35 - Truly

5.9K 171 24
                                    

Mommy, kamusta po pakiramdam mo?

I'm okay baby!

Do you need something? Should I call the nurse?

Mommy's okay na, anak! I'm okay now since nakita na kita.

I'm really sorry mommy!

I'm sorry too anak! I'm sorry at naging matigas ang loob ni mommy sa'yo! Hindi mo tuloy nakita ang daddy mo!

Ssshh! It's okay mommy! It's okay! Please stop crying! Baka kung mapaano na naman po kayo!

Yumakap sa kanya ang mommy niya at hinayaan lang ni Dennise na umiyak ito pero kapag hindi pa ito tumigil agad, malamang maturukan na naman ito ng pampakalma, at pagkatapos, makakatulog.

Her mother was suffering with situational depression, according to the doctor. Dahil sa pagkawala ng daddy niya at hindi nila pagkakasundo, nagkaroon ito ng emotional disorder.

Wala pa siyang alam na kuwento kung paano nito nabuhay sa loob ng panahong hindi sila magkasundo. At kung paanong nagkita sila sa hospital. Basta na lang noong isang araw, habang nag-uusap sila ni Luis, bigla na lang may tumawag sa kanyang pangalan. Paglingon niya, nakita niya ang mommy niyang nakaupo sa wheelchair at umiiyak na tinatawag ang pangalan niya. Sa gulat, hindi agad siya nakalapit dito. Kung hindi pa bumulong sa kanya si Luis, hindi siya matatauhan at lalapit sa ina. Nag-aalangan pa siya nung una, pero iminuwestra na nito ang mga braso at tinawag na siyang "baby". Tuluyan nang naglaho ang pag-aalinlangan niya saka tumakbo at yumakap dito.

Iyakan sila nang iyakang mag-ina. Walang namutawi sa mga bibig nila kundi paghingi ng tawad sa isa't isa. Umiyak sila nang umiyak hanggang sa hindi siguro nakayanan ng sistema nito ang emosyon at hinimatay ang mommy niya. Agad namang may nag-asikaso dito, may um-attend na doktor at tiningnan ang pisikal na sitwasyon ng ina hanggang sa na-diagnose na may ganoong klase nga daw ito ng depresyon.

Habang ginagamot ang ina, hindi umaalis sa tabi niya si Luis para alalayan siya. She appreciated his presence during this time of her life, pero mas ikasisiya niya sana kung si Alyssa ang nasa tabi niya. Nang simulang gamutin ang nanay niya, nagkaroon siya ng pagkakataong tawagan si Alyssa para ibalita ang nangyari. She was too excited to tell her the news, nakalimutan niya ang sitwasyon nito sa mommy niya. Ganun din ang tungkol kay Luis.

Love! she almost shouted to Ysay on the other line. Her voice couldn't hold the overflowing happiness of seeing her mother again.

Love! You're shrieking! May nangyari ba? malumanay naman nitong sagot at tanong sa kanya.

Love, si mommy! Luis found mommy! Nandito siya!

Ganun ba?

Yes, love! Bhe found mommy! Pinag-uusapan lang namin siya kanina tapos....

That's good news! Hey, Deny, I have to go! I have another line! Bye!

At bigla na lang siyang pinatayan ng telepono.

Only then she realized what she had said over the phone.

She immediately redialed Ysay's number but it was busy. She tried two times more pero ganun pa rin. She then called her office pero wala daw doon, sabi ng sekretarya. Hindi pa pumapasok mula pa noong umaga.

She gave up trying to reach her. At sigurado siyang nadagdagan ang hinanakit ni Ysay sa kanya dahil sa ginawa niya.

She's not answering? Luis asked from beside her.

Umiling siya.

I don't know what to feel anymore Luis! I'm so happy that finally nagkita na kami ni mommy, pero mas lumalala ang hindi namin pagkakaunawaan namin Alyssa! Can't she just put that aside first and be with me at this moment?! Mas ngayon ko siya kailangan Luis!

AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon