14 - Baby I Lied

7.9K 176 32
                                    

At saan ka nanggaling, Valdez? bungad agad na tanong sa kanya ni Gretchen as soon as makita siyang pumapasok sa dugout.

It was game day for them the next day at hindi siya nagpakita kay Dennise at sa team kaninang umaga. She just stayed at home and tried to relax dahil hindi siya halos makatulog kagabi sa kakaisip sa nangyaring komprontasyon sa kanilang dalawa. It was their first serious fight. Dati-rati, sinisigurado niyang hindi lalampas ang gabi at magkakaayos sila. Not that she's counting, but it's always her who gives in, ayaw niya kasing matutulog sila nang nagkakatampuhan. But last night, she finally snapped. Naubos pasensya niya? Nagselos siya? Naiinggit siya? Naawa sa sarili? Hindi niya alam. Basta ang alam niya, hanggang ngayon, hindi siya ang gagawa ng paraan para sila magkasundo.

Sa bahay, saan pa?! Pfft! she snorted.

Ibinaba niya ang gamit sa tapat ng locker niya at nagsimulang magbihis. Hindi niya napansing pinagtitinginan siya ng mga ka-team mates niya dahil sa hindi niya pagpansin kay Dennise.

Anong problema? narinig na lang niya ang boses ni Gretchen na nakaupo na pala sa tabi niya. She was fixing her kneepads and her shoes nang marinig niya ito.

Wala, 'te. Masama lang siguro gising ko.

Delikado yan. Maasahan ka ba namin sa laro kapag ganyan ang mood mo?

Oo naman! Wala 'to!

Talaga lang ha? Eh bakit hindi mo pa rin binabati si Lazaro? Kanina pang umaga yan aligaga sa kahahanap sa'yo, tapos ni ha ni ho, wala ka man lang sinabi sa kanya pagdating mo? Ni sulyap nga yata, hindi mo tinapunan eh kanina pa nagmamakaawang nakatingin sa'yo. Mukhang iiyak na nga oh, sabay turo nito ng nguso kay Dennise.

Sinundan naman niya ng tingin ang itinuro nito at tama nga. Parang iiyak na si Dennise. Kung bakit? Hindi niya alam. At ayaw niyang alamin. Guguho lang kaagad ang pader na ibinalot niya kanina lang bago siya pumunta dito.

Bakit naman niya ako iiyakan? balewala niyang tanong sa kaibigan. Hindi pa ako patay para iyakan, ate Gretch. At tumayo na siya at ibinalik ang tingin sa locker. Inayos niya yun pati ang bag kung saan nakalagay ang mga gamit.

Me problema nga, narinig niyang bulong nito pero hindi na niya pinansin.

Alis muna ako.

Saan ka pupunta?

Puntahan ko lang si Bang. Nabitin usapan namin kagabi, malakas ang boses niya nang sinabi niya yon, intentionally giving Dennise a hint na si Bang ang pinuntahan niya kagabi, kahit sa totoo lang ay hindi naman nangyari.

Tuluy-tuloy siyang lumabas ng dugout, again without looking at Dennise, at tumuloy sa lugar ng kabilang team. Totoong pupuntahan niya si Bang, pero para ipaalam niya dito ang paggamit niya dito sa kasinungalingan niya. Baka kasi mabigla na lang ito mamaya kapag may nangyaring hindi kaaya-aya dahil lang sa panggagamit niya ng pangalan nito.

Hindi na nagulat ang team ni Bang nang makita siyang kumakatok sa pintuan ng dugout. Agad naman siyang pinapasok sa loob ng isa sa mga coaching staff ng team.

Hello po! Hello everyone!

Hi Alyssa! bati sa kanya ng mga girls na nagiging kaibigan na rin niya dahil kay Bang.

Goodluck po sa laro natin mamaya!

Good luck din Alyssa! And request lang ha, huwag masyado malakas ang spike mamaya para hindi naman mahirapang saluhin ng libero namin ang palo mo! biro sa kanya ng isa sa mga girls.

AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon