A/N: Pasensya sa mga makikita niyong wrong spelling at wrong grammar.. :)
Thank You for Reading.. :D
Destiny's POV
"Ang dami ata natin ginagawa ngayon ah?" bigla na lang niya ipinatong yung kamay niya sa desk ko.. Napatingin naman ako sa kanya na magkasalubong ang kilay ko.. Si kuya lang pala.. Istorbo naman to oh! Can't he see? May dina-drawing ako!
"Bawal pumasok dito sa room ang mga taong panget mag drawing.. Don't you have a class today, kuya? At ang aga aga para guluhin mo nanaman ako?" I bursted.
Ang ayoko sa lahat ang ginugulo ako kapag may ginagawa ako lalo na kapag importante. Tyaka di niya ba napapansin? Ang mga kaklase ko kulang na lang malaglag na mga panty at bra nila sa katitili ng pigil kapag nakikita nila kuya ko. Haaay.. Alam kong gwapo ka, kuya. Pero huwag muna ngayon. Na di-distract ako sa ginagawa ko.
"Sungit naman ng bunso namin ngayon.." then he gave me a kukulitin-lang-naman-kita look at nag pout pa.
"Don't give me that look, naiirita ako, kuya. Mamaya mo na lang ako kulitin dahil busy ako ngayon."
"Maya na nga lang. 4:30 is my dismissal. Sunduin na lang kita dito mamaya. Bye! Galingan mo diyan.." kuya said then he walked off from our room.
Kailangan ko munang mag concentrate dito sa ginagawa ko. And for now, hindi ko iniisip ang dar---
"Aahhh! Naiinis na ko!"
Bura nanaman ulit.. Tapos drawing ulit. Tasa ng pencil.. Then bura nanaman ulit! Ugh! This so hard!
Everytime kasi na kapag napapasok sa utak ko ang usapan tungkol sa dare na yan, di ako makapag concentrate. Basically, tapos ko na to dapat kagabi pa. Naiinis lang ako sa utak ko kung bakit napupunta sa dar---
"Ugh!"
Bura nanaman ulit.. Haaay!! Please! Mamaya na ok?! Kapag tapos na ko, ok!
Sigh...
Kasalanan ko naman to...
Gabriel's POV
I can't forget her face when she's rooting for me in the game. Alam ko, ako ang binibigyan niya ng palakpak at napapangiti kapag nakaka shoot ako ng bola sa ring.. Paano ko nalaman? Simple, sa kanya ang tingin ko imbes sa laro namin ni Willsmith. Masaya naman ako dahil nakalaro ko ang isang sikat na starplayer ng California. Naglakas loob pa nga ako na hamunin siya ng laro. Ang lakas ko ding hamunin siya pero talo naman ako. Pro talaga.
Napapangiti na lang ako habang tinititigan si Destiny sa litrato na kinupit ko sa wallet ni Daryll. heh? Am I this crazy in love with her? Ever since that incident in Mcdo and ever since I met her. Nagulat na lang nga ako noon na kapatid pala siya ni Daryll. I'm not expecting that thing pero sadyang napakaliit ng mundo. At sobrang tuwa ko dahil maliit ang mundo.
Then one chance day, I tried to asked her if she wants to have a date with me pero hindi ko pa lang natatapos ang tanong ko biglang sumulpot ang kapatid niya. This is what we called life.. tss.. I know, Daryll loves her so much. Alam ko rin na alam ni Daryll ang nararamdaman ko ngayon para sa kapatid niya. Siguro, ayaw pa ni Daryll ngayon dahil masyado pang bata si Destiny sa mga ganitong bagay.