"Destiny Anne Martinez."
Upon calling my name, I walked with full of honor to the stage to receive my diploma from our principal. Graduation day namin ngayon dito sa PICC. Sobrang saya dahil summer na but at the same time sobrang lungkot kasi hiwalayan na. Highschool life is very memorable stage of every hihgschool students. Isama mo pa tong ultimate bestfriend kong si Ace na simula first year kasama ko sa lahat. Syempre pagtungtong namin ng college, magkakahiwalay na kami. I'll miss my highschool friends so much! Di ko makakalimutan tong year na to.
"Graduate na tayo, Ace!!! Congrats sa atin!!" sigaw ko sa bestfriend ko.
Pagkatapos ng graduation, nagyaya si Ace na kumain kaming Mcdo. Alam niya kasing favorite ko ang Mcdo. Kaso nga lang...
"Sasama ako sayo kung i-li-libre mo ko." I said with matching pout lips. Spoiled ako diyan eh. Nakita ko naman ang pagkunot ng kaniyang mga noo. Nagdadalawang isip pa.
Kahit kailan talaga napaka kuripot nitong bestfriend ko. Mayaman naman, tatay niya may ari ng sikat na pier tapos di niya man lang ako makuhang ilibre. Ang hindi niya alam, buhay ngayon libre na eh. Ahaha. Syempre joke lang yan.
"Sige na nga.." Aay pilit?
"Pero, wait lang may ibibigay lang akong regalo."
Hala sakin ba yan?? May lihim na pagtingin pa naman ako sa bestfriend ko. Oo na, aaminin ko, Ace is my first love. Mukha kasi siyang siraulo. Eheh.. Gwapo, matalino, walang pinipiling kaibigan, mabait, and especially maalalahanin. Ayan na nasabi ko na kung bakit. Pero syempre ang buhay ay parang cliche story, nakakasawa. As usual I have a situation of a bestfriend problems. Parang katulad lang sa mga movies about bestfriends, si girl may gusto sa bestfriend niyang guy, at eto namang si guy wala.
Ano ba naman yan, ayoko na magkwento. Masakit kaya na makikita mo ang bestfriend mo na gusto mo eh may binibigay na regalo sa nililigawan niya ngayon. I saw Ace giving her a cute little box. Sophia is her name. Maldita, bully, ano pa ba? Basta. Binully niya kaya ako noon. Anong meron sa kanya at bakit nililigawan siya ng bestfriend ko?
Pagkatapos naman niyang ibigay ang gift niya, lumapit na to sa place ko at nagpaalam ako kay mommy na kakain lang kami ni Ace sa Mcdo.
Nyieee.. Tingin ni mommy nakakatakot! Mukhang ayaw akong payagan.
"Please, mom, this is the last. Graduation naman namin eh. Please." pilit ko.
"Loves, payagan mo na si des tyaka wag mo ng bebayhin yan, malaki na yan. Right, des?" singit ni dad. Spoiled din ako kay dad eh kaya ganyan yan. Thank you, dad! You're the best.
"Please.." Isa pang pampilit.
Mom heaved a sigh then pumayag na rin. "Okay, hanggang Mcdo lang kayo and be home at exactly 9." Phew, I hate curfews.
"Yey! Thank you, mom!"
"Des, narinig mo sinabi ng mom mo. Okay, I'm going to work na after ko lang mahatid tong si mama mo sa bahay. Magtext ka na lang kay Manong pag magpapahatid ka na." bilin sa akin ng super workaholic but sweet kong dad.
"Okay dad! Take care!" I said then I kissed their cheeks.
"Once again, congratulations our Destiny."
I gave them a sweet smile and a "Thank You."
~~~(❤)~~~
"Buti na lang pinayagan ka ni tita." sabi ni Ace. Nandito na kami ngayon sa Mcdo, kumakain.
"Si dad lang naman katapat nun." I said then isinubo ko na ang kakainin ko.
Habang kumakain kami, napansin kong napakatahimik, so, I've decided that I should be the one to break the ice.