Tristan's POV
"I said, I like you..."
Nakita ko siyang napatulala sa akin. "What again? What like?"
Shit! Iba nasabi ko. Ano ba naman, hindi pwede.
"Huh? No, I mean, ergh.. I like it. I like the way you dress tonight." Tsk. Ano ba tong pinagsasabi ko. Pagod lang siguro to dulot ng laro namin kanina.
Nakita kong kumunot ang noo niya. "Ang gulo mo talaga."
Magulo? Ako? -_-'' Baka siya ang magulo. Tsk.
Oo na, aaminin ko, maganda siya ngayon dahil sa suot niya. Yun lang. Nothing else.
"Nandito lang naman pala kayo!"
Pagkalingon naming dalawa, bumulaga sa paningin namin sina Lex at Ida.
"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Lex.
"Ah wala. Sige alis na ko."
Makaalis na nga.
Destiny's POV
"Ah wala. Sige alis na ko."
Problema nun? Akala ko ba sasamahan niya ko? Huh? I don't care!
"Uy, what are you two doing here before? Kayo ha? Ang haba talaga ng hair mo." si Ida.
"Eh kayo? Anong ginagawa niyo dito?" balik kong tanong sa dalawa. Namula naman tong si Ida.
"Sabihin ko na lang sayo mamaya." bulong nito sa akin.
Mukhang merong something dito sa dalawang to ha.
Nagpaalam na si Ida kay Lex at pagkatapos din nun hindi ko na nakita si Gab nung bumalik kami sa hall. Bahala na nga siya sa buhay niya. Hindi ko na siya crush. Kahit MU. Pero parang ang hirap naman ata nun. Kainis naman yang fiance na yan eh!
Hinintay na lang namin si kuya na matapos sa pakikipagusap sa mga kabarkada niyang basketball players. After that, inihatid naman ni kuya ang mga kaibigan ko sa kanikanilang bahay at umuwi na din kami.
Pumasok ako sa kwarto ko at nagpalit na. Hinubad ko na rin yung varsity jacket ni Tristan at ipinatong sa may upuan. Bukas ko na lang ibalik sa kanya. I'm ready to sleep pero.... Hirap akong makatulog dahil sa kaiisip ng kaiisip sa babaeng ahas na yun! Haay.. Ano na bang nangyayari sa akin?? Baka nga totoo ang sinabi ni Mayumi na there's a possibilty na mahulog si Gab sa iba. Maganda naman kasi yung babaeng ahas na yun. Bagay sila.