37 - Deeply

5.5K 151 8
                                    

Shiela???

Hi Den! Nandito ka pala!

At bakit, sa tingin mo wala akong karapatang pumunta dito?!?! gusto niyang isigaw dito. At ikaw meron?!?!

Y...yeah, yun lang ang nasabi niya sa nanginginig na boses. Unti-unti nang nagigising ang selos sa dibdib niya. Y...you're driving Alyssa's car. Wh....where is she?

Ayun nakatulog sa sobrang sakit siguro ng ulo, turo nito sa loob ng kotse. I volunteered to drive kasi kanina pa siya nagku-complain na umaatake daw ang migraine niya.

K....kanina? K....kanina pa kayo magkasama?

Kanina. At kahapon. At nung isang araw, isang linggo. Isang buwan na kung tutuusin. Teka, she didn't tell you I'm her new secretary?

Tuluyan nang binalot ng selos ang pagkatao niya.

All this time, inilihim sa kanya ni Alyssa na sekretarya pala nito si Shiela???

Wh...why would she tell me? she reasoned out.

Yeah, bakit nga ba kailangan pa niyang ipaalam sa akin kung sino sekretarya niya? Si Shiela ka lang naman at girlfriend lang niya ako. So, yeah, why would she bother?

You're her girlfriend? patanong na confirmation ni Shiela.

Am I?

I hope I still am, even herself was not convinced anymore.

You need my help waking up Alyssa?

Kung gusto mo ikaw na lang! Ikaw na rin ang umakay papunta sa kuwarto niya! At kung gusto mo rin, ikaw na rin ang tumabi sa kanya sa kama! You do that kasi ikaw naman na yata ang girlfriend niya since a week ago!

Ahm, thank you, but I can manage.

Sige, maiwan ko na kayo. Puntahan ko lang si tita. Tita Pabz! kaway nito sa mommy ni Alyssa.

Dennise was fuming with jealousy. She wanted to rush to Alyssa's side and wake her up with her rants. How could she?!?! How could Ysay accused her of favoring Luis over her when all this time, kasama pala nito ang babaeng pinagseselosan niya nang lubos??

Alam naman nito ang damdamin niya kapag si Shiela ang pinag-uusapan, bakit hindi man lang siya kinonsider?

Now look who's talking! Ikaw ba, kinonsider mo damdamin ni Alyssa pagdating kay Luis? Hindi, di ba? Kaya pareho lang kayo. Pareho lang kayong sinasaktan ang isa't isa, kahit hindi nyo naman intensyon.

Dennise calmed a little bit upon that realization. Mabuti na lang inunahan siya ng konsensya niya, kung hindi, ang plano niyang pakikipagbati ay baka mauwi na naman sa bangayan. And she promised her future mother-in-law that she'll face this maturely. Hindi puwedeng selos ang paiiralin niya.

She calmed herself more bago napagdesisyunang lapitan si Alyssa at gisingin ito. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at nakita itong nakayukyok ang ulo sa may gilid habang naka-slant ang upuan nito para maayos ang paghiga. Ipinasok niya ang kalahating katawan niya para mas mapagmasdan pa ito.

Nangingitim ang gilid ng mata ni Alyssa, puna ni Dennise. At medyo nakakunot pa ang noo nito. Ganunpaman, hindi pa rin nawawala ang maamo at magandang mukha nito na gustung-gusto niya. Isama na ang labi nitong medyo nakausli pa. How she wanted to give her a kiss at that exact moment, lamang, pinigilan siya ng sitwasyon nila ngayon.

Love? Clark? Gising ka na. Nandito ka na sa bahay, mahinang pukaw niya kay Alyssa. Halika na, ihahatid na kita sa kuwarto mo. Doon mo na lang ituloy ang pahinga mo.

AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon