A/N: Sorry sa mga spelling at grammar na mapupuna niyo. :)
Enjoy reading!
Destiny's POV
Ilang weeks na rin ang nakalipas. 4 weeks I think after our graduation. Today, preparing myself dahil aalis kami ni kuya ngayon. Sasamahan niya ko sa pag-eenroll sa university niya. Hindi kasi ako masasamahan ni mommy ngayon dahil she have to attend important event to their upcoming business.
Habang nagbibihis ako ng pang-alis ko biglang may kumatok sa kwarto ko...
"Des, hurry up! Naghihintay si Manong sa baba." Si kuya Daryll.
"Okay, I'm almost done!" sigaw ko.
Mag-eenroll ako sa pinapasukang university ni kuya. As my dad said, kailangan daw kasama ko ang kuya ko palagi para safe. He also wanted me to go there dahil mganda daw ang mga facilities ng university na iyon. Basta sa akin, wala naman sa pinapasukan mong school yan, nasa course yan. I want to take BS Architecture at sundan ang yapak ng tito ko and not just that, because I love drawing lanscapes and buildings. Tsaka freehand. Tututol ako pumasok sa university na to kung hindi nila ako papayagan sa kukunin kong course but fortunately hindi naman nila ginawa iyon.
Bumaba na ko at sumakay ng kotse para pumunta sa university. Half an hour lang pala ang byahe papunta dito.
Grabeeee ang init dito sa Pilipinas!! It's more 'hot' in the Philippines, hindi na siya 'fun'. Nakakasunog sa balat ang init!
We're heading to admissions office ng university na ito at kasama ko si kuya ngayon. Sulat ng name, adress, age, guardian's name, what course, etc. pirma dito, pirma doon, punta dito, punta doon at bayad dito, bayad doon.
Haay.. Ang iniiiiit talaga! PATI YUNG HANGIN MAINIT DIN!! -_-"
"Tara!" yaya sa akin ni kuya.
"Saan?" tanong ko. Saan kaya gustong pumunta nito? Imbes na umuwi na lang eh.
"Basta, dalian mo!"
No choice na ko, sinunod ko na lang siya. Kesa naman hayaan ko lang siya umalis baka maligaw ako ng di oras. Ang laki-laki pa naman nitong university nila. Hindi naman siguro ako ililigaw nito kung sasama ako sa kanya kundi isusumbong ko siya kay daddy.
"Sige na nga!"
Napahanga ako ng makita ko ang gymnasium nila. Ang laki ng gym nila!! Dalawa ang basketball court tapos napapalibutan ng mga bleachers!! Parang sinehan!! Mas malaki pa sa school namin.. Hindi naman ata to gym. It's more like an arena!