2 - The First Time I Loved Forever

17.8K 225 3
                                    

Exactly Five Years Ago.....

Kapeng Barako at your service Ysay!

Thank you kuya! masiglang pasalamat ni Alyssa Valdez, o Ysay sa pamilya niya, sa kuya niya nang hinainan siya nito ng paborito niyang inumin. At agad na niyang sinimulang higupin ang umuusok pang kape.

Tambay siya dito ngayon sa cafe, bar and restaurant na pag-aari ng kuya Alfonso niya, ang panganay niyang kapatid. Isa itong well-known chef at kasalukuyang nasa Pilipinas at nagbabakasyon, kaya naman pinuntahan niya ito pagkatapos na pagkatapos ng pakikipagkita niya kanina sa coach ng Ateneo Lady Eagles.

Hep, hep, hep! Kumukulo pa yan, teka!

Huh?! Halos mabitawan naman niya ang hawak na mug sa pagpigil sa kanya ng kapatid.

Joke lang, bunso! Ikaw naman! Huwag ka kasing atat inumin yan! Wala naman kasing aagaw sa'yo niyan. Hinay-hinay lang sa pag-inom!

Eh kuya naman eh, eto nga ang tamang temperature para inumin ko ito! reklamo niya dito. Umuusok na halos kumukulo pa! At saka miss na miss ko na ang timpla mo sa kape ko! Humigop siya at napalatak pagkatapos. I think I'm in heaven! Wow! This tastes heavenly! puri niya sa inumin.

Asus! Binobola na naman ako ni bunso!

Eh totoo naman eh! Pamatay talaga itong timpla mo kuya! Itong timpla mo lang ang tanging gustung-gusto ko! Walang panama ang Starbucks, Cinnabon, Tim Horton's, at kung anu-ano pa sa lasa ng timpla mo! This is the best in the world! Itinaas pa niya ang mug saka dali-daling hinipan at inumin! Uuuuummmm, tsarap!!!

O, hinay-hinay lang! Tapos mamaya magrereklamo ka nalapnos ang dila mo sa pag-inom niyan? Hindi ka ba nagsasawa dyan, Ysay? Pang-apat mo na yan ah mula nang dumating ka dito kanina.

Eh sa masarap kaya siya! Gawa ng the best kuya in the world! The best kaya 'to, kuya! Swear! Tikman mo pa! Ay wag pala, akin lang 'to!

Sa'yong-sayo na yan! At bakit ba hanggang ngayon nagtataka pa rin ako bakit paborito mong inumin yan? Dyan ka nga pala ipinaglihi ni mommy! Pasalamat ka at hindi ka lumabas na ulikba! Wahahahaha!

Uuhhhmmm! suntok niya sa braso ng kapatid na hindi naman nito ininda. Patuloy lang ito sa pagtawa. Eh ano ngayon kung sa kapeng barako ako ipinaglihi ni mommy? Maganda naman ako, morenang-morena, super talino pa. Not mentioning hearthrob pa sa eskuwela! Saan ka pa?! pagmamayabang niya sa kapatid.

Oo na, oo na, ikaw na ang daig pa si Typhoon Mina sa sobrang kahanginan. Itatali ko na ba sarili ko sa poste para hindi ako madala? Hehehe....

Hmp!! kunwaring tampo niya sa panganay niyang kapatid.

Nilapitan naman agad siya ng kuya Alfon niya at niyakap sabay halik sa bumbunan niya. Asus! Tampururot na agad si bunsoy? Biro lang bunso! 'Wag nang magalit kay kuya! Lab, lab, lab ka ni kuya! Tsup! Tsup! Tsup! Paulit-ulit nitong halik sa ulo niya.

Lihim na napangiti si Alyssa. Mahal na mahal siya talaga ng kuya niya. Mahal na mahal siya ng pamilya niya.

Apat silang magkakapatid, siya ang bunso at nag-iisang babae kaya naman higit pa sa espesyal kung ituring siya ng pamilya nya. Siya ang prinsesa sa kanila, itinuturing na bunso ng pamilya, bunso nang buong angkan nila. Hindi niya alam ang dahilan pero kung ituring siya ng pamilya, pati mga kamag-anak, lalo na ang lolo at lola niya, ay isang prinsesa.

Isang prinsesang prinsipe.

Oo, babae siya pero may pusong lalake. And she's open about it. Her family accepts it. Walang kaso sa mga ito ang kasarian niya. Hindi na nga ipinagtaka ng mga magulang niya nang inamin niya sa mga ito iyon nung nasa high school siya. Hindi niya rin naramdaman na nabawasan, ni katiting, ang pagmamahal sa kanya ng mga ito, kundi lalo pa ngang lumalim yun. Abnormal man sa panuntunan ng nakararami ang estado niya sa buhay, normal at walang pinagkaiba iyon para sa pamilya niya. She's accepted by them no matter what her choices are, at yun lang ang pinakaimportante sa kanya.

AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon