So, I'll pick you up at 4?
They were having their lunch together sa canteen one Thursday afternoon. Both don't have classes at that hour.
Ah, love, puwede huwag mo muna ako sunduin?
Why?
D...da...darating si mommy mamaya.
She didn't realize she dropped her utensils harshly.
Y...Ysay?
Ahm, sorry. Nabigla lang. Kinuha niya ulit ang kutsara't tinidor at itinuloy ang pagkain, umarteng ginaganahan sa pagkain kahit sa totoo lang ay parang nawala ang lasa ng kinakain niya.
This is, by her count, the nth time Dennise would not introduce her to her family, to any member of her family. For them she was just Alyssa, her teammate and roommate.
Dapat sanay na siya. Dapat sanay na sanay na siya na kulang na lang mamanhid pakiramdam niya pagdating sa bagay na iyon, balewalain lang. Kung ilang beses din nilang pinag-usapan iyon at sa tuwina, umaayon na lang siya sa gusto nito dahil nakikita rin naman niya na nahihirapan ito.
Pero ano ba dapat maramdaman ng isang tao kapag itinatanggi ka sa publiko? Should she still call herself proud of what they have? Is relationship to be called a relationship kung kayong dalawa lang ang nakakaalam? Oo at alam sa kanila ang relasyon nila ni Denden. In fact, ilang beses na niyang dinala sa bahay nila sa Batangas ang babae. Ang kulang na nga lang ay ampunin si Dennise ng angkan niya para ituring itong parte ng pamilya niya.
But not with Dennise's family. No one in her family is aware kung ano meron sila. Kahit yata mga asong alaga nito, hindi siya kilala bilang girlfriend ng amo nila.
And it's so frustrating for her. Wala siyang magawa kundi makuntento na hanggang sa loob lang ng dorm nila puwedeng ipakita pagmamahal nila sa isa't isa ng walang kinatatakutan. Sa loob lang kuwarto nila puwedeng paulit-ulit o kahit ipagsigawan na mahal na mahal nila ang isa't isa. Pero sa labas ng kuwartong iyon, sa labas ng dorm, sila ay simpleng magkalaro lamang. Simpleng tinginan, simpleng ngitian, simpleng tapikan sa balikat, simpleng hawakan ng kamay, simpleng akto lang ng isang magkaibigan, yun ang meron sila sa harap ng mga tao. Katulad ngayon, magkasama nga sila pero magkaharap habang kumakain. Bawal magtabi, bawal magsubuan ng pagkain, bawal magharutan, bawal maglambingan. Pati nga yung naging ugali niyang hatid sundo dito sa klase, pagdadala niya ng gamit nito, hindi na niya nagagawa ng lantaran mula nang maging sila. Either, she would drop her off to class pero kasama ibang member ng team. O dala-dala nga niya ang gamit nito pero dala rin niya ang gamit ng iba.
She's publicly known as gay but she couldn't show her affection publicly to one person alone. And that is Dennise Lazaro.
Ysay? Ysay? You're spacing out, untag nito sa kanya.
Ha?
Ang sabi ko, lumilipad na naman ang utak mo. Are you okay?
Really, Dennise, should you ask that?! naiinis na niyang bulong sa sarili. Pagkatapos mong sabihin sa aking darating ang mommy, you would expect me to be alright?
O...of course! sagot niya. Ahm, ninanamnam ko lang ang pagkain. Masarap kasi luto nila sa canteen ngayon, she fakingly smiled. Ahm, what time she'll be coming?
I'm not sure. Siguro...
Den! narinig nilang may sumigaw sa pangalan nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/23923726-288-k392661.jpg)
BINABASA MO ANG
Again
FanfictionI heard from a friend today And she said you were in town Suddenly the memories came back to me in my mind How can I be strong I've asked myself Time and time I've said That I'll never fall in love with you again A wounded heart you gave My soul you...