21 - Questions

6.4K 165 10
                                    

Hi, ma'am, how....ikaw na naman?!?!

Miss, sige na please! Gusto ko lang makausap si tito Mike, si Mr. Lazaro!

Miss, bakit ba ang kulit mo?! Wala nga siya dito!

Kung wala siya, nasaan siya?!

Hindi ko nga alam! Receptionist lang ako sa building na ito! At kung alam ko man, hindi ko pa rin puwede ibigay sa'yo nang walang pahintulot!

Pero Miss....

Puwede ba Miss, utang na loob, umalis ka na?! Maya't maya, araw-araw ka nang bumabalik dito, iisa at iisa lang ang tanong mo! At iisa at iisa pa rin ang magiging sagot ko! WALA. SIYA. DITO! Isa pang pangungulit at mapipilitan akong ipatapon sa labas at ipagbawal dito sa loob!

Miss, please! I have to see him, please!

What's going on....you!

Nilingon ni Alyssa ang nagsalita sa may likuran niya at biglang tumigil ang tibok ng puso niya.

Ti....

What are you doing here Valdez? malagom at punung-puno ng galit ang boses nito.

Tito Mike....

Don't you dare call me that! At umalis ka sa building na 'to! You're not welcome here or anywhere near my daughter. Do you understand me?!?

Please....

Tumalikod ito sa kanya at nagsimulang maglakad papunta sa may elevator.

Humabol si Alyssa. She tried to hold the old guy's arms pero pumiksi ito.

Mr. Lazaro, please! Give me a chance to explain, please! Mahal ko po ang anak nyo at mahal niya po ako!

Tumigil ito sa paglalakad at nilingon siya, sinuri buo niyang katawan mula ulo hanggang paa at pabalik hanggang tumigil sa mga mata niya. Nagkatitigan sila.

Hindi ka ba nandidiri sa mga sinasabi mo Valdez?! Kilabutan ka sa sinabi mo! Hindi ka mahal ng anak ko at kailanman ay hindi ka niya mamahalin, naiintindihan mo?! Huwag mong dalhin sa impiyerno ang anak ko!

Hindi po totoo yan! Mahal ako ni Deny!

Gusto mo ng totoo, ha?! Ito ang totoo at isaksak mo dyan sa kukote mo, duro nito sa sentido niya, hinding-hindi ka mamahalin ni Dennise! Nakakadiri ka! Nakakadiri ang mga katulad mo! Mga peste kayo dito sa mundo! Hindi kayo nilalang ng Diyos, alam mo ba yun?! Kung anuman ang ipinakita sa'yo ng anak ko ay iyon ay dahil lamang sa kuryosidad! Hinding-hindi magkakagusto ang anak ko sa mga tulad mo! Naiintindihan mo?!? Kaya layuan mo na siya! Hindi na siya babalik dito, at lalung-lalong hindi na siya babalik sa'yo!! Tantanan mo na ang anak ko!! Jaime! tawag nito sa kasama nito. Akina ang envelope!

Lumapit naman ang tinawag nito saka may iniabot ditong puting sobre.

Ayan! Inihampas ng matandang lalake ang sobre sa may dibdib niya. Yan ang magpapatotoo sa lahat ng sinabi ko! At pagkatapos mong mabasa ang sulat na yan Valdez, tuluyan mo nang lulubayan ang anak ko! Naiintindihan mo?!?! Wala akong pakialam kung anak ka pa ng pinakamayamang tao dito o kahit maging anak ka pa ng pinakamapangyarihang tao sa mundo! LAYUAN! MO!! ANG!!! ANAK!!!! KO!!!!!

At lumayo na ito. Naiwan si Alyssa humahagulhol sa gitna ng lobby, kipkip nang mahigpit ang sulat na ibinigay ng ama ni Dennise. Pinagtitinginan na siya ng mga dumaraang empleyado at bisita ng building pero hindi na niya ininda iyon. Nakapako lang ang paa niya doon, hindi makakibo ang katawan niya niya. Para bang doon mismo, wala ng buhay ang kaluluwa niya at katawan na lang niya ang naiwan.

AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon