33 - Like I'm Gonna Lose You

7.5K 173 8
                                    

Ang hyper natin ngayon ah? I'm gonna guess everything is okay now? Luis greeted Dennise when they saw each other at the nurse's station.

It was five in the afternoon at nagla-log out siya from duty. Nakakaisang linggo na siya sa trabaho niya at halos isang buwan na rin nung nangyari ang insidente sa pagitan nila Luis at Alyssa.

After that day with Alyssa, it was pure bliss for Dennise. Hindi na siya hiniwalayan nito at bumawi ito sa kanya sa tatlong taong pagkakawalay nila. She was treated with so much love, madaling nabura sa isipan niya ang mga lungkot at pag-iyak na dinanas niya sa Amerika. Sa umaga, pasyal sila sa kung saan-saan o di kaya dadalawin ang pamilya ni Alyssa o isasama siya nito sa opisina nito kapag hindi maiwasang pumunta ito doon para pumirma ng mga dokumento. At sa gabi, sa iisang paraan lang nito ipinadadama sa kanya kung gaano nito siya nami-miss. At ganun din siya. Both of them couldn't be satisfied with each other. Kahit yata maubos ang labi nila sa kahahalik sa isa't isa, hinding-hindi sila magsasawa na ipadama ang pagmamahal nila para sa isa't isa.

And a week ago, isa pang blessing ang dumating sa kanya. Tinawagan siya ng ospital na pinag-apply-an niya. Ito rin ang lugar kung saan nagwu-work si Luis. At eto na siya, working as a medical intern.

I'm sorry about what happened last time, Bhe! yun agad ang bungad niya dito.

Okay lang yun Bhe, don't worry. Kung ako man nasa kalagayan niya, pagseselosan ko kahit langgam na lumalapit sa'yo.

Sobra ka naman!

You've grown into a beautiful woman Den. Despite what happened with you, America still treated you well. And I admire how brave you faced those trials alone. And Alyssa is so damn lucky to have you. And you know about my feelings for you. I just respect your relationship with her kaya isinasantabi ko muna. But in case...

Dennise is still very aware na may pagtingin pa rin sa kanya si Luis. She'd known it since college days and was almost considering it, but then, she met Ysay. Their friendship, though, didn't change with Luis' confession. Ito pa rin ang bestfriend niya.

Luis please...

I know wala nang makakahadlang sa inyong dalawa and as much as I envy Alyssa, mas importante sa akin na hindi maputol ang pagkakaibigan natin. So yeah, I even envy that feeling of possessiveness she has on you. Masuwerte talaga si Alyssa sa'yo.

And masuwerte din ako sa kanya, she was beaming as she thought about her girlfriend.

And that's my answer! I'm happy for you Bhe! Luis said as she was wrapped in his embrace.

Eherm! Kaya pala kanina pa inspired itong si Revilla. Nakita na naman niya ang inspirasyon niya!

Napalingon sila sa nagsalita. It was the hospital director.

Good morning Doc! bati nilang dalawa sa matandang doktor.

Good morning! How's your first week, Ms. Lazaro?

Okay naman po Doc! Salamat po ulit sa pagtanggap ninyo sa akin!

Hija, we already talked about it, di ba? You have an impressive scholastic records, plus you're highly recommended by our future cardiologist here, referring to Luis. Sino ako para tumanggi di ba? Anyhow, I'll leave you two alone muna, may pupuntahan lang akong consultation sa second floor. See you two around!

Muli silang nagpasalamat sa direktor bago ito tuluyang makalayo sa kanila.

Dennise was accepted as a medical intern sa ospital na iyon dahil na rin sa tulong ni Luis. Nirekomenda nito siya sa uncle nitong direktor ng lugar na iyon at ini-accommodate naman ng matandang doktor na pag-aralan ang mga papeles niya. Wala namang naging problema dahil halos kumpleto na naman siya sa units niya sa medical school na pinasukan niya sa Amerika at puwede na siyang mag-intern. Humingi na rin siya ng recommendation from that school para may backup ang pag-a-apply niya. Akala nga niya wala na siyang pag-asa dahil inabot ng halos isang buwan bago siya nakatanggap ng tawag mula sa ospital.  Pinag-uumpisa na siya ng trabaho kahit hindi pa man niya nakukumpleto ang requirements niya. Maganda daw naman ang grades niya, plus kilala ang eskuwelahang pinasukan niya sa larangan ng medisina kaya hindi na nag-atubili ang mga itong papagtrabahuhin siya agad. Pero ang mas ikinagulat niya ay ang sinabi ng direktor sa kanya nang kinausap siya sa opisina nito nung unang araw niya ng trabaho.

AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon