Chapter 19

514 6 3
                                    

A/N: Pasensya na sa mga typo at mga maling grammars.

I'll dedicate this to @beautiful_sadist. Sobrang maraming salamat sa 12542763 years na paghihintay sa update. ehehe ^.^V

By the way, Happy 7.1K reads! Yehey!

Hope you'll enjoy this chapter. =)

Destiny's POV

"Last day na, guys, ano naman balak niyo this summer?" tanong ni Raffy sa amin habang kinakalikot niya ang phone niya.

"Pupunta kami ng Cebu. May family resort kasi kami doon." Sagot naman ni Miyu.

"Ay bongga! Pwedeng sumama?" Si Ida naman.

"Kaloka! Feel na feel ko siguro ang summer dyan!" Excited na sabat ni Raffy at binitawan ang phone dahil sobrang excited.

"Oo naman! Sabihin ko kay mama para mag book na siya ng flight. Promise! Magsasaya tayo 'don!" Mukhang excited na din 'to si Miyu.

Ako? Nanahimik lang. Pinapanood lang yung conversation nilang tatlo. Ewan ko ba.

Bukas kasi dapat ang punta namin ni Gab sa Enchanted Kingdom kaso nga lang di matutuloy kasi nga daw, he needs to fix things with Fionna to cancel their crap arrange marriage! I sighed at napangalumbaba na lang bigla sa lamesang pinagkakainan namin dito sa cafe ng school.

'Di ko masyado maintindihan 'tong nararamdaman ko ngayon. Kung magiging masaya ba ko o malungkot. Masaya, kasi may gagawin siyang paraan para makatakas siya sa sitwasyon niya. At, malungkot naman, kasi sayang ang araw na 'yon. Busy na nga siya lagi para ma-complete niya ang requirements para sa finals niya kaya minsan nawawalan kami ng time para sa isa't isa. Pakiramdam ko rin, pinagseselosan ko si Fionna kahit wala namang dahilan.

"At ano naman ang problema natin dyan, sisteret?" tanong ni Raffy sa akin at napangalumbaba rin.

"Oy, malas yan, girl. Ano bang problema?" Ulit na tanong ni Ida.

Inayos ko ang upo ko at sinimulan ko ng magsalita. Ganito kaming apat. Dapat share-share ng thoughts. Sino pa man yan, kilala namin o hindi ay pinaguusapan. Mas masahol pa ang turingan namin sa magkakapatid. Siguro, dahil silang tatlo only child lahat at ako lang ang nag-iisang may kuya.

"Hindi kami matutuloy ni Gab sa EK bukas."

"Why oh why, my dear?"

"May kailangan siyang gawin sa arrange marriage niya..." malungkot kong sagot.

"Oh! bakit ka malungkot? Diba, dapat maging masaya ka 'nun kasi meron siyang gagawin na paraan para sa arrange marriage na yan?" tanong sa akin ni Ida na nagpa realize sa akin na dapat maging masaya ako.

"Alam mo, Des, kapag nalampasan na lahat ni Gab 'yan, magiging maayos ang lahat." she gave me a smile. Angelic as always, Miyu.

Binalikan ko rin siya ng ngiti.

"Ay alam ko na, girl!" Napatingin kami bigla kay Raffy. Nakita naming malaki ang mata niya na makinang kinang pa. Mukhang may naisip na ideya si Raffy. Pinoint niya ang index finger niya sa sintido niya na may wirdong ngiti sa labi.

"Ano?"

"Diba, the other day, niyaya ka ni Tristan to go with him sa EK? 'yon na lang ang tanggapin mo kaysa naman sa magmukmok ka dyan!"

"Gaga ka ba, Raffy?" we heard Ida yelled.

"Hey, I'm not gaga. Call me Lady Gaga!"

"Bano! Parehas lang yun, pinasosyal mo lang!"

Eto na naman po silang dalawa -.-

"OA ka girl! Kalma ka lang, puso mo baka lumabas. Bakit mo naman kasi akong tinawag na gaga? Aber?"

MVP of my Heart (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon