Simula ng tumungtong ako sa 1st year college, biglang nagbago ang takbo ng buhay ko. Naging magulo. Lalo na ang puso ko.Naging magulo ang puso ko kung sino ba talaga ang hinahanap nito. Kung kanino ba talaga ito tumitibok ng husto.
Kung sa isang lalaki ba na varsity ng basketball at three pointer, inaasar ako sa bawat pagkikita namin, masungit, tamad pero matalino, mayaman at mayabang, pero sa kabila ng lahat ng iyan meron din naman siyang tinatagong bait sa katawan at ang pagiging maalalahanin. Isa rin siyang gwapong nilalang na dinaig pa ang actor na paborito ko sa isang movie.
O.....
Kung sa lalaking naging crush ko simula nung una kaming nagkita at siya ang kabaliktaran ng una. Punung-puno ng kabaitan sa katawan, palangiti, sweet, gwapo na mukhang may pagkahalong americano. Varsity rin siya ng basketball. Ang tipo ng player na sobrang galing mag dunk.
Silang dalawa ang nag aagawan. Nag aagawan sa iisa kong puso. At ako naman, naguguluhan kung sino sa kanila ang pipiliin ng puso ko... Kung sino sa kanilang dalawa ang magiging MVP ng puso ko.
_______
New story ko po... :)
Inspired dahil sa napanood kong Kuroko no Basuke.. Try nyo panoorin ang ganda! Wala mang romance ang genre pero ang galing! nakakapintig ng puso dahil sa mga tournaments! ahaha.. Tama na ang dami ng nasabi.. Anywaysssss, sana po magustuhan niyo po tong bagong story ko. INSPIRED po talaga ako :''D Pero minsan inaatake ng writer's block.. ahahaha...
Enjoy Reading!!!
BINABASA MO ANG
MVP of my Heart (Slow Update)
Roman pour AdolescentsSino ba talaga ang MVP ng puso ko?