10 - Have You Ever Been In Love

9.8K 194 13
                                    

'Ly! You're back! Magaling ka na agad?! Akala ko next week ka pa babalik dito? salubong agad na tanong ni kapitana sa kanya.

Dumating siya sa dorm mga bandang alas dose y medya ng tanghali at naabutan niya si kapitanang nanonood ng tv.

Hi, captain! Ah eh opo, magaling na po ako. Mabisa po kasi yung gamot ko, kamot sa batok na sagot niya. Ahm, asan po sila?

Nasa school pa sila lahat. Nauna na akong umuwi, wala kasing prof. Kumusta na pakiramdam mo?

Okay na po. Puwede na akong bumalik sa training.

Are you sure? Your medical report said something else.

Eh, Ate Dzi, pinilit ko lang po ang uncle ko na 'yon ang isulat niya para pumayag kayo ni Coach Roger, amin niya dito.

Valdez!

Pero nagkasakit po talaga ako! Promise! I just thought, matagal ako makaka-recover!

Maski na!

Sorry, ate Dzi! pa-cute niya dito sabay peace sign. I'm offering to do the dishes for two weeks as my punishment! prisinta agad niya dito.

Baka mabinat ka? her captain was sarcastic of course.

Hindi na po ako magkakasakit, promise.

Sigurado ka?

Opo.

O sige, isama mo na ang pagluluto ng almusal sa punishment mo.

Akala yata nito aangal siya. Game! masiglang sagot niya.

Anong game? Valdez! narinig niyang tawag sa kanya ni Gretchen. How's Baby Damulag? He he he.

Ate Gretch! Sa bahay lang yun! Dun na nga lang ako nagiging baby. Dito, aliping sisirin ako! kunwaring nagtatampo siya.

Hep, hep! Nagrereklamo ka? Ako ba nagprisintang maghugas ng pinggan ng dalawang linggo, aber? nakataas ang kilay ni kapitana.

Ah, eh, peace, captain! Nagdyu-joke lang po ako! He he he!

Sigurado kang hindi ka mabibinat Baby D?

Baby D?

Baby D! Baby Damulag! Yan na ang itatawag ko sa'yo from now on, hirit ni Gretchen.

Ate!

Seriously, okay ka lang? Umalis ako sa inyo noong Linggo, ang taas ng lagnat mo. Ngayon, parang nagdahilan ka lang na nagkasakit ka? Anyare?

W....wala! Walang nangyari! Magaling na ako, yun lang.

Sigurado ka?

Yap. Kung gusto ninyo, ipagluto ko pa kayo ng hapunan.

Talaga lang ha?

Oo nga. Wait lang, I'll just put my things upstairs. Baba ako after I change clothes.

Oh...kay, sang-ayon na lang sa kanya ng dalawa.

Iniwan na niya ang mga ito at dali-daling umakyat ng kuwarto nila ni Deny. Narinig pa niya bulungan ng dalawa na hindi naman talaga bulungan dahil dinig na dinig niya.

AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon