Chapter 7.2 (continuation)

751 12 7
                                    

A/N: Continuation po ito ng chapiee 7.. ihihi.. 

Once again, MARAMING SALAMAT sa mga bumabasa nito.. kahit konti lang kayo.. nagpapasalamat pa rin ako.. ahah.. Ang babaw ko meghed. eheh.. :) Salamat ulit.. 

Destiny's POV

When is the last time I saw him smiling? Nung first day.. Oo.. His smile made me comfortable.. It's like I saw an angel infront of me..

"Sana lagi ka na lang nakangiti......" 

Ang sarap sa pakiramdam kapag tinitingnan ko siyang nakangiti... Whenever he smiles, I can't help myself but to smile also..

"Huh? Anong sabi mo?" 

Narinig niya sinabi ko? Imposible!

"May sinabi ako?" 

Hindi ko namalayan... ginagamot pala niya yung noo ko... 

"May sinabi ka diba? Ano nga ulit yon?"

"WAAALLLLAAAA!!! Salamat na lang sa pag gamot mo sa noo ko!" sabi ko at lumabas na ng cr.. Nakakahiya.. Buti na lang kaming dalawa lang ang nasa loob.. 

Hanggang sa makapunta ako ng court.. Napatingin sa noo ko si kuya...

"How's your forehead?" tanong niya na may pag alala...

"It's ok.. Umuwi na tayo, kuya! Ayoko na dito..." pagpupumilit ko sa kanya.. 

"30min?"

"10min..." I said..

"25min?"

"15min..." I said again...

"20min?" 

"Kuya naman eh! Sige na nga!" Di ko naman to matiis... Haaay... -.-"

"Thanks.." bumalik na siya sa laro... 

Maya maya nahagip ng mata ko si Tristan.. Tumatakbo siya pabalik sa court at maglalaro na... sigh.. Sinabi ko ba talaga yun? Alam ko nasa isip ko lang yun sinabi.. O baka naalog masyado yung utak ko dahil sa pagkakatama niya ng bola sa noo ko.... Aaay.. bakit ko ba iniisip yun? Eerrgghh.. Hindi ko pa nga siya pinapatawad sa pagkakakuha niya ng first kiss ko!! Kainis! Ayoko ng maalala iyon! He is such a pervert!!!

Sobrang naalog nga ata ang utak ko, kung anu-ano na nasa isip ko.

Daryll's POV

Time check: 11:38 pm

 "Oh! Paano ba yan! Panalo kami..." sabi ni Lex at excited na excited malaman kung ano ang reward namin sa kanila..

Masasabi kong napakasaya nitong laro ngayon.. Lalo na't nagbalik na rin sa dati itong si Tristan. Parang bumalik ang masayang nakaraan.. Nakakapanghinayan nga lang wala ngayon si Gabriel.. Pass daw muna, kailangan niyang tulungan ang dad niya sa business nila.

"Ahaha.. Oy, daryll.. Tulog na yung kapatid mo dun oh.. Kakahintay sa'yo.." tinuro naman ni Justin ang kapatid ko na nakahiga na sa bleachers at tiningnan ko ito. Mukhang pagod na pagod. Mali ata ako, dapat inuwi ko muna siya sa bahay. 

Tulog na tulog na nga.. Napasobra ang laro namin, nakalimutan kong nandito pala siya at hindi ko na siya inintindi.

"Makakauwi ka pa ba niyan? Gabing gabi na.. Madilim na ang daan.." bungad ni Lex sa akin.

Di ko na rin namalayan, gabing gabi na pala... Saan kaya may malapit na hotel dito... Delikado kung ganitong oras kami uuwi.

Tatawagan ko na lang si mama at magpapaalam that we're gonna stay at the hotel.. Nagaalala na siguro yun... 

"Saan bang may malapit na hotel dito?" tanong ko sa kanila.

"No need to do that, Daryll.. Delikado kung babyahe ka pa.. Makituloy na lang kayo sa unit ko.. May extra naman akong kwarto doon.." sabi ni Tristan.

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Ayos to, para hindi na rin ako gumastos. 

"Salamat, Tristan.. Convoy na lang.." 

"Sige!" 

Dali-dali akong pumunta sa kinaroroonan ni Destiny at binuhat siya para maisakay siya sa kotse.. Pagkabuhat ko sa kanya, naramdaman kong mainit siya.

Destiny's POV

Tubig

Dagat?

Bakit ako nandito

Hindi ako marunong lumangoy!! 

Mamamatay na ba ko??

"Huh! Sino ka?!"  tanong ko... 

May babae akong nakikita.. Mahaba ang buhok.. Maputi.. Nakangiti siya sa akin.. Para siyang anghel kung ngumiti.. Nandito siya para tulungan ako.. 

Kinuha niya ang kamay ko at hinigpitan ang hawak.. "Ligtas ka na..." bulong niya....

Unti unti kong minulat ang mga mata ko... Panaginip lang pala.. Lagi ko na lang napapanaginipan ang pangyayaring yon kapag pagod ako o madami akong iniisip.. Alam kong nangyari talaga yon sa buhay ko.. Pilit kong kinakalimutan pero bigla bigla na lang siyang sumusulpot sa panaginip ko... Hindi ko na alam! EWAN!!! 

Inilibot ko naman ang tingin ko sa paligid ko. Teka, hindi ko kwarto to? Nang makaupo ako, naalala ko lahat ang nangyari kagabi.. Mukhang nasa ibang lugar kami natulog ni kuya.. Anong oras na kaya sila natapos kagabi? Sa susunod talaga di na ko sasama. Kainis naman si kuya.

Naramdaman kong may nakahawak sa isa kong kamay. Napakahigpit ng pagkakahawak niya. Parang ayaw niya kong pakawalan..

Napatingin ako sa gilid ko.. Nakita ko may nakaupo sa sahig at nakanap ang ulo niya sa kama.. Hindi kaya si kuya 'to?

"Kuya..." pagtawag ko sa kanya at kinalabit siya ng dahan-dahan. 

Si kuya ba talaga to?? 

May maliit na birthmark si kuya sa batok pero ito wala. 

"Kuya...." 

"U-uhmm.." 

Bakit ibang boses ang narinig ko? 

Kinalabit ko siya ng kinalabit hanggang sa napatingala siya at laking gulat ko na hindi si kuya ang nandito.

Si Tristan?!! 

Anong ginagawa niya dito? Bakit ako nandito?

A/N: Salamat ulit sa mga nagtyatyagang bumabasa nito.. :) 

MVP of my Heart (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon