Chapter 4

928 10 6
                                    

A/N: Baka po sa next chapter ko na i-reveal yung bagong character.. Naghahanap po ako ng tiempo.. Baka ngayon ko ireveal.. Basta.. eheheh... :D

Sorry sa mga wrong grammar tyaka wrong spellings na makikita niyo.. Enjoy reading!! ~^-^~

Tristan's POV

Mama, nasan ka ba? Mama!!

Takbo lang ako ng takbo sa gitna ng daan..... Hindi ko alam kung saan makakahingi ng tulong.

Mama!!

Mama.......

.

.

.

"Ilang beses ko na ba sinabi sayo na ang nanay mo iniwan na tayo! Hindi na siya mahanap ng mga pulis kahit ano pang gawin nila. Iniwan ka na niya at iniwan ako! Hindi na siya babalik!!"

Rinding rindi na ko sa boses niya!

"Hinding hindi iyon magagawa ni mama, pa! Mahal tayo ni mama! I know mother will come back! Babalik siya!!!" Depensa ko sa kanya. Alam kong babalik si mama. Alam kong may dahilan si mama kaya niya ginawa iyon. Hinding hindi magagawa ni mama ang mangaliwa. Hindi siya ganun!!! Alam ko iyon!!

.......... !!!

Minulat ko ang mga mata ko at dali daling umupo sa hinihigaan kong mga damo. Nandito ako sa field ngayon kung saan malilim at natatakpan ng mga puno. Dinadama ang ihip ng hangin. Ito ang naging tamabayan ko simula noong nawala si mama. Ang sabi kasi niya, kapag may problema ako, ibulong ko lang sa hangin at itataboy daw yon ng hangin.... Problema ko? That damn father of mine.

Si mama lang ang naging pamilya ko, ang naging kasama ko at ang naging karamay ko. Simula kasing naghiwalay sila ni papa, kay mama ako sumama. At nag-iba na ang tingin ng mga kamaganak ni papa sa aming dalawa ni mama. Pati kapatid ko. May kapatid ako. Bata pa lang kasi siya nung naghiwalay si mama't papa kaya nasunog na ng demonyong yun ang utak ng kapatid ko habang lumalaki. My mom has a reason why she left us, alam ko iyon. Kahit kailan hindi niya pinakinggan ang mga explanations ni mama...

Pero kahit ibulong ko sa hangin yang problema ko hindi pa rin to mawala sa isip ko.

"Nandito ka lang pala. Hinahanap ka ni coach. Mag training ka naman daw, ang tagal mo ng di nag ta-training. Kahit once in a week lang daw." Sabi ni Lex, ka-team mate ko.

"Wala akong gana...."

Simula din kasi noong nawala ang nanay ko, nawalan na ko ng gana. Mag ta-training lang ako kung kailan ko gusto.... Nailalabas ko din kasi sa kanila ang sama ng loob ko kapag naglalaro. I don't care if I hurt them while we're playing in the court.

MVP of my Heart (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon