tinanong mo kanina! Ayaw mo ba akong kasama dito sa kuwarto? Sabihin mo lang! Madali naman akong kausap eh.

Wrong move Alyssa!

Again, for a while, may nakita siyang kirot sa mukha ni Dennise pero dagli rin yong nawala. Tinalikuran na siya nito pagkatapos at ibinalik ang pansin sa computer na kaharap.

What do you think you're doing Alyssa?! Is this the right way to treat her?! Pagkatapos mo siyang balewalain?! - her heart

Siya rin naman ah! - her mind.

Eh sino bang may gusto kanino? At sa tingin mo sa ginagawa mo, may patutunguhan yang sinasabi mong pagmamahal?! - her heart again

Eh ano bang dapat kong gawin? - her mind aswered back

Ask yourself. - puso na naman.

Malungkot niyang tinitigan ang babaeng nakatalikod sa kanya.

Deny....tawag niya dito. Dennise, puwede ba tayong mag-usap?

Wala siyang nakuhang reaksyon dito kundi ang pagtigil nito sa pagtipa sa keyboard. That gave Alyssa a slight approval for her to go on.

I'm sorry. Yung tungkol sa room switch, I asked for it because of ate Gretchen. Nagseselos siya sa akin dahil....dahil may crush daw sa akin si ate Fille. Ayokong pagmulan ng hindi nila pagkakaunawaan ang pag-stay ko sa kuwartong iyon. I did not know ikaw pala ka-roommate niya. Kung ayaw mo akong makasama dito sa kuwarto, okay lang. I'll ask to be transferred again, pero sana, sana, huwag mo na akong iiwasan. Sana i-trato mo pa rin akong special friend mo, Deny.

AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon