Chapter 15

538 6 3
                                    

A/N: Humihingi po ako ng paumanhin dahil sa tagal ko ng hindi nag uupdate dito. wala lnag pumapasok sa utak ng lola niyo.. ehehe.. sorry ulit..

Destiny's POV

"Tristan?"

Nagulat ako ng may biglang lalaking nagsalita. Lumingon ako at nakita na nakakunot ang noo ni Gab.

~~~(♥)~~~

"Hinanap kasi kita sa locker room niyo nung pagkatapos niyo magpractice para magawa yung dare namin ni kuya pero pagkapunta ko doon wala ka tapos ayun na hinalikan na lang ako bigla ni Tristan. I don't know what came into his mind kung bakit niya ginawa iyun sa akin..." Ang mahaba't tuloy-tuloy kong explain sa kanya. Basta gagawin ko lahat para hindi siya magalit sa akin.

"Is that the reason why you cried that night?" biglang tanong sa akin ni Gab na ikinalaki ng mata ko dahil sa gulat. Paano niya nalaman na umiyak ako? Napaka seryoso naman ng mga mata nito na nakatingin sa akin.

"Paano mo nalaman yun?" balik kong tanong sa kanya na may pagtataka.

"I know about the dare. Kwinento sa akin ni Daryll. Nagtaka siya kung bakit parang namugto ang mga mata mo nung pagkagising mo sa umaga. Nagtaka din ako dahil bigla akong sinisi ni Daryll sa pagiyak mo ng gabing yun..... Pero sobrang saya ko naman dahil nalaman kong may crush ka sa akin." tapos nakita ko ang pag ngiti niya sa akin pero hindi mo maiaalis sa kanya ang pag-alala na namumuo sa mukha niya.

"I'm sorry because I wasn't there to save you..... I'm sorry because Tristan did that to you... Huwag kang mag-alala, kung iniisip mo na galit ako sayo, hinding-hindi ko magagawa yun tsaka hindi mo naman ginusto mangyari 'yon. Kamumuhian ko ang sarili ko kapag ginawa ko yun sayo." tuloy niya.

Ganito ba siya kabait? Hindi ako makapaniwala dahil nakuha niya pang magpatawad sa akin na dapat hindi naman kasi hindi naman kailangan. Mukhang seryosong-seryoso siya sa relasyong meron kami.

"May nasabi bang hindi maganda sayo si Tristan nung hinalikan ka niya?" bigla niyang tanong sa akin. Gusto ko siyang sagutin na 'oo'. Inakala niyang katawan lang ang gusto ko sayo. Na halik lang ang habol ko sayo. Pero hindi ko magawa kasi baka ito pa ang maging cause ng pag aaway nila. Baka nga sa kadahilanan ko na hinalikan ako ni Tristan gusto niya ng suntukin si Tristan what more pa kaya kung sabihin ko pa sa kanya yun.

"W-wala naman. Wala kang dapat alalahanin, Gab, tsaka past is past, kalimutan na natin ang nangyaring yun." sabi ko sa kanya at pinilit kong ipakita ang ngiti ko sa labi para mabawasan ang pag alala niya.

Bigla namang tumahimik kaming dalawa. Tanging lakas na lang ng hangin ang naririnig ng mga tainga namin. Kaming dalawa na lang dito ni Gab sa gazebo, iniwan kasi kami nina Ida para makapagusap kaming dalawa ng masinsinan ni Gab.

"Des.." bigla niyang tawag sa akin. Napaharap naman ako sa kanya at tumingin ng diretso sa mata niya.

"Can I kiss you? Right now?"

Hindi ako nakagalaw bigla nung sinabi niya yun and his eyes covered with full of jealousy?

Gabriel's POV

"Can I kiss you? Right now?"

With what I had said I just saw her became stealthily shocked and numb. Nakikita ko sa mga mata niya na ayaw niya. Napailing na lang ako bigla at nainis sa sarili ko dahil sa sinabi ko. Nadala lang siguro ako ng selos.

"Sorry.." sabi ko at napatingin sa malayo.

"G-go a head. I-if you w-want to." nagulat ako dahil sa sinabi niya. Pero tinutulan ko pa rin dahil halata naman na nahihiya siya at ayaw niya..

MVP of my Heart (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon