19 - Signed Sealed Delivered I'm Yours!

7.6K 166 4
                                    

...And Alyssa scores!

...And she sent that baby home!

...Service ace for The Phenom!

...Drop-ball by Valdez! Quick thinking by The Phenom!

...Backthrow attack by Valdez and that was deep!

...It's a match point...Alyssa serves...and it's an ace! What a way to finish the game! Ateneo Lady Eagles win! 25-13, 25-9, 25-13

...Our POG for today, Alyssa Valdez scoring her highest record so far of 3o points! 15 attacks, 7 blocks and 8 aces! Wow! Such a powerful performance for this ALE player!...

Hail The Phenom! Hail The New MVP!!

Iyon ang sumalubong kay Alyssa pagkapasok na pagkapasok niya sa dugout. Nahihiya naman siyang ngumiti sa mga ka-teammates sa mga papuring natanggap niya.

Baby D! I'm so proud of you! salubong na yakap sa kanya ni Gretchen.

Thanks ate Gretch!

Wow, Aly, POG for the 4th straight row! Ikaw na! sabi naman ni Fille na katabi nito. Amore, shower na ako. Sunod ka na.

Yes, amore. Usap lang kami ni Valdez, sang-ayon nito sa nobya.

Nang makalayo na si Fille, nilingon siya ni Gretchen.

Kung makatingin, wagas! Hindi ka pa rin ba bumababa sa pagka-high mo? bulong nito sa kanya. Nahuli kasi nito siyang titig na titig kay Dennise at ito naman ay ganun din sa kanya. Parehong malawak ang mga ngiti nila. Dennise signaled going to the shower room at um-oo naman siya saka nilingon ang kaibigan.

She knew iba ang pakuhulugan ni Gretchen sa sinabi nito.

Ate Gretch, yan ka na naman! sita niya dito.

Mula kasi nang bumalik sila mula sa Batangas, hindi na siya tinantanan ng tukso nito. She didn't say anything, except the part where they had to change the venue, but Gretchen assumed and strongly believed may namagitan na sa kanila ni Dennise.

Paano daw kasi, para siyang sinapian ng kung anong espiritu at napaka-hyper pa. Lagi rin daw siyang nakangiti, madalas nahuhuling nakatitig Kay Dennise pagkatapos ay lumalawak ang ngiti sa labi nang walang dahilan. Naging clingy din daw sila sa isa't isa lalo na kapag sila-sila lang sa grupo ang magkakasama, daig pa daw nila ang mag-asawang bagong kasal sa sobrang ka-sweet-an. Pero ang isang bagay na talagang nagbago sa kanya ay ang pagkakaroon niya ng kakaibang enerhiya sa katawan, katunayan ay ang pagiging player of the game niya sa huling apat na laro nila.

Lahat ng iyon ay obserba ng best friend niya.

Ganun ba talaga kapag, you know? tumataas-baba pa ang kilay nito habang nakatinginsa kanya.

Ewan ko sa'yo ate, ang dumi ng utak mo! singhal miya sa kaibigan. Hindi ba puwedeng inspired lang ako kaya ganito laro ko?

Kaya nga! You're more than inspired. Eh hindi ka naman ganyan maski nung sinagot ka ni Lazaro. Ano ba talaga nangyari nung anniversary ninyo?

She frustratedly hissed at her. Ate Gretch, last month pa yun nangyari, hanggang ngayon, kinukulit mo pa rin ako? Eh di ba ikinuwento ko naman sa'yo kung anong nangyari? Ang kulit!

Ah basta! Iba na yang mga ngiti mo lalo na kapag nakatingin ka kay Lazaro, giit pa rin nito.

At ano namang problema sa mga ngiti ko, aber?

You always have that mischievous grin in your face.

Ha?

Hay naku Baby D, aminin mo na! pangungulit pa din nito sa kanya.

AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon