Destiny's POV
Ilang weeks na rin ang nakalipas simula nung mga pangyayaring iyon. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa panliligaw sa akin ni Gab. Yeah, It's almost been a week, tuloy tuloy pa rin ang pangliligaw niya sa akin. Araw-araw niya kong sinosorpresa. It's almost been a week na ring hindi ko nararamdaman ang presensya ni Tristan. Dapat ba kong malungkot nun? Ay hindi pala, masaya ako dahil hindi ko na siya nakikita at hindi niya na ko naaasar. Naaalala ko pa nung nakaraang araw, nagkita lang kami sa may gate ng school, inasar ba naman akong pupunta daw ako ng lamay dahil sa dami ng bulaklak na natatanggap ko from Gab. Mapangasar diba? Minsan, hindi ko rin siya maintindihan, kasi ba naman may araw na ang bait-bait tapos may araw na masungit tapos may araw na mapangasar. Baliw ata yung isang yun. Ang hirap niyang intindihin! Haay, ano ba naman yan? Bakit siya na ang pinaguusapan dito?
"Oh ano na girl? Ano nanaman ang surprise sayo ni Papa Gab?" excited na tanong sa akin ni Raffy.
"He told me to wear this dress and he invited me to go on a date tomorrow." Sabay labas ko ng dress sa isang box na bigay ni Gab sa akin kahapon.
Nandito nga pala ngayon sina Ida, Mayumi at Raffy sa kwarto ko. Sabik na sabik malaman kung anong mga surprise ang ibinibigay sa akin ni Gab.
"Des, sagutin mo na kasi. Mahirap kapag hanggang MU lang kayo. Nako, bahala ka, baka may matipuang agad na iba yan." pagbabanta sa akin ni Ida.
"Hindi naman siguro ganun si Gab."
"Bakit may 'siguro'? Meaning, there's a possibility na magawa nga ni Gab yun." - Mayumi
I suddenly became worried at hindi nakapagsalita. Posible nga kayang gawin ni Gab yun?
Hindi ako nakaapila sa sinabi ni Mayumi.
Maya-maya naman may biglang kumatok sa pintuan at agad-agad naman itong binuksan ni Raffy.
"Hi, girls!" Si mommy. May dala-dala siyang tray na may apple pie at juice.
"Hi tita! Wow naman!" - Ida
"Ano po yan, tita? Mukhang masarap ah!" - Raffy
"My specialty, for your merienda, apple pie! Oh dali kain na kayo." Isa isang binigyan ni mom sina Mayumi ng platito at kanya-kanyang kuha sa pie.
Ako? Wala akong gana. Hanggang ngayon nasa isip ko pa rin ang sinabi ni Mayumi kanina tungkol kay Gab.
"Des, are you alright?" my mom asked. I saw the eyes of my mom suddenly became worried also. Mukhang nababasa niya kung ano ang nasa isip ko ngayon.
"Yeah. I'm fine." malumanay kong sagot sa tanong niya.
Sinundan ko ng tingin ang mga mata ni mommy at nahuli kong tumingin ito sa dress na nakalapag sa kama ko.
"Where did that dress came from? It's very gorgeous!" mom said in a pleasant manner at lumapit siya sa kama kung saan nakalapag ang dress ko.
"It's from Gabriel.." I answered.
"Patay na patay talaga sayo si Gabriel anoh?" mom teased.
"Oo nga po, tita eh. Pwede na ngang ilibing sa sobrang patay na patay sa kanya." tapos biglang nagtawanan yung tatlo. Aba't nangasar pa.
"Bata ka pa, des... Hindi naman sa pinagbabawalan ka. I'm just very protective to yo---" hindi ko pinatuloy kung ano ang sasabihin ni mommy because I want it to be the one to continue it.